𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍

5.7K 126 10
                                    

CHAPTER THIRTEEN
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


To: Celosia Chavah

Chavah, answer my calls, please!

I messaged Chavah after trying to call her for several times. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko at marami akong gustong itanong sa kanya. Noong nakaraan ko pa siya gustong kausapin pero kahit isa sa mga tawag ko ay hindi niya sinagot. Tinawagan ko si Kuya Yvo at ang sabi niya ay busy daw si Chavah.

Naghintay ako ng reply niya. Lumipas ang ilang minuto ay nakita ko na sa screen ng cellphone ko ang name niya.

From: Celosia Chavah

Bitch, I know you have a plenty of questions but I cannot give you an answer for now because I am on my honeymoon 👰

Nagulat ako sa ini-reply niya! Anong honeymoon ang pinagsasabi niya?!

To: Celosia Chavah

What?! Anong honeymoon at kailan ka pa kasal?!

From: Celosia Chavah.

I and Felip got married last night! Sorry for not inviting you, bitch! It's biglaan kasi! But don't worry I will invite you in our church wedding soon! Hehe!

Napaawang ang bibig ko sa nabasa! Paano silang ikinasal? Noong nakaraan lang ay galit na galit sa kanya ang lalaki dahil pinakidnap niya sa kalagitnaan ng business meeting nito. Chava is really obsessed with Felip. 

"Mommy, tapos na po kayo? Nasa baba na si Daddy." Napalingon ako sa pintuan ng marinig ang tinig ni Luna. She was smiling. Nakasuot siya ng pink na princess dress na tinernohan niya ng pink na sandals rin. Naka ponytail ang hair niya.

Hindi ko rin mapigilang mapangiti. Dalawang araw na simula noong umuwi ako. At sobrang daming nangyari, at sobrang dami kong nalaman. Hindi ko lubos akalain na bukod kay Alpha ay may isa pa akong anak. Ang sobrang nakakagulat pa ay matagal ng alam Alpha na tatay niya si Pablo! At si Pablo ang nagbigay ng miniature motor bike at ang nagpalaglag ng panga ko ay noong nalaman kong ang laruang iyon ay hindi lang basta laruan! Isa iyong communication device. Naririnig nila mula sa motorbike na iyon ang mga boses namin, lalong-lalo na pag nasa kwarto kami kaya pala lagi iyong katabi ni Alpha kahit sa pagtulog! Kaya pala sabi ni mommy ay nakasubaybay sila sa amin ay dahil pala doon! At meron pa, ang purpose pala ng mga CCTV cameras na pina-install ni Chavah sa buong bahay ay para makita at mabantayan ako ng pamilya ko mula doon. At ang purpose ng pagkuha ng litrato ni Chavah sa amin ni Alpha ay dahil din doon. Kaya gustong-gusto kong makausap si Chavah! Dahil nalaman ko rin na halos lahat ng pinamili niyang gamit ng mga bata noong pinagbubuntis ko pa lang ang mga anak ko ay galing sa pamilya ko at kay Pablo.

Noong sabihin iyon ng pamilya ko ay parang sasabog ang ulo ko. Nakakatawa pa dahil akala ko ay ako iyong nagtatago pero hindi pala. Sila pala ang nagtatago at palihim na pumupuslislit kapag tulog na kami ni Alpha. Nagsasalitan sila kasama na doon si Pablo.

"Anak, bakit ikaw namumutla?" I asked her ng mapansin kong namumutla siya. Agad akong lumapit sa kanya umuklo at sinapo ang mukha niya.

Ngumiti siya.

"Napagod lang po ako sa pag-akyat, Mommy." Tugon niya.

Pero hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko. Ang sabi nga nila ay may naging complications si Luna noong ipinangak ko sila. Sinabi man nilang okay na siya pero may napapansin pa rin ako sa kanya. Mabilis siyang mapagod kapag naglalaro sila ni Alpha.

"Are you sure, baby?"

Ngumiti siya at tumango.

"Sabihin mo sa akin kapag may nararamdaman ka, ha?"

"Opo, mommy!" Magiliw niyang tugon. Hinalikan ko siya sa nuo bago ako tumayo at hawakan ang isang kamay niya.

Ang mga anak ko ay napaka-matured mag-isip at para silang hindi mga bata kung umakto. Lalo pa kapag nagsasalita sila, hindi sila nabubolol at dire-diretso ang pagbanggit nila sa mga salita. Si Alpha ay tahimik lang minsan lang kung mag alita samantalang si Luna ay madaldal. Kahapon nga ay napapangiwi ako sa tuwing may mga sinasabi siyang tulad ng mga sinasabi ko noon. Nagmumura siya pero binabaliktad niya tulad ko rin noon. At noong nakita ni Nanay ang naging reaksyon ko ay pinagtawanan niya ako. Ang sabi pa niya ay manang-mana daw sa pag-uugali ko si Luna noon. Hindi ako maka-deny dahil totoo naman.

Tuluyan na nga kaming nakababa. Naabutan namin si Pablo sa sala magkatabi sila ni Alpha, nakasuot si Pablo ng itim na pantalon at puting polo shirt nakalantad ang biceps niya at dahil doon ay agad kong sinaway ang sarili ko dahil may naiisip akong hindi pwedeng isipin. Pareho rin silang ng nakapangdekwatrong dalawa at ang mga kamay nilang nakasalikop ay nakapatong sa mga tuhod nila. Nakakamangha silang tingnan. Para talaga silang pinagbiyak na bunga.

Samantalang kami ni Luna ay hindi pareho ng damit. Naka-pink princess dress kasi siya samantalang sa akin ay isang casual halter dress na hanggang tuhod. Magsisimba kasi kami kasama ang pamilya ko at pagkatapos mag lu-lunch kami sa labas.

Tumayo si Pablo nang makita na kami. Inalalayan naman niyang bumaba si Alpha. Pinasadahan ako ng tingin ni Pablo, naiwas ko tuloy ang tingin ko sa kanya. Nag-init naman agad ang magkabilang pisngi ko.

"You're so gorgeous, Mommy." Namamanghang ani ni Alpha.

Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

"You're so handsome as well, baby," Saad ko, umuklo ako at hinalikan siya sa nuo."Ang ganda at gwapo ng mga baby ko." Nakangiting sambit ko.

"How about daddy, Mommy?" Tanong ni Luna. Natigilan ako. Tiningnan ko saglit si Pablo. Nakita kong bahagyang nakataas ang isang kilay niya na para bang hinihintay ang tugon ko.

Sobra. . . But of course I won't tell him that.

"Okay lang," bagkos ay saad ko. Nakita kong nawala ang pagtaas ng kilay niya at nagsalubong iyon.

"Anong okay lang po? Ang tanong po kung gwapo po ba si Daddy or hindi. Yes or no lang po ang sagot, Mommy!" Pag react ni Luna. Hindi siya makapaniwala sa tugon ko. Gusto kong takpan ang bibig niya dahil ang daldal niya! Nag-iinit ang mukha ko at ramdam na ramdam ko iyon. Tumikhim muna ako bago ulit nagsalita.

"Yes, your dad is handsome. Okay na?" saad ko.

Bumungisngis naman si Luna samantalang si Alpha ay ngumiti lang. Nilingon ko si Pablo nakita ko ang pagngiti niya pero no'ng makita niya akong lumingon sa kanya ay nawala iyon at tinaasan ako ng kilay.

Tsk! Suplado.

"Daddy, si mommy po ba maganda?" Tanong ni Luna. Kaya natigilan ako. Gusto ko na talagang takpan ang bibig niya. Nalakumos ko ang gilid ng damit ko habang hinihintay ang tugo ni Pablo.

"Of course." At dahil sa tugon niya ay tuluyan na nga akong namula!



AVYANNAHLAVELLE

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon