0.1

86 7 0
                                    

With a long, deep gasp, unaware that she died for a few minutes. Natagpuan ni Ceesta ang sarili na nakalapat ang ibabang katawan sa lapag habang may kamay na naka suporta sa likod niya.

Someone-- sounds like Apollo, cursed beside her. "Oh my God--"

She forced herself to sit, titled her body to the side and began to cough with great difficulty and force, letting out a deep, hacking cough that was accompanied by a loud wheezing sound and a pained expression.

"Oh my God--" Ramdam niya ang kamay ni Apollo at ang marahang pag tapik at himas sa kaniyang likod. "Ayos ka lang? Shit, Cee. Akala ko hindi ka na gigising."

Pinatong ni Ceesta ang noo sa isa sa mga braso niyang nakalapat sa mabuhanging simento habang pinapahupa ang bigat sa dibdib.

She heard someone take a relieved sigh while she pulled her body away from the cold hard ground.

Natigilan siya.

A ground?

Baffled, pilit niyang kutkutin ang isip kung ano at paano siya napunta sa labas-- nang tuyong tuyo ang simento, damit at katawan, because she swore, umuulan. And earlier she was drowning. Ramdam pa niya ang sakit sa ilong at lalamunan.

Nang iangat pa nga niya ang braso'y sumama ang mangilan-ngilang buhangin at ang iba'y nahulog ngunit nag iwan ng maliliit na tuldok sa kaniyang balat.

"Apollo--"

"Hey-- hey, I'm here." He sat beside her. "Kaya mo bang tumayo?"

She nodded. Nang makatayo at ramdam ang panginginig ng tuhod, hindi maialis ni Ceesta ang naniningkit na mata sa mga taong pa daan-daan sa labas ng masikip na eskinita.

Ilinuwal sila nito sa isang kalye na puno nang samu't-saring hindi kalakihan na mga tent at stalls.

Abala ang lahat, maingay dahil sa mga tinderang maya't maya ang tawag sa mga taong dumadaan para ialok ang kani-kanilang paninda.

"Cee."

Ceesta felt dumbfounded, she didn't even realize na nakalayo na si Apollo.

Sinundan niya ito na lumapit sa isang tent. There was a wooden table with a bunch of tiny jars, bracelets and necklaces made from some sort of stone. Ceesta could not help to pick a tiny transparent jar with chunks of pink crystal inside, nang mapansin niya ang tuyo at pulang likido sa gitna ng mga daliri niya.

"Ah! Rose quartz." The lady around her age started. "Maganda ka, Miss. Pero kung bibili ka nito, hahaba ang pila ng mga lalaking mabibighani sa 'yo. Hindi lang dahil sa ganda mo, kundi mahihikayat sila sa presensya mo."

Ceesta felt a rush of blood and heat to her cheeks. Lalo na nang mapansin na napatingin sa gawi niya ang ilang mamimili mula sa katabing stalls kabilang ang isang lalaki. She immediately put the bottle down and refused.

Apollo cleared his throat which immediately caught the lady's attention. "A pleasant afternoon, Miss..."

"Pola.." Pola titled her head down a bit, ng hindi inaalis ang tingin kay Apollo.

"Ms. Pola. Can I ask something?"

Ceesta side-eyeing Apollo when she noticed a hint of sweetness in his tone. Gusto niyang masinghal dahil halata naman na sinasadya nitong palambutin ang boses, epektibo naman na nakapag pahinhin sa tindera.

"Anong gusto mo?" Malumanay ang boses nito na may bahagyang pag ugoy ng mga balikat. Sinulyapan ni Ceesta si Apollo na tila walang ideya na may kakaiba sa kinikikos ng tindera. O, sadyang hindi lang nito pinapansin.

Norfolk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon