Epilogue

82 7 6
                                    

She woke up with the crescent moon illuminating her opened balcony and providing a glow to an iris A-line silhouette with its sweetheart neckline; a sheer corset with floral appliques and beading. Next to the mannequin, there were detachable puff sleeves and a letter.

I know it was a rough night, especially for you, and it's fine if you can't attend my coronation, but once you read this, I summon you to meet me at the ball.

-Aslan

Coronation. Aslan's coronation.
She missed it.

"Bakit hindi ka pa naka ayos?" A female old servant entered her room. "Hindi ka ba pupunta sa sayawan?"

Sa totoo lang ay kanina pa nagtatalo ang isip niya kung sasali siya o mananatili na lang sa kwarto hanggang sa matapos ang selebrasyon. Bukod sa gusto niyang mapag-isa, hindi rin alam ni Ceesta kung paano haharap sa prinsipe-- sa bagong hari ng Norfolk.

Aslan saw everything she'd done with Midnight. Even though she felt disgusted, there was satisfaction when she heard Aslan's rage.

"May masakit ba sa 'yo?" Muli nitong usisa matapos hindi sagutin ni Ceesta ang mga naunang katanungan. Umiling siya upang mawala ang pag-aalala sa mukha ng matanda. "Naparito nga pala ako dahil gusto kang makita ng dating hari--"

--

She was on her way to meet the Former King when she bumped into a woman in a pale yellow dress. She felt the woman stiff.

Before Ceesta utter a word, Val walked away. Confused. Binalikan ni Ceesta ng tingin ang babae na nagmamadaling umalis. Iniisip kung anong nangyari dahil sa namumutla nitong labi, amoy rin itong alak. Mukhang galing sa kasiyahan sa ibaba.

Itinuro ng tagalingkod kung saan makikita ang former King na si Matteo-- Nadatnan niya itong nakatayo malapit sa balkonahe, hawak ang isang kopa na paniniwala niya'y naglalaman ng alak. Mula roon ay rinig niya ang masiyang musika, mga tawanan at usapan.

Saglit na pinukulan siya nito ng tingin bago muling ibinalik sa mga tao sa ibaba na nagkakasiyahan.

"Nakarating sa akin ang nangyari kagabi. Binabati kita sa iyong katapangan." Panimula nito. "At gusto ko ipaalam sa iyo na hindi ko pa rin pinapayagan na manatili rito ang iyong kaibigan hanggang sa magamay mo ang kakaiba mong kakayahan. Maaari lamang siyang bumisita."

Tuluyan nitong pinihit ang katawan at ibinaling kay Ceesta.

"Malaking tulong 'yan kay Aslan, sa inyong bagong hari at sa kaniyang nasasakupan. Sana maintindihan mo ang desisyong ito bilang isang mamamayan, alam ko na hiling mo rin ay kapayapaan."

Bilang isang mamamayan.

Yumuko si Ceesta upang iwasan na matingin ng direkta sa mga mata nito. "Naiintindihan ko."

Maikli lamang ang kanilang naging usapan. Muli siyang nag bigay galang bago umalis at naglakad pabalik sa kaniyang kwarto.

Marahil, may mga piksyunal na lugar kung saan hiniling ni Ceesta na manirahan, pero hindi niya inaasahan na dito siya babagsak sa Norfolk. Mas lalong hindi niya akalain na mararanasan niyang mamuhay sa lugar na gawa ng purong imahinasyon.

Ang paninirahan dito ang sa tingin niya'y hindi niya buong loob na matatanggap. Kahit na hindi rin ganoon kaganda ang buhay niya sa totoong mundo na kinabibilangan, mas gugustuhin na niya roon dahil hindi tulad dito sa Norfolk. Walang ibang kapangyarihan ang pinagnumulan ng gulo bukod sa kapangyarihan para sa pwesto sa gobyerno, at hindi kapangyahiran para kuhanin ang kaluluwa ng isang tao. Mga kakaibang alternatibong pambayad kapalit ng hinahangad. At walang mahika.

Norfolk Where stories live. Discover now