Chapter 1.7

132 18 1
                                    


Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya kaagad ang isang sugatang lalaki na nakahiga sa malaking ugat ng puno. Naliligo ito sa kaniyang sariling dugo. Mukhang malala na ang lagay nito, even Wong Ming didn't have that kind of medical help lalo na kung paano gagamutin ang malalang pinsala na natamo nito.

"Ano'ng nangyari dito? Okay ka lang ba? Sinong may gawa nito sa inyo?!" Seryosong tanong ni Wong Ming nang mapansin na tila hinihingal ang nasabing sugatang West Courtyard Disciple na ito.

"Ang E-east Co-courtyard Disciples--- tinambangan kami at pinaslang kaming lahat. Wa-la ka-kaming la-laban sa kanila----" nahihirapang wika ng sugatang West Courtyard Disciple ngunit bago pa nito matapos ang sasabihin nito ay nawalan na ito ng hininga.

Kitang-kita ni Wong Ming ang paghihirap sa mukha ng kakamatay pa lamang na disipulo maging sa mga napaslang kani-kanina pa.

Talagang naniniwala si Wong Ming sa sinabing ito ng naghihingalo kaninang lalaking disipulo. Alam niya kung gaano kalakas ang bawat miyembro ng East Courtyard Disciples dahil sa kanila ang pangunahing suplay ng mga elixirs at mga martial pills.

Ito na nga ba ang sinasabi ni Wong Ming dahil isang malaking disaster ito. Hindi din ito masasabing patas dahil mukhang mababawasan ng mga malalakas na kalahok ang bawat courtyard dahil sa ganitong set ups.

Siguradong pinlano ito ng mabuti dahil kung may mapa ang disipulong napaslang kanina ay mukhang mayroon din ang East Courtyard Disciples.

Nakaramdam naman ng kakaiba si Wong Ming dahil mukhang palalim na rin ang gani. Kailangan niyang mag-ingat at maghanap ng pagtataguan pansamantala.

Napakadelikado pa naman ng mga lugar kagaya ng open spaces na ito.

Mabilis na nilisan ni Wong Ming ang lugar na ito. Gusto niya man ilibing ng mapayapa ang mga nilalang na ito ay wala din itong silbi lalo pa't huhukayin pa rin ito ng mga pagala-galang magical beasts upang maging hapunan.

Medyo nakonsensya si Wong Ming kung kaya't binalikan niya ang mga bangkay ng mga napaslang na nilalang at inilagay sa isang bakanteng interspatial ring na di niya ginagamit.

Kahit ganito man lang ay naniniwala siyang mabibigyan niya ng maayos na libing ang mga ito. Walang awa talaga ang kahit na sinumang nilalang rito ngunit hindi naman ibig sabihin noon ay wala na rin siyang ni katiting na puso para sa mga ito.

Life in this world is unfair. Iyan ang palaging itinatak niya sa kaniyang isipan pero naniniwala siyang kahit sa ganitong paraan man lang ay may maiambag siya. May pamilya rin ang mga ito at alam niya ang pakiramdam na mawalan o mawalay sa mahal natin sa buhay.

Isa-isang isinilid ni Wong Ming ang mga bangkay ng mga ito sa loob ng interspatial ring niya. Pansin niyang wala ring anumang mga interspatial ring na suot ang mga yumaong mga disipulo.

Kahit siya ay nakaramdam ng awa sa mga ito. Sa daming nasawi ay siguradong marami-rami din ang nakolektang yaman ng mga pumaslang sa mga ito.

Annual Harvest Month ito at tiyak siyang hindi ito patungkol sa patayan ng bawat courtyards. Parang hindi ito ang tema ng paligsahang ito.

Nagmumukhang mass killing ito kung sakali man.

Matapos niyang magawa ang nasabing bagay sa lugar na ito ay mabilis na niyang nilisan ang nasabing lugar.

Sa isang lilim ng patay na puno siya nanatili upang magpalipas ng gabi. Kailangan niyang suyurin ang buong lugar na ito upang malaman ang mga dapat niyang gawin o magagawa pa.

Hindi naman niya gagawin ang masasamang taktika ng mga grupo-grupong mga disipulo. Kapag nagkatapat na siya ang papaslangin ng mga ito ay di siya mangingiming pumaslang upang patuloy na mabuhay.

It will always be the strength. Lakas ang dapat niyang hanapin. Malay niya, baka bukas ay mayroon na siyang mahanap na bagay upang umunlad pa lalo ang lebel ng cultivation niya.

Hindi namalayan ni Wong Ming na nakatulog siya ng mahimbing sa malalim na gabing ito.

...

BANG! BANG! BANG!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang malalakas na pagsabog ang tinatanaw ang naglalakihang mga yelong bumabagsak mula sa kalagitnaan.

Kitang-kita niya ang dambuhalang itim na nilalang. Isang Black Demon ito ayon sa pagkakaintindi ni Wong Ming ngunit kakaiba ito. Mayroon itong dalawang naglalakihang mga sungay at tila mayroong mga markang kulay ginto sa bawat parte ng katawan nito.

Black Demon Deity!

At isang Fire Demon Deity!

Pambihira rin ang Fire Demon Deity dahil mayroon itong pulang pakpak na nag-aapoy na may pulang balat. Mayroon ding mga strange marks na gawa sa tila magma.

Hindi aakalain ni Wong Ming na makakakita siya ng isang pambihirang elemental demon sa tanang buhay niya na nasa hindi kalayuan.

Magkatabi ang mga ito at tila may kinakalaban.

Ngunit nang tiningala niya ang himpapawid ay doon niya napansin ang isang pambihirang nilalang na nais niyang makita.

Isang Ice Demon Deity!

Ito ang legendary deity form ng isang elemento ng yelong demonyo.

Halos dalawang beses ang laki nito kumpara sa ordinaryong kaanyuan ng alinman sa dalawang elemental demon deity na kalaban niya.

Dalawang demon deity laban sa isang demon deity. Mukha itong di makatarungan.

BANG! BANG! BANG!

Malakas na bumagsak sa kalupaan ang mga naglalakihang tipak ng mga yelo ngunit mukhang wala man lang pakialam ang nasabing dalawang demon deity.

Ngunit kasabay ng pagbagsak ay mabilis na pagbalot ng nagkakapalang yelo sa mga ito lalo na sa buong lugar.

"Hahahahaha... Mga pangahas at taksil! Hindi ko aakalaing mga traydor kayo! Nababagay lamang na mapaslang kayo!"

Pagkasabing-pagkasabi nito ay mabilis na sumabog ang buong kalupaan kasabay ng pagsabog ng dalawang katawan ng Dark Demon Deity at Fire Demon Deity.

SSSHHH!

Kasabay nito ay nagulat na lamang si Wong Ming nang mapansin na tila may kung ano'ng bagay ang bumutas sa kanang dibdib ng Ice Demon Deity.

"Elizar, ba-bakit mo nagawa ito sa akin? Akala k-ko ay ka-kakampi kita?!" Nahihirapang wika ng Ice Demon Deity na animo'y parang hindi makapaniwala sa katraydurang ginawa ng isang Earth Demon Deity sa likuran nito.

"Isa kang inutil Herano! Mukha bang pasasakop ako sa'yong pamumuno? Isa kang mahina katulad ng inutil mong asawa!" Puno ng galit na saad ni Elizar habang kitang-kita ang kakaibang anyo nito na halos kasinglaki rin ng Ice Demon Deity.

"Ak-akala mo ba ay mapapaslang mo ko dahil lang sa sinaksak mo? Na-nagkakamali ka, h-hindi mo ako mapapatay!" Puno ng kumpiyansang saad ni Henaro habang kakikitaan ng sakit at pagkautal ang boses nito.

Hinawakan pa ni Henaro ang nasabing napakatulis na bagay na nakatusok sa puso niya. Nasa kanang dibdib parte kasi nila ang puso ng isang Elemental Demon.

"Masyado mo akong minamaliit Herano, ang talim ng Demon Knife na ito ay may dugo ng isang Baguda, ang isang deity fish na may makamandag na lason, sigurado akong di ka na mabubuhay pa ng matagal hahaha!" Malademonyong sambit ni Elizar habang napatawa pa ito ng malakas.

"Si-siguraduhin kong mauuna ka sa hukay!" Madiin na turan ni Herano habang mabilis nitong hinablot ang leeg ni Elizar nang mapatingin siya rito.

Kitang-kita kung paano'ng mabilis na nabalot ang buong katawan ni Elizar ng yelo at sumabog ito ng malakas.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon