Chapter 2.5

176 20 1
                                    


Sunod-sunod na mga labanan ang nagaganap at mabuti na lamang ay naipanalo ni Wong Ming ang bawat labang naitatapat sa kaniya.

Pakonti ng pakonti ang mga natitirang bilang ng mga disipulo at pahirap ng pahirap ang mga nakakalaban ng kapwa niya disipulo.

Masasabi niyang marami ang may mga potensyal na makasali at magkaroon ng rankings. Walang sinuman ang gustong magpatalo at ramdam ni Wong Ming ang tensyon lalo pa't papalapit ng papalapit ang nasabing kompetisyon na ito sa pinakahinihintay ng lahat.

Maya-maya pa ay narinig niyang tinawag ang pangalan niya.

Clouded Axe Vs. Little Devil

Kitang-kita ni Wong Ming kung sino ang makakalaban niya.

Naglakad na rin siya sa kinaroroonan ng malawak na field at nakita niya ng harap-harapan ang disipulong makakalaban niya.

Halos triple ang laki nito at sa tingin pa lamang ng kalaban niya ay nanlilisik. Siguro ay determinado rin itong manalo kaya gusto siya nitong i-intimidate.

Kitang-kita niya kung paanong mabilis lamang sa disipulong ito na hawakan ang dambuhalang palakol na hawak nito.

Start!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano'ng tila mabilis na ibinato sa kaniya si Clouded Axe ang palakol nito.

Kitang-kita niya kung paanong mabilis na naiwasan ni Wong Ming ang malaking palakol.

Ngunit iyon ang malaking pagkakamali niya dahil kitang-kita niya kung paano'ng mabilis na nag-cast si Clouded Axe ng pambihirang skill nito.

Skill: Duplicate Axe!

Nanlaki ang mga mata ni Wong Ming nang biglang lumutangcsa ere ang palakol at dumami ang bilang nito ng ilang libo.

"Tapos ka ngayon sakin Little Devil!" Nakangising wika ni Clouded Axe at kitang-kita kung paano ito nagpasugod ng napakaraming mga palakol.

Sigurado kasi siyang hindi gumagamit ang binata ng sandata sa mga laban nito mula pa noong una.

Tahimik lamang si Wong Ming na nakatingin sa mga hindi mabilang na mga palakol na patungo sa kaniya.

Ice Skill: Domain Lotus!

Ginamit ni Wong Ming ang isa sa mga Domain Skill na natutunan niya. Isa sa mga defense skill na alam na alam niya.

Mula sa kailaliman ng lupa ay bigla na lamang lumitaw ang kakaibang mga naglalakihang mga yelo. Tila buhay na gumagalaw ito at kitang-kita kung paano'ng naging hugis lotus ito.

"Nagpapatawa ka ata Little Devil hahaha! Kahit ano'ng klaseng defense skill ang gawin mo ay hindi mo mapipigilan ang atakeng gagawin ko!" Kumpiyansang sambit ni Clouded Axe na nakangising demonyo.

BANG! BANG! BANG! BANG!

Hindi mabilang na mga malalaking palakol ang patungo kay Wong Ming.

Halos wala ng makita ang mga nanonood na mga disipulo maging ng mga guro.

Mabilis na nawala ang mga usok at laking gulat ng lahat nang wala man lang nagkaroon ng crack ang nasabing depensa ni Little Devil.

Napangiti na lamang si Clouded Axe. Inaasahan niyang mangyari ito ngunit mayroon pa ding parte ng utak niya na nagtataka.

Bigla na lamang nag-cast muli ng martial arts skill si Clouded Axe dahil hindi niya matanggap na nawalan ng saysay ang paunang mga skill niya.

Core Skill: Killing Axe!

Kitang-kita ng lahat kung paanong nagbago ang awra ni Clouded Axe at masasabing naging mabigat ang mga enerhiya sa buong kapaligiran.

Ramdam ni Wong Ming na may kakaiba sa kalaban niya

Kitang-kita niya kung paanong mabilis na naging isa ang napakaraming mga palakol.

BANG!!!!

Isang napakalakas na pagsabog ang naganap matapos tumama sa kinaroroonan ni Wong Ming ang atake ng kalaban niya dahilan upang mapatalsik siya sa kinaroroonan niya.

Nagulat naman ang lahat lalo na ang mga guro nang masaksihan ito.

"Ano'ng laban ni Little Devil kay Clouded Axe na higit na nakakalakas ito sa kaniya!"

"Kayang gumamit ni Clouded Axe ng napakalakas na skill!"

"Isang core skill yun kung hindi ako nagkakamali! Pareho kaya kami ng sandatang gamit!"

Ito na lamang ang narinig ni Wong Ming lalo na at halos ang lahat ay nagkaroon ng malaking interes sa labanang ito.

Ngunit hindi nagpaapekto si Wong Ming.  Kahit ininda niya ang sakit ng pagkakatalsik niya ay mabilis pa rin siyang bumangon.

Mabilis na lumipad si Wong Ming sa ere. Hindi siya maaaring matalo ngayon. Kailangan niyang magkaroon ng pwesto sa Trial Rankings na ito.

Mabilis siyang nagsagawa ng pambihirang martial arts skill.

Core Skill: Ice Sword Needle!

Mula sa ere ay lumitaw ang isang kakaibang espada na nababalutan ng makapal na yelo.

"Heh! Nagpapatawa ka ba Little Devil? Hindi kailanman mananalo ang espadang yan sa sandatang meron ako, sumuko ka na lamang!" Seryosong saad ni Clouded Axe.

Sa isang iglap ay bigla na lamang pinatama ang dambuhalang espada ni Little Devil patungo sa kinaroroonan ni Clouded Axe.

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na pagsabog ang naganap at kitang-kita kung paanong sumuka ng dugo si Clouded Axe dahilan upang tumalsik ito sa malayo.

Little Devil Wins!

Kitang-kita kung paano napangiti si Wong Ming nang inanunsyo ang katawagan niya. Medyo nahirapan siyang kaharapin ang kalaban niya lalo pa't hindi niya aakalaing may ibubuga din ito.

Isa na rin itong aral sa kaniya na wag balewalain ang bawat kalaban at makakalaban niya sa Inner Disciple Trial Rankings.

Marami pa ang bilang ng mga lumahok na estudyante ngunit alam niyang sa susunod na mga araw ay marami pa siyang makakasagupang mas malakas pa.

...

Kasalukuyan na naririto si Wong Ming sa loob ng manor kung saan siya nakatira. Maging ang lahat ng patakaran ay nabago simula ng mawala na ang pagkabaha-bahagi at naging ganap na Flaming Sun Faction.

Agaran ang pagbabagong naganap. Hanggang ngayon ay hindi nila alam kung ano ang nangyayari. Hindi na rin kasi madalas na makita ni Wong Ming ang mga nangungunang guro dahil na rin siguro sa mga nangyayaring pagbabago.

Napag-isipan ni Wong Ming na magcultivate na muna lalo pa't kailangan niyang maging handa sa susunod na mga araw.

Ipinagbibigay-alam kasi ng mga guro na mayroong magaganap na pagbabago sa Trial Rankings upang masigurong ang mananalo ay karapat-dapat na maihalal bilang mga bagong inner disciple ng Flaming Sun Guild.

Hindi naman makapaniwala si Wong Ming maging ang iba pang mga natitirang manlalahok na kapwa niya disipulo. Sigurado siyang maging ang mga ito ay naghahanda na rin kaya hindi rin siya magpapahuli.

Kahit sabihin pa na may mataas siyang lebel ng cultivation ngunit hindi niya ito dapat na ibunyag sa publiko. Magugulat ang lahat at baka ito pa ang dahilan kung bakit hindi siya makapasok bilang isang inner disciple at ang mas malala pa ay baka patalsikin siya dito sa loob ng Flaming Sun Faction.

Habang nagcu-cultivate si Wong Ming ay bigla niyang naisip na puntahan ang loob ng consciousness niya.

Kailangan niya din kasing magtraining ng matagal at isa rin itong paraan upang maging payapa ang kaisipan niya.

Ngunit gayon na lamang ang gulat niya nang makarating siya sa loob ng consciousness niya.

"Paanong----!" Tila gulat na gulat na wika ni Wong Ming nang may mapansin siyang kakaibang bagay sa sentro mismo ng consciousness niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon