𝐒𝐈𝐗𝐓𝐄𝐄𝐍

5K 107 4
                                    

CHAPTER SIXTEEN
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Hindi pa rin ako makaget-over sa mga sinabi ng mommy ni Pablo. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ngayon haharapin si Pablo, nahihiya ako at hindi ko alam ang gagawin. Bakit ba naman kasi umabot sa pagpapakasal ang topic namin noong nakaraan? Kung si tatay ayaw kay Pablo ang parents naman ni Pablo ay gusto na kaming magpakasal. Paano naman kami magpapakasal e hindi naman namin mahal ang isa't-isa! Hindi nga kami magkarelasyon! Nagkaanak lang naman kami dahil sa isang pagkakamali e!

"Mommy, mag-buy din tayo ng pusa at dog, please, si Tita Paula maraming pusa at aso." Saad ni Luna, napalingon ako sa kanya. Nakaupo siya sa couch samantalang si Alpha ay nasa baba nilalaro ang nga laruang motorbike na binili ng parents ni Pablo.

"Okay, baby." Saad ko.

"Yes! Gusto ko dalawang dogs at cats, mommy!" excited na bulalas niya.

"Okay, anak, I will check online baka meron akong mahanap." Tugon ko naman.

"Yeahey, thank you, mommy ko!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Niyakap at hinalikan ko siya pabalik.
Bumalik na siya sa kinauupoan niya at kinuha ang iPad niya at naglaro. Kinuha ko naman ang cellphone ko at naghanap ng online shop for dogs and cats ngunit hindi ko iyon natuloy ng mag-pop up ang name ni Chavah sa screen may pinasa siya sa akin isang video at halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa pagkagulat ng marinig ang malakas na ungol na nagmumula doon. I open it kasi! Because I thought it was just a random video but it's not! It's a scandal video! Oh my God, Celosia Chavah! Masasapak talaga kita kapag nakita kita!

"Hey, are you watching porn?" Agad kong malakas na na-ibato ang cellphone sa sahig nang marinig ang baritonong boses na iyon. Basag na lumagapak ang cellphone ko at nagkahiwalay-hiwalay ang bawat piraso.

"Shit!" Nanlalaking matang bulalas ko at nilingon si Pablo. Yes! Si Pablo ang nagtanong. " I am not!" Saad ko at umiling-iling. I raised my chin, even though the heat of shame hit my skin. Pablo raised his eyebrows ilang saglit lang ay nagsalubong iyon. Halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko!

"You're not? But I just heard a woman moaning into your phone." Nag-isang linya ang labi niya na tila ba pinipigilan niyang matawa sa reaksyon ko.

"I... I just accidentally opened a video that Chavah sent me. Hindi ko... hindi ko sinasadyang mapanood iyon. Promise!" Putol-putol na sabi ko, biting my under lip.

Tumango-tango siya pero halata pa rin ang pinipigil niyang tawa.

"Mom, Dad, what is porn?" Pareho kaming napalingon ni Pablo nang marinig ang naging tanong ni Alpha, huminto siya sa paglalaro at salubong ang kilay na tumingin sa akin habang hinihintay ang magiging sagot namin ng daddy niya. Tang ina! Narinig niya ang tanong ni Pablo!

"Mais! Corn iyon e mais 'di ba po, mommy and daddy?" Sabat ni Luna. Napalingon tuloy ako sa kanya.

Sunod-sunod ang naging pagtango ko.

"Yes... Mais nga! Oo mais nga!" Tarantang tugon ko. Nalingon ko si Pablo nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya ngunit nang makita niya akong lumingon sa kanya ay naging strikto na naman ang mukha niya.

"It's not corn, Luna, daddy said it's porn. The first letter is P not C." Saad naman ni Alpha.

"Alam mo, biik, maglinis ka na ng tenga mo ang bingi mo na! Corn kasi ang sabi ni Daddy!" Natatawa namang saad ni Luna. Alpha sighed, ibinalik niya sa paglalaro ang atensyon niya.

Napalingon ako kay Luna nang marinig siyang humagikhik. She mouthed something na nagpalaglag ng panga ko. "Mommy, I know it's not corn!" Oh God! Oh God! Piste ka talaga Chavah! Kung anu-anong pinapasa mo sa akin! Ahhh! Tang ina!

"ANO 'TO?" I asked Pablo nang may iabot siya sa aking isang paper bag na maliit. Alam ko namang cellphone iyon dahil apple ang nakatatak sa harapan ng white na paper bag pero kapag si Pablo ang kaharap ko natatanga ako. Ang lakas pa pati ng kalabog ng puso ko. Para akong laging aatakihin sa puso. "I mean para saan?"

"It's a phone. Nabasag ang cellphone mo kaya ibinili kita ng bago, I saved my number there already in case yo—I mean the kids want something just ring me up." Seryosong saad niya.

"You don't have to buy, pwede naman akong bumili—"

"Kendra, I bought it already just use it." Nakagat ko ang ilalim ng pisngi ko ng putulin niya ang sasabihin ko. Tumango na lang ako.

"Salamat... by the way, pwede bang ikaw na muna ang tumingin sa mga bata? Pupunta kasi ako ng mall, gusto kasi ni Luna magpabili ng cat and dogs."

"Cats and dogs?"

"Yes, gusto niya tigdadalawa."

"Okay... samahan kita." Saad niya.

"Huh? Pero walang magbabantay sa mga bata, nasa farm si Nanay at tatay kasama si Khiera." Saad ko. May harvest kasi ng mga pinya at mangga ngayon kaya nasa farm sina tatay at nanay. Sila kasi ang personal na nagbabantay sa pag-harvest.

"Idaan natin sila sa bahay nina mommy." Tugon naman niya. At tulad nga ng sinabi niya ay idinaan namin ang dalawang bata sa bahay ng parents niya. Hindi na ako bumaba ng sasakyan si Pablo na lang ang naghatid sa dalawa sa loob. Pagbalik ni Pablo ay nagtungo na kami sa mall at naghanap na agad kami ng pet shop at nang may makita ay agad na kaming pumasok. Sinalubong naman kami ng mga tao doon at ipinakita sa amin ang available nilang mga cats and dogs.

"These are so cute." Bulalas ko ng makita ang tatlong maine coon na pusa na kulay ginger, baby pa iyon kaya hindi pa masyadong malaki. "How much are they?" I asked the tindera.

"29k po each, ma'am." Sagot ng babae. Umawang ang bibig ko. Shit! Ang mahal pala. Oo at maraming pera si Alpha na regalo ni Chavah pero sa kanya iyon e, pero ako? Wala pa atang 100k ang pera ko sa bangko! My gosh!

"We will take these 3 cats and also the two puppies." Saad ni Pablo na nagpalingon sa akin sa kanya. Itinuro niya ang dalawang scottish terrier na puppy. Lumingon siya sa akin. "Gusto mo ba ang scottish terrier na tuta?" He asked me.

"Huh? Pero mahal iyon wala na akong pera!" Mahinang bulong ko. Napanguso pa ako.

Napailing siya at may kinuha sa bulsa niya. Isang itim na card at iniabot iyon sa babae, agad naman nito iyong kinuha at inasikaso ang payment.

"Babayaran kita kapag nakapag-ipon na ako." Saad ko.

"You don't have to pay... just marry me." He mumbled something I didn't catch.

"Huh?"

"I didn't say anything." Pag-maang-maangan niya. Pero parang narinig ko namang may sinabi siya. Hindi ko lang naklaro dahil sobrang hina.

"May sinabi ka kaya." Napairap ako pero agad ring napabaling sa iba ng makita ang mukha niyang seryoso na naman. Nalakumos ko ang dulo ng damit ko.

"Cute."

Muli akong napabaling sa kanya ng marinig ang sinabi niya.

"Cute?"

"Ang mga pusa at aso. Do you think Luna will like them?" Tugon niya at inginuso ang mga aso at puso na binili namin. Agad namula ang mukha ko!

Oh shit, Kendra, assumera ka! Akala ko ako ang sinabihan niyang cute! Pero hindi naman ako cute! I'm maganda kaya!


AVYANNAHLAVELLE

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon