Chapter 1.5

137 15 2
                                    


Mabilis na tumalon-talon si Wong Ming sa buong kapaligiran ng Old Amity Farm kung saan ay kitang-kita ni Wong Ming na nakasunod sa kaniya si Prince Xing. Isang araw na ang nakakalipas at kailangan niyang gumalaw-galaw na.

Naisip niyang gumala muna sa ibang lugar lalo pa't sigurado siyang hindi na sila mamomroblema pa kung sakaling saan sila pupunta.

Naisip ni Wong Ming na pumunta sa mataas na lugar na kung saan tanaw niya ang paghalik ng makapal na kaulapan roon.

Sigurado siyang magiging makabuluhan ang pagpunta niya roon.

Sakto ang pagpunta niya dahil mukhang wala ngang katao-tao doon. Sino ba kasi ang mag-aakalang hindi magiging madali ang lahat ng ito.

"Prince Xing, mas mabuting maghiwalay muna tayo ng direksyong tatahakin. Magkita na lamang tayo sa kuta natin kung sakaling may mangyaring di maganda sa lugar na ito." Seryosong wika ni Wong Ming habang kakikitaan  ng labis na pag-aalala.

Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang kaba. Tila ba may mali talaga sa lugar na ito ngunit di niya pa mawari kung ano.

"Sige, kung yan ang gusto mo Little Devil. Mas mabuti nga iyon upang mabilis nating masuyod nag buong lugar. Tiyak akong mayroong kakaibang nangyayari dito. Sadyang di pa nanunumbalik ang kabuuang lakas ko kung kaya't tila wala akong silbi sa'yo." Seryosong saad ni Prince Xing na kitang-kita ang kalungkutan sa mga mata nito na pilit niyang itinatago.

"Okay lang yun, ano ka ba. Tsaka mag-ingat ka ha, di mo naman sigurong dito ka na mailibing haha..." Pabirong turan ni Wong Ming upang hindi gaanong mamuo ang tensyon sa kanilang pagitan.

"Tama ka. Ikaw din, baka makita nalang kitang hindi na humihinga." Biro din ni Prince Xing saka mabilis na tumalon-talon sa mga batuhan palihis sa direksyong pinatutunguhan ni Wong Ming.

Ipinagpatuloy nalang ni Wong Ming ang sariling pagmamasid niya. Di nga siya nagkakamali sa kakaibang lugar na ito.

Kitang-kita niya ang tila mga dambuhalang itim na itim na baging na natatanaw niya sa hindi kalayuan habang hinahabol nito ang napakaraming bilang ng mga outer disciples na sa tingin niya ay nabibilang sa West Courtyard Disciples. Sa palagay niya ay hindi ito simpleng baging lamang.

Ngunit nang tingnan ni Wong Ming ito ay masasabi niyang hindi ito baging kundi buhok.

Gigantic Black Tigress!

Iyon agad ang pumasok sa isipan lalo na ng matanaw nito ang dambuhalang tigre na sobrang haba ng buhok.

Bago pa man makalayo sa dambuhalang halimaw ang mga ito ay agad na naabot nito ang distansya at isa-isang pinuluputan ng mahaabng buhok nito ang mga nasabing disipulo.

Gigantic Black Tigers!

Iyon ang napansin ni Wong Ming nang makitang may kasama pang mga dambuhalang halimaw ang babaeng tigre.

Sa palagay niya ay mga anak ito ng babaeng halimaw na tigre.

4th Grade Magical Beasts ang bawat lebel ng  apat na mga Gigantic Black Tigers habang nasa 5th Grade Magical Beasts naman ang babaeng tigre.

Talagang isang ambush itong nangyari at mukhang napalaban ng husto ang mga tumatakbong mga disipulong ito.

GRROOOOAAAARRRRR!!!

Malakas na umatungal ang mga dambuhalang halimaw at kitang-kita ang mga takot sa mata ng mga disipulo.

Wag!!!!!

Tulonggg!!!!

Hindiiiii!!!!

Hindi naman gusto ni Wong Ming na mangialam pa. Walang kai-kaibigan sa lugar na ito at saka baka siya pa ang mapatay kung sakaling makisali pa siya.

Wala rin naman siyang maitutulong sa mga ito lalo pa't mukhang ihahain niya lamang ang sarili niya kung sakaling subukan niya. It was a pack of tigers.

Alam niyang wala na ama ng Gigantic Black Tiger dahil limitado lamang ang bilang nila at marami itong mga babaeng tigreng asawa. Gigantic Black Tigress are also independent lalo na sa pagpapalaki ng mga anak nito. They are powerful enough lalo na dahil sa pambihirang kakayahan ng buhok nito.

Buti na lamang at hindi nagtagal ang dambuhalang mga halimaw na tigreng iyon dahil tila nagmamadali din sila matapos nilang kumain ng hapunan nila.

Parang may kinakatakutan sila dahil mula sa malayo ay napansin ni Wong Ming ang isang lumilipad na dambuhalang halimaw.

Halos manlaki ang mga mata ni Wong Ming sa gulat nang mapansing isa itong pambihirang ibon.

Green Basilisk Bird!

Isang 7th Grade Magical Beast ito at nagtataglay ng pambihirang lason.

Ito ang hinihintay niya. Mukhang bagong breakthrough lamang nito.

Talagang mapaminsala nito at bawat daanan nito lalo na ang likidong nasa katawan nito ay tunay na nakakapatay ng buhay ng mga halaman at puno kapag napapatakan.

Kinakailangan ito ni Wong Ming lalo pa't mahalaga ang demonic core nito na maaaring makuha niya at ma-extract.

Hindi na niya kailangan pang mangamba kung sakaling malason siya sa hinaharap dahil napakatindi ng lakas nito. All toxins not higher than it could repel. Talagang mabisang panlunas sa anumang maduming taktika ng makakasalamuha niya.

Wala siyang napapansing nilalang sa kapaligiran at tanging siya at ang dambuhalang Green Basilisk Bird lamang ang naririto. Pagkakataon niya na ito upang makapaslang ng isang pambihirang halimaw.

Mabilis na naggtransform si Wong Ming bilang isang Ice Demon. Hindi niya matatalo ang halimaw na ito sa makataong pamamaraan niya. Kailangan niya ang lakas ng isang elemental demon.

Mabilis niyang hinarap ang  nasabing dambuhalang halimaw na ibon.

Mukhang di nga ito mukhang ibon dahil dambuhalang ahas pa rin ito na may pakpak.

Isang hybrid at mukhang malakas ang loob ng isang ito dahil di man lang ito nangamba sa kaniya.

SRRRIIIIEEEEECCCCKKKKKK!!!!

Malakas itong umatungal na animo'y nagagalit. Talagang hindi maipagkakailang mapanganib ang isang halimaw na ito.

Mabilis na lumabas sa ere ang sampong Sword Needles at naging mga dambuhalang Ice Swords.

It was a Ice manifestation at dahil sa pag-unlad ni Wong Ming ay umunlad din ang kapangyarihan niya at pagkontrol sa elemento ng yelo.

Hindi na nagpatumpik-tumpik si Wong Ming at mabilis na sinugod ang kinaroroonan ng dambuhalang halimaw gamit ang sampong Ice Swords.

BANG! BANG! BANG!

Itiniklop ng Green Basilisk Bird ang mga pakpak nito upang protektahan ang sarili nito sa atake ni Wong Ming.

TING! TING! TING!

Tila tumunog lamang na animo'y tingting ang atake ni Wong Ming at wala man lang siyang nakitang bakas ng galos sa pakpak ng halimaw.

Tama nga siya ng hinala, malakas nga ang depensa ng Green Basilisk Bird.

Mukhang agresibong nilalang talaga ang Green Basilisk Bird dahil hindi pa nakakabawi si Wong Ming sa pangalawang atake niya ay gumalaw ang dambuhalang buntot ng nasabing halimaw patungo sa direksyon ni Wong Ming.

Mabilis naman ang reflexes ni Wong Ming at agad na binalot ang nasabing kanang kamay niya ng napakakapal na yelo.

Ice Demon Punch!

Napakalaking nilalang niya dahil sa Ice Demon Form niya kung kaya't natitiyak niyang hindi siya mapipinsala kaagad ng halimaw na ito na halos magkapantay lamang sa lebel niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon