𝐅𝐈𝐅𝐓𝐄𝐄𝐍

5.3K 127 14
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐅𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Gusto kong tumakbo palabas ng bahay ng parents ni Pablo at umuwi sa bahay nila Tatay. Ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa kaba. Kung tingnan nila ako ay para bang sinusuri nila ang kailalim-ilaliman ng pagkatao ko.

"Mom, you are scaring Kendra." Ani Pablo. Napansin niya sigurong hindi ako mapakali.

Ang mga bata ay nasa kapatid na ni Pablo. Nagkakilala na ang parents ni Pablo at si Alpha, masaya naman nilang tinanggap ang apo nila pero ito ako ngayon parang kakainin ako ng buhay ng Nanay ni Pablo, ang taray ng mukha niya. Nakataas ang kilay niyang halatang alagang salon. Ang straight niyang buhok na hanggang balikat ay bagsak na bagsak na para bang kakagaling lang ng rebond.
Ang mahahaba at magaganda niyang kuko ay halatang kaka-paayos lang. Ang damit niyang mahihiyang dumapo ang langaw dahil sa kintab at ganda. In short!  Mukha siyang mata-pobre sa looks niya! Pero sana naman looks lang. . . Pero mayaman naman ako—I mean si tatay! Mayaman naman si tatay siguro naman ay hindi mahirap ang tingin niya sa akin! Oh my God! Naiiyak na ako. At ang asawa niya ay sobrang strikto ng mukha na para bang hinuhusgahan niya ako sa paraan ng pagtitig  niya sa akin.

Nakagat ko ang labi ko dahil pakiramdam ko talaga kapag hindi ko iyon gagawin ay aatungal ako.

"I didn't do anything, John Pablo!" Mataray na ani ng mommy niya na kinaiktad ko. Tinaasan niya ako ng kilay sabay salikop ng kanyang mga braso sa ilalim ng dibdib. Taas baba ang mata niya sa kabuohan ko. Nakuyom ko ang kamao ko, dahil sa takot.

"Ah. . . Uuwi. . . U-uuwi na lang po ako." Kinakabahan ani ko. Sabay tayo ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay pumuno na malakas na tawa sa sala. Natigilan ako at lumingon sa mommy ni Pablo. Siya ang tumatawa, halos mahiga na siya sa sofa kakatawa. Napailing naman ang ama ni Pablo habang nakatingin sa asawa. Ganoon din si Pablo.

"Don't mind her, Kendra, she's being crazy again." Ani ni Pablo. Nang marinig ang sinabi ni Pablo ay umayos sa pag-upo ang mommy ni Pablo at tiningnan ng masama si Pablo.

"Hoy, John Pablo, sino ang sinasabihan mong crazy, ha?! Nanay mo ako!"

"Mom, umayos na po kayo, aalis na si Kendra dahil sa takot sa inyo."

Sumimangot ang mommy niya. Pero noong lumingon siya sa gawi ko ay bigla na lang siyang ngumiti na ikinanganga ko.

Hala? Bakit siya ngumingiti? Baka fake?!

Tumayo siya. Napaatras naman ako. Baka kasi sampalin niya ako! Baka kasi galit siya sa akin dahil nabuntis ako ng anak niya? Oh my God! Hindi ako nasampal ng parents ko pero parang sa nanay ko ni Pablo iyon mararanasan!

Lumapit sa akin ang mommy ni Pablo akmang tatakbo na ako palayo pero nahawakan niya ang magkabilang braso ko. Naramdaman ko ang pamumutla ko, parang humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko sa pagdampi ng palad niya sa balat ko. Paano kong bugbogin niya ako? Paano kong sabunotan? Sakalin?

Dahil sa naiisip ay hindi ko mapigilang umiyak. Nang makitang umiiyak na ako ay mabilis niya akong nabitawan. Nanlaki ang mata niya.

Naramdaman ko namang may humawak sa akin at mabilis akong pinaloob sa bisig niya alam kong si Pablo iyon. Hindi ko mapigilang humagulgol ng malakas. Grabe ang kabang naramdaman ko.

"Shhh. . . Stop crying, hindi ka sasaktan ni mommy." Malumanay na bulong ni Pablo. He tapped my back para patahanin ako pero walang silbi dahil mas lalo akong umiyak. "Kendra." Tawag niya sa akin. Yumuko siya at pilit sinisilip ang mukha ko pero pilit ko rin iyong tinatago sa dibdib niya, siniksik ko pa lalo ang mukha ko. Basa na ang damit niya pero hindi ko na binigyang pansin iyon. Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin, at ikinulong niya ang mukha ko sa palad niya. "Kendra. . . Kendra, tahan na. Hindi ka sasaktan ni mommy, she's just teasing you." Sabi niya. At dahil doon ay unti-unting humina ang pag-iyak ko. Dahan-dahan ko ring nilingon ang mommy niya, ngunit napa-igtad ako ng makita ang mukha niya. Napangiwi siya.

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon