𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄

6K 135 7
                                    

CHAPTER THREE
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


"Kendra, pwede mo bang ihatid ito doon kay tatay at sa mga kaibigan niya." Lumapit sa akin si Nanay, may bitbit siyang tray na may lamang pagkain.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo, ipinasok ko sa bulsa ko ang cellphone ko at kinuha sa kanya ang tray.

"Nasaan po sila, Nanay?" I asked her.

"Nasa Khayma. Hahabol ako doon mamaya, may gagawin lang ako." Tugon niya. Ang khayma na tinutukoy niya ay ang tambayan na sadyang pinagawa ni Tatay para tulad nitong bibisita ang mga kaibigan niya ay doon sila tatambay. Nasa tabi iyon ng bahay, para din iyong bahay ang pinagkaiba lang ay wala iyong kwarto, sa loob niyon ay napapalibutan ng malalaking sofa at may tatlong maliliit na table, sa harapang bahagi ay may malaking TV at may ref na maliit na may lamang iba't-ibang klase ng drinks at sa tabi nun ay may coffee maker at ice maker. Para kung gusto nilang gumawa ng kape ay doon na sila gagawa.

Lumabas na nga ako at nagtungo sa Khayma. Pagdating doon ay agad na akong pumasok. Naabutan ko doon ang mga dating bandmates ni Tatay, sina Tito Justin kasama ang asawa nito, Tito Josh kasama din ang asawa nito, maging si Tito Junard ay nandoon din kasama ang asawa niya. Parang walang pakialam sa paligid si Tito Junard at si Tita, may sarili silang mundo. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makitang binulongan ni Tito si Tita at humagikhik si Tita. Ano kaya ang ibinubulong niya? Ang saya-saya na nilang tingnan. Deserve din naman nila, sa dinami-dami ng pinagdaanan nila. Talagang deserve nilang maging masaya.

"Kuting!" Napansin ako ni Tito Junard, tumayo ito at lumapit sa akin kinuha nito mula sa akin ang tray at ipinatong nito iyon sa isang mesa. "Namiss kita, kuting." Anito ng humarap muli sa akin. Napanguso ako. Hanggang ngayon ay kuting pa rin ang tawag nito sa akin.

"Tito, naman e. 'Wag niyo na po akong tawaging kuting, dalaga na ako e." Nakangusong sabi ko. Ginulo niya ang buhok ko at pinisil niya ang pisngi ko gamit ang dalawang kamay niya.

"Baka naman may boyfriend ka na, ha? Sabihin mo sa akin pag-aararuhin natin." Tinaasan niya ako ng kilay.

Inirapan ko siya. Pinaalala na naman niya ang pinagawa niya kay tatay noon. Tumawa lang siya at muling ginulo ang buhok ko.

Bumalik siya sa asawa niya. Napatingin ako kay Tatay. Nakangiti siya, nginitian ko rin siya at tinanguan bago ako nagpaalam na lalabas na. Nagpaalam din ako sa iba pa.

Paglabas ko ay siya ring pag-parked ng isang motor. May dalawa iyong sakay. Nahinto muna ako sa paghakbang.
Sigurado akong si Pablo iyon dahil pareho ng motor nito noong nakaraan ang motor na naka-park ngayon. Nang tuluyang nakababa ang dalawa ay agad ng mga itong tinanggal ang mga helmet. Ang kasama ni Pablo ay ang babaeng kasama din nito sa mall noong nakaraan. Nakita ko ang invitation at siya ang mapapangasawa nito. Pagkatanggal na pagkatanggal ng helmet nito ay agad nitong iginala ang paningin. Halatang manghang mangha ito sa nakikita.

Nagtama naman ang mga mata namin ni Pablo. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi ng maramdaman ko na naman ang pagkabog ng malakas ng puso ko. Marahan kong nalakumos ang damit ko. Damn! Kasalan talaga 'to ni Chavah, e! Kung anu-ano ang sinasabi niya. Para na tuloy naging totoo, she told me last time na kapag nag-slow motion sa paningin ko si Pablo ay talagang gusto ko na daw ang lalaki. At ito nga ngayon ang nangyayari tila nag-slow motion ang galaw ni Pablo, kahit ang pag-patong nito sa helmet sa upuan ng motor nito ay tila bumagal na sa paningin ko.

Nabalik lang ako sa katinuan nang marinig kong magsalita ang babae na kung tama ang pagkakaalala ko ay Cassandra ang pangalan.

"Babe, I wanna live in a place like this." Narinig kong wika ng babae.
Tila ngayon lang niya ako napansin dahil ngumiti siya ng makita ako.

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon