Chapter 2.2

168 21 2
                                    

"Tama nga ang East Courtyard Disciples na mapaminsala ang halimaw na iyan. Mabuti na lamang at napaslang na ito!"

"Ito nga ang salarin sa pagpaslang sa mga kapwa natin disipulo!"

"Sa wakas ay hindi na tayo mangangamba sa halimaw na yan!"

Marami pang iba't-ibang komento at tila hindi mapigilan ng ibang mga disipulo na batuhin ng papuri ang mga East Courtyard Disciples.

Si Wong Ming ay halos hindi makapaniwala sa pinanggagawa ng East Courtyard Disciples. Aalm niyang sila ang may pakana nito.

Sisiguraduhin niyang pagkatapos ng araw na ito ay ito na ang huling bahagi ng masasayang araw ng East Courtyard Disciples.

...

Isang araw ang nakalilipas nang matapos ang Annual Harvest Month at maayos na nakalabas ang lahat ng mga nakaligtas sa Old Amity Farm. Bakas ang trauma sa iba ngunit tuloy pa rin ang buhay ng mga disipulo upang harapin ang mga bagay sa hinaharap.

Umaga pa lamang ay bigla na lamang nagkandagulo-gulo ang lahat nang mayroong isang mahalagang anunsyo ang biglaang ginawa ang namamahala ng Flaming Sun Guild.

Mabibilis na nagsitipon-tipon ang lahat ng mga disipulo sa sentrong bahagi ng malawak na field.

Doon ay kitang-kita ang mga kumpol ng mga bangkay na nakahanay. Sa dami ng mga ito ay halos mapuno ang buong field ng nasabing lugar dito sa Flaming Sun Guild.

Ang iba ay tila umiiyak na. Siguro ay malapit na kakilala o kamag-anak nila ang mga ito.

Sino'ng mag-aakalang ang mga bangkay ng mga yumaong mga disipulo ay naririto.

Inobserbahan naman ni Wong Ming ang mga East Courtyard Disciples lalo na ang nangungunang mga disipulo na sa tingin niya ay makakaharap niya sa oras na magsimula ang Inner disciple trial rankings.

Nakita niya kung paanong palihim na nagngitngit ng galit ang mga ito matapos nilang malaman ang ganitong klaseng senaryo.

Ramdam ni Wong Ming ang malaking tensyon. Hindi gusto ni Wong Ming na sirain ang nasabing courtyard ngunit sa tingin niya ay nararapat lamang na baguhin na ang sistema ng Flaming Sun Guild lalo na sa pagdistribute ng mga nakatokang gawain.

Masyadong ganid ang mga ito at mukhang sa mga oras na ito ay kailangan niyang mag-ingat. Hindi basta-bastang mga nilalang ang makakalaban niya.

Isang buong courtyard ang maaaring magbanta ng buhay at kaligtasan niya sa kasalukuyan.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nanahimik ang lahat ng mga courtyard disciples lalong-lalo na ang tatlong courtyards (West, North, South) dahil wala ni isang East Courtyard Disciples ang naririto kundi sila lamang.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong matalim sa mga mata ng mga disipuli ng tatlong courtyards ang East Courtyard Disciples.

"Bakit ganyan kayo makatingin sa amin? Kasalanan ba namin yan?"

"Oo nga, ano'ng tingin-tingin niyo?!"

"Nakakainsulto na yang pinanggagawa niyo!"

"Hmmmp! Mga mahihina!"

"Porket wala ang nasawi naming mga kasamahan ay kami na ang pinagbibintangan niyo!"

"Palibhasa ay pinagpapaslang ang mga ito ng Level 9 Beasts!"

Ito ang tila nangibabaw na mga sinasabi ng mga East Courtyard Disciples. Hindi nagpatinag ang mga ito sa mga matang mapanghusga't tila sila ang pinagbibintangan.

Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang tensyon. Hindi niya aakalaing ganito kalaki ang magiging epekto ng pagkolekta at pagdala niya ng mga bangkay ng mga yumaong disipulo ng Flaming Sun Guild.

"Bakit tila napaka-defensive niyo ha?!"

"Naku, naku, sobrang nakakapagtaka yang pinagsasabi ng mga East Courtyard Disciples."

"Imbestigahan na ang mga labi ng kaibigan ko at lahat ng mga nasawi, mukhang may mga guilty dito!"

"Hindi ata nila alam ang Guild Rules ng mga nilalang na halang sa pagpaslang ng mga ka-guild member nila!"

"Buhay ang kinuha kaya buhay rin dapat ang kapalit!"

Sambit ng iba't-ibang courtyard disciples habang nakatingin sa mga mapagkunwaring East Courtyard Disciples.

"Why don't we call it quits, this is nonsense!"

Sambit ng isang East Courtyard Disciples sa mga guro ngunit hindi nagpatinag ang mga guro.

Halos matulala naman ang lahat ng East Courtyard Disciples dahil mula sa tingin ng mga guro ay mukhang may mangyayari na hindi nila magugustuhan.

"Natapos na ang imbestigasyon at mukhang kailangan niyong magpaliwanag sa huling pagkakataon East Courtyard Disciples dahil mula sa araw na ito ay tinatanggalan na ng karapatan ang nasabing mga disipulo at mabibilanggo ang dapat mabilanggo!" Sambit ni Master Shirong habang kitang-kita na matalim ang bawat salitang lumalabas sa mga sinasabi nito.

Ramdam niya ang tensyon ngunit sa pagkakataong ito ay mayroong mga ebidensyang nagdidiin sa mga East Courtyard Disciples.

Ang malala pa ay usap-usapan na sa buong Red City ang ganitong klaseng pangyayari. Ano ang mukhang maaari nilang iharap sa mga mamamayan ng Red City kung patuloy nilang ito-tolerate ang nasabing masamang gawain ng isang buong courtyard ng Flaming Sun Guild?!

"Hindi! Hinding-hindi niyo pwedeng gawin ito Master Shirong! Hindi kami papayag! Hindi kailanman magpapatinag ang East Courtyard Disciples sa pinagsasabi niyo!" Tila biglang nagbago ang ekspresyon ng isang kilalang disipulo na si Golden Thumb.

Kasama ang halos kalahating porsyento ng East Courtyard Disciples ay lumutang ang mga ito sa ere at hindi na nagpatinag na itago ang sarili laban sa pag-aaklas ng mga ito.

Rebelyon!

Iyon ang masasabi ni Wong Ming. Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang papainit  na tensyon. Mukhang ilalabas na ng East Courtyard Disciples ang lahat ng mga hinaing at kasamaan ng mga ito.

"Ang kapal naman ng pagmumukha ng isang guro lamang upang hatulan kami ng wala sa ayos! Hindi kami makakapayag!"

"Matagal na kaming nagtitimpi sa ganitong klaseng Guild!"

"Napakahina ng ibang guild at patuloy na magiging mahina ang Guild, what's the big deal!"

"Hahahaha... Mukhang mayroong mapapaslang ng maaga sa mga oras na ito hehehe!"

"Paano kaya kung paslangin namin kayong lahat?!"

Halos mapuno ng takot at pangamba ang lahat dahil sa pinagsasabi ng mga miyembro ng East Courtyard Disciples na nakalutang sa ere.

Mabilis na nagtipon-tipon ang mga iba't-ibang courtyard disciples at nasa isang bahagi na lamang sila ng field.

Hindi nila inaasahan ang ganitong hayagang rebelyon at paglaban sa mga pamunuan ng Flaming Sun Guild.
Nagkatinginan naman ang mga guro ng Flaming Sun Guild at maging ang mga ito ay lumutang na rin sa ere upang pantayan ang nasabing mga rebelyong miyembro ng East Courtyard Disciples.

"Ang hatol na ito ay mula sa buong pamunuan ng Flaming Sun Guild. Ito ang buong hatol ng Guild Master kasama ng mga Vice-Guild Masters maging ng mga guro at ng punong-guro!" Seryosong sambit ni Maestro Delun ito.

Tumango naman ang ibang mga guro kasabay nito ay lumutang sa ere ang isang kapirasong papel na biglang lumaki.

Mababasa ang lahat ng kasulatan at may lagda na ng lahat ng pamunuan ng Flaming Sun Guild lalong-lalo na ng lahat ng may karapatan at awtoridad sa paghatol.

"Hindi maaari ito! Magiging Inner disciples pa kami! Ano'ng klase kayong mga guro!"

"Akala ko ba ay kayo ang dapat na magtanggol sa amin pero bakit kayo pa ang dahilan upang mapatalsik ang East Courtyard Disciples!"

"Hindi kami makakapayag, wala na kaming pagpipilian kundi ang lumaban ayon sa karapatan namin!"

"Lalaban kami, hindi maaaring kami lamang ang mawawalan ng karapatan dito sa Flaming Sun Guild!"

Rinig na rinig ng lahat ang mga pinagsasabi ng dalawang panig. Kitang-kita na mas tumaas pa lalo ang tensyon sa lugar na ito. Mukhang mauuwi ang lahat ng ito sa madugong pamamaraan.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Where stories live. Discover now