Chapter 2.4

204 23 2
                                    


Sa dami nila ay labinlima lamang ang maaaring mapili bilang Inner Disciples kaya kailangan niyang paghusayan. Hindi lahat ng mga disipulo ay makakatuntong sa hanay ng mga napili at pinili kaya kailangan niyang mag-ingat at paghusayan kung gusto niyang magkaroon ng spot sa gaganaping Trial Rankings.

Sigurado si Wong Ming na kailangan niyang manalo sa One-on-one battle dahil ito lamang ang paraan upang makasali siya sa hanay ng pwedeng makapaglakbay.

WOOOHHHHH! WOOOHHHHH! WOOOHHHHH!

Mga hiyawan at nakakabinging sigawan ng mga estudyante lalo na at nagsisimula na ang nasabing Trial Rankings sa malawak na field na ito.

Mayroong mga disipulo ang nagsimula ng maglaban.

Mga bigating mga disipulo din pala ang mga ito at kasalukuyan na naglalaban ang nasabing magkalaban na courtyard noon na sina Silver Thread at Nile Armor.

Kitang-kita ni Wong Ming kung gaano kahusay ang dalawang outer disciples na ito sapagkat magagaling ang mga ito sa pakikipaglaban.

Bawat galaw kasi ng kamay ni Silver Thread ay mayroong naglalabas ng pilak na hibla ito at patungo ito sa direksyon ni Nile Armor.

Ngunit sa huli ay nanalo si Nile Armor. Talagang malakas ang depensa nito at may dala-dala pa itomg malaking espada na sa tingin ng lahat ay napakatalas ngunit napakabigat.

Marami pang sumunod na laban at dumating na nga ang pagkakataong lalaban si Wong Ming.

Little Devil Vs. Son Dragon

Hindi maiiwasan ng lahat na ikumpara si Wong Ming sa kalaban nitong isang sikat na disipulo.

Hindi maipagkakailang hindi pa rin maiiwasan ang ganitong senaryo lalo pa't hindi naman si Wong Ming nagpakita ng lakas nito sa publiko lalo na sa harap ninuman.

Ang tingin ng lahat sa kaniya ay isa lamang siyang ordinaryong disipulo at di maipagkakailang malakas nga ang makakalaban ni Wong Ming.

Random selection ang nasabing paglalaban na ito at maging ang iba pang mga disipulo.

Nagkatapat na si Wong Ming at ng kalaban nitong si Son Dragon.

"Kung ako sayo ay sumuko na lamang lampa. Sinasayang mo lamang ang oras ko!" Nakangising sambit ni Son Dragon.

"Simulan na natin." Simpleng sagot na lamang ni Wong Ming dahilan upang panlisikan siya ng mata ni Son Dragon.

Isa ito sa pinakamahusay na disipulo kung kaya't nakarinig naman si Wong Ming ng mga hindi kaaya-ayang mga komento mula sa mga kapwa niya disipulo ngunit di niya na lamang pinansin.

"Kung yan ang gusto mo Little Devil... Hehe...!" Nakangising turan naman ni Son Dragon kasabay nito ay ang pagsagawa nito ng martial arts skill.

Skill: Dragon Roar!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong namuo ang isang aninong pigura ng isang dambuhalang dragon sa itaas ni Son Dragon.

Kasabay nito ay mabilis itong sumigaw ng pagkalakas-lakas.

Rinig na rinig ng lahat ang tila atungal ng isang sacred beast na dragon.

Bago pa man makapunta kay Wong Ming ang atake ng kalaban niya ay nagsagawa na siya ng nasabing martial arts skill niya

Skill: Golden Wall!

Isang dambuhala at ginintuang pader ang bigla na lamang lumabas sa kailaliman ng lupa kasabay nito ang pagbundol ng atake ni Son Dragon.

Napaatras si Son Dragon nang makita na hindi naging epektibo ang atake niya at parang gawa sa napakatibay na bakal ang ginintuang pader.

Skill: Dragon Strength!

Kitang-kita ng lahat kung paano nagbago lumitaw ang isang shadow figure ng isang dambuhalang halimaw na dragon sa likuran ni Son Dragon kasabay nito ay ang napakaliksi nitong paggalaw.

Skill: Golden Crane Strength!

Napangiti na lamang si Wong Ming sa loob-loob niya. Hindi kasi maipagkakailang mayroon din siyang pambihirang skill na natutunan noon. Gamit ang skill na ito ay kayang-kaya niyang tapatan ang kalaban niya.

Napakaraming skills ang natutunan niya upang gamitin sa Trial Rankings ngayon at hinding-hindi siya magpapatalo dahil sa kagustuhan niyang maging isang ganap na Inner disciple.

Kasabay ng pagsipa ni Son Dragon ay ang mabilis na pag-iwas ni Wong Ming.

Kumpara sa dragong nasa likod ni Son Dragon ay higit na dambuhala ang shadow figure ng isang ibon sa likod ni Wong Ming.

Halos lahat ng mga naririto ay nabigla maging ang mga guro ay nagulat sa kanilang nasaksihan.

Parang pamilyar kasi sila at dito ay unti-unti nilang inobserbahan ang mga disipulong may potensyal na mag-excell sa Trial Rankings.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Son Dragon ngunit hindi nito inaasahan ang biglang pagkawala ng pigura ni Little Devil.

Kasabay nito ang pagtalsik niya ng sipain ni Little Devil ang likuran niya.

ARRRGGHHHH!

Isang malakas na hiyaw ang pinakawalan ni Son Dragon matapos nitong bumagsak sa lupa.

Napanganga naman ang lahat dahil sa hindi makapaniwalang pangyayaring nasaksihan nila.

Sa isang iglap ay bumangon si Son Dragon na may dugong nakaagos sa labi nito. Siguro ay nadaplisan ito mula sa matinding pagkakabagsak niya.

Kitang-kita kung paanong magngitngit sa galit si Son Dragon. Pakiramdam niya ay napahiya siya. Hindi niya matanggap ito kung kaya't hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at nagsagawa ng pambihirang martial arts skill.

Skill: Yellow Dragon!

Sa isang iglap ay biglang nabuhay ang shadow figure at naging isang malaking dilaw na dragon.

Mabilis na pinasugod ito sa kinaroroonan ni Little Devil.

Hindi naman nagpatinag si Wong Ming sa atakeng ito ng kalaban niya. Ramdam niya ang pagkasaid ng enerhiya nito kung kaya't nasisiguro niyang mananalo siya ngayon.

Skill: Myriad Figures!

Sa pamamagitan nito ay kitang-kita kung paanong biglang nagkaroon ng afterimages ni Little Devil.

Kahit ang mga nanonood ay tila nalito sa kakaibang skill na ipinamalas ni Wong Ming. Masasabing hindi nila matukoy kung saan ang tunay nitong katawan.

Sinubukan pa ni Son Dragon na atakehin si Little Devil ngunit hindi niya mahuli-huli ang mortal na katawan ng binata

BANG!

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Wong Ming sa mukha ng kalaban niyang si Son Dragon dahilan upang tumalsik itong muli ng ilang metro.

Little Devil Wins!

Inanunsyong panalo si Wong Ming. Hindi maipagkakailang pinagtitinginan pa rin siya ng mga disipulong naririto. Sigurado kasi si Wong Ming na nasa mata at listahan na siya ng mga disipulo na nais hanapan siya ng kahinaan.

Lahat ng mga disipulong naririto ay posibleng makalaban niya o makalaban siya kung kaya't kailangan niyang mag-ingat at magmatyag din.

Meron namang mga disipulo na sa tingin niya ay hindi siya pinagkainteresan o tinapunan ng tingin. Alam niyang mas marami pang malalakas na mga disipulo na maaari niyang makalaban at pakaingatan na talunin mamaya.

Hindi mapigilan ni Wong Ming na makaramdam ng excitement lalo pa't nais niyang may makalaban na angkop sa lakas na meron siya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Where stories live. Discover now