Chapter 1.12

151 18 1
                                    

Mukhang maalam din ang plant type beast race na ito. Hindi basta-basta lamang ang mga katulad nito dahil mataas ang survivability rate ng mga ito lalo pa't parte ang mga ito ng kalikasan.

Hindi niya alam kung bakit nito ginawa ang kahindik-hindik na gawain ng lahi nito. Isang sikreto para lumakas ang mga ito ay ang gamitin ang lakas ng kauri nito upang lumakas sa pamamagitan ng pagpaslang sa mga ito.

Ilap at hindi agresibo ang mga ito ngunit may iilan talaga na may masasama na kauri ng mga ito.

Isang evil cultivator na maituturing ang kaharap niyang halimaw na ito.

Walang pag-aatubiling inatake ng nasabing halimaw si Wong Ming gamit ang nagtutulisang mga baging.

Nagawa ni Wong Ming na ilagan ang nasabing atake ng halimaw ngunit mabilis siyang napatalsik sa malayo nang mahagip siya ng hindi niya inaasahang atake ng halimaw.

BANG!

Kitang-kita kung paano sumirit ang dugo sa kaliwang braso ni Wong Ming.

"Napakahina mo pala binata. Palibhasa ay isa ka lamang hamak na tao. Wala kang laban sa katulad ko. Magiging pataba lang kita hahahaha!" Malademonyong sambit nang halimaw na baging sa mapanuyang tono ng boses.

Hindi ininda ni Wong Ming ang natamo niyang sugat at inilabas ang sampong Sword Needles na pangunahing sandata niya.

Hindi nagpatinag ang babaeng baging kung saan ay sinugod nitong muli ang kinaroroonan ni Wong Ming gamit ang mga baging nito.

TAH! TAH! TAH!

Maririnig at kitang-kita ang pagkaputol-putol ng mga baging dahilan upang humiyaw sa sakit ang nasabing halimaw.

SHRRIIIIEEEKKKKK!!!!

"HAH! Hi-hindi maaari ito. Napakatibay ng gma baging ko na kahit level 7 Beasts o katulad mong isang hamak na  Xiantian Realm Expert lamang ang makakatalo sa akin!" Tila gulat na gulat na saad ng halimaw na baging. Ngayon lamang siya nakaranas ng ganitong klaseng senaryo kung saan ay nagawa siyang pinsalain ng isang hamak na mababang lebel na eksperto na mula pa sa lahi ng tao.

"Mukha ba akong isang hamak na Xiantian Realm Expert? Pwes, ipapakita ko sa'yo na ang Xiantian Realm Expert na katulad ko ay dapat mong katakutan!" Seryosong wika ni Wong Ming habang malademonyong nakangiti.

Tila nanlaki ang mga mapupulang mga mata ng nasabing halimaw na baging. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagkagulat at pagkasindak.

"Concealing ring! Hindi ko aakalaing isa kang tusong nilalang na galing sa lahi ng mga traydor! Humanda ka sakin!" Galit na galit na wika ng halimaw na baging.

Kitang-kita kung paanong lumabas ang isang kulay dilaw na bola sa mga kamay nito at mabilis na itinapon sa kinaroroonan ni Wong Ming.

Napakagaan tingnan ng tila prutas na iyon ngunit natitiyak ni Wong Ming na hindi ito basta-basta lamang na prutas kundi may matindi itong panganib na dala.

Ngunit nagulat si Wong Ming nang mapansing tila hindi nabubunot ang mga paa nito sa lupa at tila na-stock siya.

Kitang-kita ni Wong Ming ang kasiyahan sa mukha ng pesting halimaw sa nangyayari sa kaniya.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang naganap kung saan ay kitang-kita ng halimaw ang buong pangyayari.

"Sa wakas ay napaslang rin kita d---- hindi maaari ito, pa-papaanong buhay ka pa?!" Ang tila tagumpay na wika ng halimaw ngunit mabilis na nawala ang kasiyahan sa tono ng pananalita nito nang makita ang isang nilalang sa itaas ng himpapawid.

Nakalutang ito at kung titingnan sa malapitan ay si Wong Ming ito na siyang kalaban niya.

"Hahahaha... Wala ka na bang ibang tusong gawin kundi ang mahinang pamamaraan ng labanan?! Kahit sino ay kayang-kaya na iwasan ang pipitsugi mong paraan upang pumaslang ng iyong kaaway." Panghahamak na saad ni Wong Ming habang nakatingin ito sa kalupaan kung saan naroroon mismo ang kalaban nito.

ICE SHARDS!

Naglalakihan at nagtutulisang mga tipak ng yelo ang biglang lumitaw sa himpapawid at pabagsak ito sa kinaroroonan ng kalaban ni Wong Ming.

BANG! BANG! BANG!

Napakalabilis ng mga pangyayari at naglalakasang mga tunog ng pagsabog ang namayani sa buong kapaligiran.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Wong Ming kung paanong tumusok ang isang matalim na ice shards sa binti ng halimaw na baging. At tumalsik ito ng madaganan ng bigat ng isang malaking tipak ng yelo na pagulong-gulong ng mabilis.

Napangiti naman si Wong Ming lalo na nang makita ang sinapit ng kalaban nito. Para sa kaniya ay dapat ng mapaslang ang isang tusong nilalang na ito. Ramdam niyang napakalakas na nito.

Kita ni Wong Ming na tumayo ang napinsalang kalaban nito na sobrang kakaiba ang kaanyuan nito.

Biglang nagbago ang balat ng halimaw at tila nangitim ito. Ito ang totoong kaanyuan ng halimaw at tila nalagas ang pekeng balat nito.

Demonic Leaf Vine!

Lumitaw ang kalahating mukha ng isang dalaga at tila ramdam ni Wong Ming na tila hindi nababawasan ang arwang lumalabas sa katawan ng halimaw na ito at patuloy na tumataas.

Isang Level 8 Demonic Plant Beast!

Iyon ang nasa palagay ni Wong Ming. Ramdam niyang nasa threshold na ng ganitong kataas na lebel ang nasabing halimaw.

Pure Demon Essences, ito ang maaaring makuha ni Wong Ming kapag natalo niya ang ang halimaw na ito. Mayroong demon core ang halimaw na ito ngunit hindi pa naman ito ganap na Level 8 Demonic Plant Beast. Nakakamangha ito para kay Wong Ming.

Katulad ng halimaw ay may sikreto din siyang tinatago. Katulad ng halimaw na ito ay tila ang pagkakaroon niya ng Pambihirang Sword Needles ay masasabi niyang nakaugat din dito ang lakas niya.

Kailangan niyang mag-ingat.

Ramdam na ramdam ng halimaw ang pagtahimik ng nasabing binata.

"Natatakot ka na binata? Ikaw ang magiging susi upang tuluyan na akong magbreakthrough. Nararamdaman ko ang lakas na nagmumula sa katawan mo hehehe!" Sambit ng Demon Leaf Vine sa nakakatakot nitong boses habang nakatingin sa ere kung saan naroroon ang binatang si Wong Ming.

Mabilis na lumapag si Wong Ming sa lupa habang nakalutang pa rin ang mga nagtatalimang sword needles.

"Sino ang matatakot sa isang mahinang katulad mo. Malakas ka bang talaga? Bakit kailangan mo pa ko?!" Panghahamak ni Wong Ming habang makikitang nakangiti pa ito ng mala-demonyo.

Kahit ramdam ni Wong Ming ang matinding panganib dulot ng paglitaw at paghaharap nila ng napakalakas na halimaw na ito na nasa hindi kalayuan.

Katulad niya ay nararamdaman niya ang malakas na demon core ng kalaban at ramdam din nito ang pagpasada ng tingin ng halimaw sa piraso ng mga sword needles niya.

Isa lang ang ibig sabihin nito. May alam na ang pesteng halimaw na ito sa tinatago niyang sikreto.

"Sadyang tinadhana ka ng mapaslang sa mga kamay ko binata. Talagang pinaboran pa ko ng tadhana!"

Mabilis na hinubad ni Wong Ming ang concealing ring na suot niya at biglang nagpakawala ng napakalakas na enerhiya ang katawan ng nasabing binata.

Nagulat naman ang halimaw at nanlalaki ang mga mata nito.

"Sisiguraduhin kong ikaw ang mapapaslang sa ating dalawa!" Seryosong sambit ni Wong Ming at  nawala ito sa kinaroroonan nito.

Nakaramdam ng panganib ang Demon Leaf Vine. Kung hindi siya nagkakamali ng kalkulasyon ay nilinlang siya ng binatang ito at nasa mataas na lebel na rin ito ng cultivation.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon