𝐅𝐎𝐔𝐑

5.9K 134 5
                                    

CHAPTER FOUR
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

"No you will never ride a motorcycle again, Kendra!" kanina pa ako napapanguso. Ang OA ni tatay. "Parang mali atang motor ang binili ko sa 'yo!"

Dalawang araw na simula ang disgrasya at ito na naman si tatay sa talak niyang walang katapusan. Okay naman na ako. Hindi naman ako nabalian, namaga lang talaga ang hita ko at likod dahil sa pagtilapon ko.

"Tatay, hindi naman ako nabalian at normal lang naman talaga na dadaan sa aksidente para mas matuto," pagrarason ko.

"No! Ano pang hihintayin ko na sa susunod mong pagkatumba sa motor ay mabagok ang ulo mo at ma coma ka! No!" napangiwi ako. Ang OA talaga. Habang tumatanda siya ay nagiging OA siya.

Si Nanay sa isang gilid tahimik lang na nakikinig sa mga rants ni tatay. Sinisenyasan ko siya pero nagkikibitbalikat lang siya.

Si Kenzy naman ay busy sa mga pusa niya at sa manok niyang si Anjing. Wala siyang pakialam sa talak ni Tatay.

Namatay na nga pala si Berta at Berto, nadamay kasi sila noon sa mga manok na nagkaroon ng bird flu. Grabe ang iyak namin noon ni Kenzy. May libingan pa nga sila sa likod ng bahay at may lapida pa.

Samantalang si Kenji ay hawak-hawak ang guitara niya at mahinang kinukoskos iyon na tila ba sinasabayan niya ang pagtatalak ni tatay. Pasaway talaga.

"Ibebenta ko iyang motor bukas na bukas din." Final na saad niya.

Bigla akong nalungkot. Wala pa ngang isang buwan sa akin ang motor ay mawawala na. Naiintindihan ko naman na nagaalala lang siya sa maaring mangyari sa akin. Pero hindi ko talaga maiwasang manghinayang. Natuto akong mag-motor twelve years old pa lang ako, merong motor si Tatay at tinatakas ko iyon para mag-practice swerte naman noon na hindi ako na didisgrasya pero si Kenzy oo kaya nagkatrauma. Kakalaro ko ng mga online games na may kinalaman sa racing ay natutunan kong magmaneho tamang research na rin.

"Really? Oh, don't worry bitch I will buy you a new one," ani ni Chavah nang ikwento ko sa kanya na plano ni tatay ibenta ang motor ko. We are talking on the phone. Facetime.

Ang kulot niyang buhok ay buhaghag, kakagising lang siguro niya dahil naka pajama pa siya. She's with her cats and goats. At sa likuran niya ay si Hayani ang yaya niya at karga-karga nito ang manok ni Chavah. Nakasimangot ang matanda.

"'Wag na, nalungkot lang naman ako pero okay lang naman, naiintindihan ko naman si tatay kung bakit ganoon ang naging desisyon niya, it's for my own good din naman. Alam mo naman ang nangyari kay Kenzy noon kaya rin siguro na takot siya," I said.

Nagkibitbalikat siya.

"What happened pala, why you tumalipon sa motor mo?"

"Namali lang ako ng tapak sa brake."

"Ang stupid naman ng paa mo."

Napasimangot ako. Ayaw ko sabihin sa kanya na dahil kay Pablo kaya ako na disgrasya baka kung ano ano na naman ang mga sabihin niya at ipagpilitan na naman niya'ng gusto ko si Pablo.

"You know what, bitch. I saw the malanding pandak yesterday in one of kuya Blue's Club." Ani Chavah. Ang tinutukoy niyang kuya Blue ay ang adopted brother niya na kaedaran lang din nang kuya Yvo niya. At 19 ay may sariling Club na si Kuya Blue regalo ng parents nina Chavah. Mabilis na lumago ang Club na iyon at ngayong 27 na si Kiya Blue ay sa kasalukuyan ay may sampung branch na iyon dito sa luzon at may tatlo sa Mindanao at apat sa Cebu. May limang adopted siblings si Chavah at may dalawang biological siblings din. Twins, Alva and Alvaro.

"Malanding pandak?" I Asked. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

"That slut who wants to take my Hello Kitty away the other day." anito at umismid.

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon