Chapter 1.4

186 24 1
                                    

"Kung wala ng aatras ay opisyal ko ng pinasisimulan ang Annual Harvest Month!" Malakas na sambit ni Guild Master Zhiqiang.

Kitang-kita kung paanong nag-uunahan ng pumasok ang lahat ng mga outer disciples na siyang mga kalahok sa buong durasyon ng Annual Harvest Month.

Hindi maipagkakaila ni Wong Ming na halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa kasalukuyan.

Hindi naman ito katulad ng mga naunang mga transmissions na kagaya ng mga trials ang ganitong klaseng portal. Kinakailangan mo lang naman na kumapit sa braso ng kasamahan mo sa pagpasok sa malaking portal na ito para makasama mo pa rin sila sa kung saan man kayo dalhin ng portal na ito.

Nang pumasok si Wong Ming kasama si Prince Xing ay kitang-kita ni Wong Ming ang sarili niyang nasa isang malawak na parte ng may maraming mga nagtataasang mga puno.

Napangiti na lamang si Wong Ming lalo pa't hindi madaling makita sila ng sinuman rito.

Isa sa iniiwasan ni Wong Ming na lugar sa Old Amity Farm ay ang mga katubigan o himpapawid, isa iyon sa pinakadelikado. Ang lugar na kinaroroonan nila ay masasabi pa ni Wong Ming na safe zone.

Mabilis na inilibot ni Wong Ming ang sariling mga mata niya sa kapaligiran at nakita niya ang isa sa mga nagtataasang mga puno. Masasabi niya kasing kailangan muna nilang pagplanuhan ang lahat ng mga bagay at kung paano nila maililigtas ang mga sarili nila sa harap ng panganib.

Hindi tanga si Wong Ming upang di isipin na kahit ang kapwa nila kalahok ay isa rin sa matitinding kalaban nila regardless pa kahit na ka-courtyard mo ito.

Kung ang Inner Disciple Trial Rankings ay ang paunang courtyard group battle pero ang totoo ay isa lamang iyong mask na kung tutuusin ay iilan lamang ang maaaring mapili sa mga rankings. Imagine na nasa isang daan lamang ang magiging inner disciple sa napakaraming outer disciples dahil na rin sa katotohanan na hindi lahat ng mga disipulo ay matutugunan o mapapaunlad ng issng Guild.

Masakit man isipin ngunit marahas ang katotohanan na wala kang mapapala kung mahina ang loob mo at wala kang lakas upang hindi ka madaig ng sinuman.

Tumalon-talon si Wong Ming sa mga sanga ng napili nilang gawing base sa Old Amity Farm na ito. Alam niyang magiging madugo ang labanang ito.

Ginamit niya ang lahat ng kasanayan niya upang maging pulido ang gagawin nilang ito.

Gamit ang Demon Eyes ay tiningnan niya ang lahat ng mga nasa paligid. Wala siyang nakitang mga mababangis na halimaw sa lugar na ito at tanging mga normal na mga hayop lamang ang naririto.

Kung tama siya ng kalkulasyon ay imposibleng tambayan ng malalakas na uri ng mga magical beasts ang lugar na ito at angkop ang lugar na ito upang gawin niyang pansamantalang teritoryo.

Mabilis na kinalas ni Wong Ming ang singsing na suot niya na isang concealment ring.

Hindi siya takot na magpakita ng totoong lebel ng cultivation niya dahil kahit ang Flaming Sun Guild ay hindi kontrol ang lugar na ito.

Ang pagpunta sa Old Amity Farm ay isang malaking risk na kung tutuusin. Hindi gugustuhin ni Wong Ming na hindi man lang niya gawin ang nararapat niyang gawin upang makakuha man lang ng pambihirang bagay o benepisyo para sa sarili niya.

Mukhang hindi aksidente ang pagpapauna ng Annual Harvest Month sa mismong Inner Disciple Trial Rankings. Sa tingin niya ay may anomalyang nangyayari.

Mukhang ang mangyayaring Inner Disciple Trial Rankings ay mas mahirap at delikado na rin. Hindi niya pa alam kung ano ang nangyayari sa Flaming Sun Guild.

Natitiyak ni Wong Ming na hindi simpleng bagay ang nangyayari. Mukhang may kinalaman ito sa estado ng Flaming Sun Guild.

Iwinaksi na lamang ni Wong Ming ang kaisipang ito at itinuon ang sarili sa gagawin niya. Nasa kabilang sanga lamang si Prince Xing na tahimik na pinagmamasdan ang gagawin niya. Hindi naman kasi ito umiimik kung di tatanungin.

Nasanay na rin siguro ito sa ilang mga linggong nakasama siya nito sa loob ng manor. Alam nitong hindi basta-basta ang Old Amity Farm dahil na rin siguro sa labis na panganib na hatid nito sa lahat ng mga lumahok sa Annual Harvest Month.

Agad na inilabas ni Wong Ming ang isang daang mga demonic cores ng mga napaslang niyang mga magical beast at ang iba ay koleksyon niya pa noong nasa Golden Crane City pa siya.

Isa sa layunin niya ay gumawa ng safety barrier na maaaaring magligtas sa kanila kung sakaling nay panganib silang kakaharapin.

Gustong gawin ni Wong Ming ang kakaibang formation na minsan na niyang natutunan sa Golden Crane City. Ang Labyrinth Maze Land.

Isa itong Maze formation at tanging siya lamang ang maaaring nag-iisip ng ganitong ideya.

Isang Earth Type Core Skill ito. Bilang isang craftsman ay isang advantage ito upang makagamit siya ng elemental core skill.

Isa pa ay konektado ang bawat elemento sa isa't-isa. Sadyang marami siyang natutunan noong hindi niya pa alam ang pagkakakilanlan niya.

Mabilis na pinalutang at nilagay ni Wong Ming ang bawat demonic cores sa eksaktong lokasyon upang maisagawa ang tamang positioning para mapagana ang nasabing Maze formation.

Matapos na makita ni Wong Ming na nasa ayos na ang lahat ay tila nabuhayan siya ng loob.

Sabay-sabay na lumubog ang demonic cores sa lupa nang sinimulan na ni Wong Ming ang pagsagawa nito mula sa ilalim ng lupa ay tila umusbong paitaas ang mga tipak ng lupang parang naging maze nga.

Isang pambihirang gawa ito ng craftsman na kagaya niya. Hindi lamang mga bagay ang maaari nilang gawin kundi ang mga ganitong kamangha-manghang gawain ay magagawa din ni Wong Ming.

Kitang-kita ni Wong Ming na halos matabunan na ito ng napakataas na puno at patuloy pa sa pagtaas ang mga nagkakapalang tipak ng mga lupa.

Ang espesyal sa formation na ito ay isang permanente na. Nasa kontrol na niya ang maze na ito na tanging siya lamang ang may alam kung paano makakalabas rito.

Kahit ang Level 5 hanggang Level 7 Beast ay hindi kayang makalabas dito pwera na lamang kung napakalakas ng mga ito o may consciousness na ito upang mag-isip ng mabuti.

Sa kabilang banda naman ay nagtataka naman si Prince Xing sa nabubuong plano na naiisip ng binatang si Little Devil. Hindi niya alam kung ano ang purpose ng pagpunta nila sa lugar na ito kung ganito ang sistema na ginagawa ni Little Devil.

Tila nagtatanim ito ng kakaibang pundasyon ng lupa rito upang gawing temporaryong tirahan sa isang buwan nilang pananatili rito.

Sigurado siyang marami pang naiisip na gawin si Little Devil na Mukhang hindi din palalampasin ang oportunidad na ito upang makinabang sila.

Napangiti na lamang si Prince Xing dahil mukhang ito pa lamang ang simula ng makabuluhan nilang pagsali sa Annual Harvest Month na ito ng mga taong kayang magcultivate sa kakaibang mundong ito na hindi niya pa masyadong alam.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Where stories live. Discover now