Chapter 2.6

251 20 2
                                    

Hindi siya makapaniwala sa kaniyang sariling nakikita.

Sa loob ng consciousness niya kasi ay may nakita siyang isang kakaibang liwanag.

Agad na nilapitan ito ni Wong Ming nang walang pag-aalinlangan.

Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang malakas na koneksyon niya rito. Para bang parte ito ng katawan niya, basta hindi niya maipaliwanag.

Isa lamang ang naiisip niya at iyon ay dahil sa huling laban niya na naganap mismo dito sa lugar na ito.

Ito lamang kasi ang naiisip niyang dahilan kung bakit mayroong kakaibang liwanag ito rito.

Iyon lamang ay hindi man lang niya mahawakan ang nasabing liwanag na ito. Para kasing nakapwesto lamang ito sa lugar kung saan ito una nabuo.

Mas nagulat si Wong Ming nang masuring may isang napakaliit na liwanag pa itong kasama. Kulay asul ang nasabing liwanag na ito. Hindi niya maintindihan kung bakit nangyari ang kakatwang kaganapang ito.

Hindi niya alam kung bakit ito naririto ngunit sigurado siyang isang pambihirang bagay ito o existence na dito lamang nabuo sa loob ng consciousness niya.

Maya-maya pa ay inilipat ni Wong Ming ang kaisipan sa pagsasanay ng lakas at abilidad nito sa pakikipaglaban at pag-aaral ng mga martial art skills na maaari niyang magamit sa gaganaping Trial Rankings dalawang araw mula ngayon.

Ibayong ensayo ang ginawa niya. Ang iba sa magagamit niyang mga lumang skills ay pinagtuunan niyang pansinin. Mahirap na at baka di pa siya makakuha ng pwesto niya.

Pagkatapos niyang maisagawa ang ibayong pag-eensayo niya ay binigyan niya ng oras ang pag-aaral sa kakaibang mga liwanag na nagmumula sa dalawang maliliit na bagay na ito.

Hanggang sa napagpasyahan na ni Wong Ming na bumalik na lamang sa reyalidad. Marami pa siyang gagawin ngayon sa labas ng manor.

...

Little Devil Vs. Night King!

Rinig ni Wong Ming ang pagtawag ng sarili niyang pangalan na ginagamit para makipaglaban sa pwesto para sa pagiging Inner Disciple.

Hindi niya aakalaing ito ang makakatapat niya ngayon. Kaibahan lamang sa mga nauna ay sigurado siyang isang mahusay na swordmaster itong nilalang na ito.

Siyempre, biglang isang manlalahok ay inalam niya ang background ng Night King na ito na siyang magiging katunggali niya ngayon.

Mahusay nga itong swordmaster at bata pa lamang ito ay naranasan na nitong sumabak sa isang giyera.

Ayon sa mga haka-haka patungkol rito ay marami na itong napaslang na kaaway nito at dahil sa mahusay itong nakipaglaban ay sumali din ito sa mga hunting activities hindi lamang ng mga magical beast kundi ang mga kapwa nito martial art cultivors.

Ngunit magkagayon pa man ay hindi siya natatakot dito bagkus ay gusto nitong patunaya  ang sarili na mananalo siya rito.

Kailangan niyang mag-ingat lalo pa't ang makakaaway niya ay mga tunay na eksperto sa pakikipaglaban.

Sa isang iglap ay nagukat si Wong Ming nang mapansin na bigla na lamang nasa kamay ni Night King ang malaking espadang nasa likuran niya.

Kapansin-pansin ang napakalakas na enerhiya na bumabalot sa espada ng kalaban ni Wong Ming.

Naging alerto din si Wong Ming. Kitang-kita kung paano'ng lumitaw sa itaas ng ulo ni Wong Ming ang sword needle.

"Pasensya na binata ngunit hindi ko hahayaang matalo ako sa round na ito!" Nakangising wika ni Night King kasabay nito ang pag-cast nito ng pambihirang martial arts skill na nalalaman nito.

Skill: Sword Eye

Makikitang biglang ibinato ni Night King ang espada nito sa ere kasabay nito ang tila paglitaw ng isang kakaiba at nakakatakot na mata malapit sa hawakan ng espang hawak ng katunggali ni Wong Ming.

Nabigla si Wong Ming lalo pa't nagulat siya sa kaniyang sariling natuklasan. Totoo ngang tunay na swordmaster ang makakalaban niya sa oras na ito.

The sword has awaken it's consciousness. Malalim ang konekayon ng espadang ito sa nagmamay-ari nito kung kaya't alam ni Wong Ming na hindi magiging madali ang labang ito.

Agad na napansin ni Wong Ming na isang malakas na sword intent ang patungo sa direksyon niya.

Skill: Needle Sword Shield!

Sa isang iglap ay lumaki ang Sword Needle na siyang sandata ni Wong Ming. Kasabay nito ay napigilan ang balak ni Night King.

Ngunit tumawa na lamang si Night King na siyang ipinagtataka naman ni Wong Ming.

"Nag-uumpisa pa lamang ako Little Devil. Hindi ko nakikita ang sarili kong matatalo sa katulad mo lamang!" Direktang sambit ni Night King kay Wong Ming.

Kasabay nito ay nag-cast si Night King nang pambihirang martial arts skill upang matalo niya si Little Devil.

Skill: Sword of Rain!

Kitang-kita kung paanong lumitaw ang napakaraming mga espada sa ere kasabay nito ay bigla na lamang umulan ng napakaming espada patungo sa direksyon ni Wong Ming.

Skill: Afterimages!

Kitang-kita kung paanong nagkaroon ng afterimages si Wong Ming at isa-isang iniwasan ang mga espadang nagsibagsakan patungo sa kaniya.

Hindi maipagkakaila ni Wong Ming na mahusay sa pagkontrol ng espada ang kalaban nito.

Kitang-kita na ngumisi ang nasabing kalaban ni Wong Ming kasabay nito ang tila pagkagimbal niya.

Hindi niya aakalaing tuso din pala ang kalaban niya.

"Hindi ko akalaing isa ka palang uto-uto Little Devil. Pasensyahan na lamang tayo dahil ako ang mananalo sa labanang ito!" Confident na sambit ni Night King halatang desidido din itong manalo at mapabilang sa Inner Disciple Trial Rankings.

Kitang-kita kung paanong lumitaw ang mga linyang gawa sa enerhiya.

Tiningnan lamang siya ni Wong Ming at tila hindi ito nababahala sa sinabi ni Night King.

Cage Formation!

Ito ang nasa isip ni Wong Ming lalo pa't gusto ng kalaban nitong dito lamang siya sa lupa manatili.

"Pansin kong palaging nasa ere ang labanang gusto mo Little Devil ngunit hindi ko hahayaan yun, siguradong madedehado ako sa'yo!" Seryosong saad ni Night King. Hindi niya alam ang timatakbo ng utak ng kalaban niya.

Wala naman siyang pakialam rito ngunit di man lang nagsalita ang kalaban niya. Sigurado siyang natakot na ang Little Devil na ito sa kaya niyang gawin.

Hindi alam ni Wong Ming kung bakit parang may hindi magandang gagawin ang kalaban niyang ito. Nabalitaan niyang malakas ito at hindi malabong mayroon itong core skills na natutunan kahit na outer disciple pa lamang ito.

Core Skill: Wrath of Sword Knight!

Mula sa likod ng katawan ni Night King ay lumitaw ang dambuhalang imahe ng isang dambuhalang nilalang na nakasuot ng baluti.

Nanlaki ang mga mata ni Wong Ming lalo na nang mapansing isang pambihirang core skill nga ang ginamit ng kalaban nito sa kaniya.

Gumalaw at tumungo ang dambuhalang kanang kamay ng dambuhalang nilalang na nakasuot ng baluti patungo sa kinaroroonan ni Wong Ming na kasalukuyang nasa loob pa rin ng Cage Formation.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon