𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

5.5K 127 4
                                    

CHAPTER SEVEN
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜




“What happened to you why you always suka?!” Chavah asked, hinahagod niya ang likuran ko. Nandito kami ngayon sa loob nang comfort room.

Nangmumog na muna ako bago ako sumagot sa kanya  nang maramdaman kong wala na akong maisusuka.

"Eww, your suka is so mabaho!” maarteng aniya, lumayo siya sa akin at nagmamadaling kinuha ang perfume sa bag niya at nag spray sa paligid pati ako ay inis-sprayhan niya.

Nang maamoy ko ang pabango ay bumaliktad na naman ang sikmura ko. Muli kong isinubsob ang mukha ko sa sink at nagsuka nang nagsuka.

Malamig na ang pawis na lumalabas sa katawan ko at ramdam ko na ang panghihina nang tuhod ko at ang panlalabo ng paningin ko. Hilong-hilo na ako.

“What the fuck?! What is wrong with you, bitch?” muling lumapit sa akin si Chavah at hinagod ang likod ko.

Ngunit paglapit niya ay nanuot na naman ang nakakasukang amoy nang pabango niya kaya nagsuka na naman ako.

Pagkatapos kong maisuka at nilingon ko si Chavah pero kasabay no'n ay ang pagtindi nang nararamdaman kong pagkahilo.

“Please, s-stay awa—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nagdilim ang paningin at ang sumunod na mga nangyari ay hindi ko na alam.

“You bitch! You made me fucking worried!” napatakip ako sa aking tenga ng marinig ang matinis na pagsigaw ni Chavah  nang makita niya akong nagising na.

“What happened?” I asked her, nakaupo siya sa tabi nang kama at masamang-masama ang tingin sa akin. “Why am I in the hospital?” I added. It's obvious na nasa hospital kami dahil sa itsura nang paligid.

“You passed out, what happened to you? Are you not eating anything? Are you naghihirap na ba? Can't you buy pagkain na?”sunod-sunod na tanong niya. “Why are you nagsuka nang nagsuka, did you kain a panis na food?”dag-dag niya.

Umayos ako sa pag-upo nang kama.

“I didn't, I just don't like the smell of your perfume.” tugon ko.

“What?! That perfume is fucking expensive!”

“But the smell is so bad—”

“Hi, I'm Doctor Ryden. ” may dumating na doctor kaya naman ay naputol ang sasabihin ko.

“Hello po. Doc, bakit po ako hinimatay?” diretsong tanong ko.

“How old are you Miss Sayson?” the doctor asked. Medyo nagtaka ako na imbes na sagutin ang tanong ko ay nagtanong din siya.

“Twenty po, Doc.”

“May boyfriend ka ba?”

“Wala po!” mabilis kong tugon.

“And why are you asking those personal questions to my best friend, Doc?” biglang tumayo si Chavah at nameywang.

Maging ako ay nagtataka kung bakit tinatanong nang doctor ang mga personal na bagay na iyon.

“Beacause your best friend is pregant, Celosia Chavah.”

“H-huh?”

Parehong umawang ang bibig namin ni Chavah, nanlaki ang mata at may gulat na reaksyon. Hindi ko na nga nabigyan ng pansin ang tinawag nito kay Chavah.

“P-pardon?”

“You are four weeks pregnant, Miss Sayson,”

“Kuya Ryden, thats impossible!” bulalas ni Chavah nang makabawi siya.

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon