𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐄𝐄𝐍

4.8K 115 6
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

“Mommy, why aren't we living together? You, Daddy, me and Alpha?” natigil ako sa ginagawa ko nang marinig ang naging tanong ni Luna. She was playing with her pets pero nahinto niya iyon nang magtanong siya. Tumakbo naman ang mga aso at pusa niya kay Alpha na naglalaro ng mga bikes niya. “Bakit dito tayo nakatira sa house nina Lolo tatay? 'Di ba dapat po sa iisang house tayo nakatira nina Daddy?”

Nakagat ko ang pang ibabang labi dahil sa naging tanong ni Luna. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Paano ko nga ba sasabihin sa kanila na nabuo sila sa hindi inaasahang pangyayari kaya hindi tulad nang normal na pamilya kami ng daddy nila.

“Kendra, aalis na muna kami ni Nanay, maiiwan na muna kayo dito.” nakahinga ako ng maluwag ng sumulpot si Tatay dahil nabaling sa kanya ang atensyon ni Luna, hinalikan niya ako sa tuktok ng aking ulo.

“Okay po, Tatay, ingat po kayo.” saad ko. Sumulpot naman si Nanay karga-karga si Khiera, nang makita ako ni Khiera ay kumaway siya at ngumiti sa akin. Hindi ko rin tuloy mapigilang mapangiti, ang cute niya kasi. Manang-mana siya kay Tatay. Kamukha ko siya noong bata pa lang ako.

Humalik sa akin si Nanay, si Khiera ay hinalikan ko rin.

“Lolo tatay, I have a question muna po.” napalingon si Tatay kay Luna nang marinig ang sinabi nito. Maging ako ay napalingon uli sa kanya. Oh God, huwag naman sana niyang itanong ang tungkol sa tinanong niya sa akin kanina. Ngunit hindi 'yata dininig ni God ang panalangin ko dahil iyon mismo ang tinanong ni Luna. “When po kami lilipat ng house? I want to live with my Daddy Pablo po and my Mommy Kendra in one house.” Saad niya nagpatigil kay Tatay. Si Nanay ay napasinghap.

“Luna—” Hindi natapos ang pagtawag ko sa kanya nang magsalita siyang muli.

“I want us to be a normal family, like you, Khiera, Tito Kenzy and Tito Kenji.” she said seriously. Hindi nakapagsalita si Tatay, hanggang sa umalis na lang sila.

Bumalik naman sa paglalaro si Luna at ako ay bumalik rin sa pagharap sa laptop ko. May trabaho kasing ipinasa si Kuya Blue sa akin, noong nakaraang taon ay may extra work ako at iyon nga ay ang pinapatrabaho ni Kuya Blue ngayon ang pagdedesinyo ng magiging Logo itatayo niyang restaurant sa taguig. But I can't focus dahil bumabalik sa isipan ko ang tanong ni Luna. Hanggang sa makabalik na sina tatay pinatawag niya ako sa opisina niya at nang pumasok ako doon ay andoon din pala si Nanay at Pablo.

Naupo naman ako sa tabi ni Nanay. Agad hinawakan ni Nanay ang kamay ko at marahang pinisil, nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya. Nagtataka ko namang tiningnan si Tatay maging si Pablo, ang seryoso ng mga mukha nila, si Pablo ay magkasalubong ang kilay.

“Kendra, pagkatapos marinig ang sinabi ni Luna ay hindi na ako matahimik...”Bigla akong kinabahan dahil sa panimula niya. “Pakiramdam ko ay ako ang humahadlang sa kaligayahan ng mga apo ko dahil sa pagdesisyon kong dito kayo tumira sa akin.” saad niya. “Kaya kinausap ko si Pablo at doon na kaya titira sa bahay niya.” umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

Buong pag-uusap ay tumango lang ako, hindi ako makapagsalita. Para akong lutang, maging sa pag-iimpake ng mga gamit namin ng mga bata ay hindi ako nakapagsalita kahit noong paalis na kami at byumahi patungo sa bahay ni Pablo, tanging si Luna at si Alpha lang ang nag-uusap.

“You okay?” untag sa akin ni Pablo nang nasa loob na kami ng bahay niya. Nai-akyat na ng mga katulong at driver ang mga gamit namin ng mga bata at andito kami ngayon sa sala nakaupo habang ang mga bata ay nakikipaglaro sa mga pusa at aso nila. “Kanina ka pa walang imik.” dagdag niya. Napalingon ako sa kanya.

“Pasensya na kung nakakagulo kami sa 'yo dito.” ito iyong bumabagabag sa akin kanina pa. Dahil dito na kami titira sa bahay ni Pablo siguradong malaking disturbo kami, paano kung magalit ang girlfriend niya dahil nandito kami. Ang sabi pa naman doon sa nabasa kong article tungkol sa kanya ay may hinihintay siyang bumalik at ang sabi doon ay girlfriend niya iyon. Paano kung tulad ni Cassandra ay awayin ako nang babae? O baka naman si Cassandra talaga iyong babaeng hinihintay niya?

“Nakakagulo? Say's who?” nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

“Hindi naman kasi kailangang dito kami tumira sa 'yo si Luna kasi...”

“Nonsense, Kendra, ina ka ng mga anak ko at mga anak ko ang titira dito, paano kayo nakagulo?” He stared at me firmly. I looked away because I couldn't meet his gaze. Sobrang lakas pa ng kabog nang puso ko dahil sa uri ng titig niya. I was about to stand up, but he immediately grabbed my wrist and pulled me, and because of what he did, I sat on his lap.

“Shit!” I wanted to stand up immediately, but he wrapped his arms around my waist.

“And where do you think you are going, doll?” he muttered, using his raspy and baritone voice. And I felt like my heart would come out. What did he just call me? Tinawag niya ba akong doll?

Ang mainit at mabango niyang hininga ay dumadampi sa pisngi ko. Nakagat ko ang aking labi pinipigilan ang sariling mapasinghap dahil maliit na space na lang ang namamagitan sa amin isang maling galaw ay dadampi ang labi niya sa pisngi ko. “Don't bite your lips, doll.” he said, sounds like he's warning me.

“P-please let me go,” Utal na saad ko. Grabe na ang pagwawala ng puso ko at umiinit na ang pisngi ko.Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang reaction ng mukha niya.

He tilts his head with a smirk.
He licks his lips as he opens them, speaking in a hushed tone, “Why?” he cup my chin and made me look at him. I looked away. “Why can't you look at me in the eye, doll?”

“Stop calling me doll... po.” he laughs out loud after hearing what I said. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko siyang tumawa. At pakiramdam ko ay mas lalong nagwala ang puso ko sa loob ng dibdib ko.

“Pino-po mo 'ko? I thought I am your husband, doll?”  He asked, tunog nanunukso ang tinig niya.

Mabilis akong napalingon sa kanya nang marinig ang sinabi niya. Muntik ng magdikit ang mga labi namin dahil sa ginawa ko buti na lang at bahagya akong napadistansya agad.

My eyes widen.

"H-huh?” He ran his fingers along my cheek, nose, and chin.

“You're so cute, Kendra.” His gaze dropped to my lips. “Can I kiss you, doll?” he then mumbled. He swallowed hard. I don't know what got into me instead of shaking my head to say no, but I nodded like a good kid, and because of what I did, Pablo's lips pressed into mine.

Immediately, he stopped kissing me, pulling back to look at me. “Ken will really kill me for this... But damn, your lips tasted so sweet, doll.” He mumbled, and he kissed me again. I let my hands move to his back, and this time he didn't stop. 


AVYANNAHLAVELLE

A/N:

Ay putaaaa bakit ako kinikilig kay Pablo? 😭 hahaha

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon