Chapter 1.15

147 21 3
                                    

Gamit ang espadang kulay pula na hawak ng dating Crowned Prince. Mabilis niyang pinabulusok ito patungo sa direksyon ni Little Devil.

SHAAAAAAHHHHH!!!!!!

Ang pinuntiryang puso ng binata ay bigla na lamang itong lumihis ang katawan dahilan upang mapinsala nito ang tagiliran ng binata.

AHHHHHHH!!!!

Napahiyaw sa sakit si Wong Ming. Pakiramdam niya ay hindi siya makagalaw. Nanunuot sa katawan nito ang labis na sakit lalong-lalo na kung paano gumagalaw ng mabilis ang bawat ugat na nakatanim sa iba't-ibang parte ng balat nito.

Gustuhin man niyang gumalaw ay mukhang hindi magandang ideya iyon. Isang maling pagkakamali niya na nabitag siya ng simpleng taktika ng kalabang halimaw kanina.

Isa... Dalawa... Tatlo hanggang hindi mabilang na mga hiwa ang natamo ng manipis na balat ni Wong Ming ang mga pag-atakeng ito ng dating Crowned Prince.

Hindi siya nito tuluyang pinaslang kundi ay unti-unti siya nitong pinipinsala gamit ang taktikang magpapahirap sa kaniya ng paunti-unti.

Torture ito para kay Wong Ming. Masyadong tuso at mapanlinlang ang dating Crowned Prince. Mukhang matagal at pinag-isipang mabuti ng pesteng prinsipe ang gagawin nito. Ayaw niya ng ganitong klaseng pakiramdam at sitwasyon.

"Hahaha... Ano ka ngayon bubwit? Mukhang wala ka ng kawala ngayon. Hindi ko aakalaing sa aking mga kamay pa rin pala ang bagsak ng basura mong buhay!" Mapanghamak na turan ng  dating prinsipe. Purong pangmamaliit ang lumalabas sa bibig nito.

Tiningnan ni Wong Ming sa mga mata ang nakangising demonyong mukha ng dating Crowned Prince. Wala pa ring pagbabago sa ugali nito, mas lalo pa nga sumama.

Magiging balakid sa plano niya ang hatid na presensya ng naging bangungot ng buhay niya noon.

Pinantayan ni Wong Ming ang kademonyohang mukha ng prinsipe. Humalakhak ito ng malakas na siyang dahilan upang mapawi ang ngisi sa mukha ng dating Crowned Prince.

"HAHAHAHA...! Mukhang nagkakamali ka ata ng kinalaban sa una pa lamang mahal na prinsipe. Hindi ko aakalaing ikaw rin ang maghahatid sa sarili mo sa hukay!" Malakas na sambit ni Wong Ming at kitang-kita kung paanong biglang nagtalsikan ang mga maliliit na buto maging ng mga halamang gumagalaw-galaw matapos itong mangalaglag sa lupa.

Nanlaki ang pares ng mga mata ng dating Crowned Prince.

"Hi-hindi maaari ito!!!" Malakas na wika ng dating prinsipe na kitang-kita ang pagsisisi sa ginawa nitong di pagkitil ng buhay ng nasabing Little Devil na ito.

Nagulat na lamang si Wong Ming nang makitang biglang tumaas ang awra maging ng enerhiyang nasa katawan ng kalaban nito.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong bumalik ng kusa sa kamay ng dating Crowned Prince ang kulay pulang espada.

Tila buhay ang espadang ito at tila ba nakaramdam ng kakaiba si Wong Ming.

Panganib

Iyon ang nararamdaman niya nang mapunta ang buong atensyon niya sa espada.

His demonic energy began to surge. Kitang-kita ni Wong Ming na tila nabubuhayan siya ng loob kahit na nasa oras siya ng panganib.

Ang mga sword needles na nakalutang sa kinaroroonan niya ay biglang nabalot ng tubig at naging isang mahabang espada.

"Magaling, magaling... Hindi ko aakalaing mayroon kang kaalaman pagdating sa Water Skill ngunit mukhang hanggang dito ka na lamang bubwit!" Mapanghamak na saad ng dating Crowned Prince kay Little Devil.

Sa isang iglap ay nawala na lamang sa kinaroroonan nito ang dating Crowned Prince at kitang-kita ni Wong Ming kung paano biglang umalpas ang presensya nito sa likuran niya.

BANG!

isang malakas na pagsabog ang naganap.

Mabuti na lamang at natunugan ni Wong Ming ang nasabing atake ng kalaban niya dahil kung hindi ay baka napano na siya.

Akala ni Wong Ming ay hanggang doon lamang iyo ngunit nagkakamali siya.

TAH! TAH! TAH!

Tatlong malalakas na tadyak ang nagpatalsik kay Wong Ming nang mahagip siya ng kaliwang paa ng dating Crowned Prince.

SLAAAHHHHHH!

Isang mahabang linya ang gumuhit sa hita ni Wong Ming nang mahagip siya ng dulong bahagi ng talim ng pulang espada ng dating Crowned Prince.

Hindi ito inaasahan ni Wong Ming. Ang buong akala niya ay bibigyan siya ng pagkakataon ng kalaban ngunit masyado itong mabilis.

Doon niya napansin na nakasuot ang dating Crowned Prince ng isang kakaibang boots.

Isa itong pambihirang artifact kung di siya nagkakamali.

Nanghihina pa rin talaga si Wong Ming at hindi niya masabayan ang mga galaw nito sa pag-atake.

Walang dudang mataas ang cultivation rank niya ngunit marami ang nangyari at pangunahing nagpahina sa kaniya ay ang buhay na halaman na palihim na inilagay sa katawan niya ng kalaban nito kaninang halimaw.

Kailangan niyang magpakatatag kung gusto niya pang mabuhay pagkatapos ng kalbaryong ito.

TING! TING! TING!

Rinig na rinig sa buong lugar na ito ang pagsalpukan at pagkiskisan ng mga metal. Resulta ito ng patuloy na pagsangga ni Wong Ming sa atake ng kalaban nito.

"Sumuko ka na bubwit. Kung ako sa iyo ay magmakaawa ka sa harapan ko at palagay ko naman ay maaawa ako sa'yo hahahaha!" Nakangising demonyong sambit ng dating Crowned Prince na tila nag-iisip.

"Mukhang di na bago ang taktika mong iyan Crowned Prince. Di mo ko mauuto!" Seryosong saad naman ni Wong Ming habang pilit na dinedepensahan ang sarili mula sa sandata ng kalaban niya.

CLANG!

Isang malakas na pagwasiwas ang ginawa ng Crowned Prince dahilan upang mapatalsik si Wong Ming sa pwesto nito.

BLAGGGGGGG!

Kitang-kita ang kalunos-lunos na kalagayan ni Wong Ming habang kasalukuyan itong hinang-hina na nakahandusay sa lupa.

PUFFF!

Kitang-kita kung paanong lumitaw bigla sa kinaroroonan nito ang dating Crowned Prince. May malademonyo itong ngisi na nakapaskil sa mukha nito.

"Hanggang dito ka na lamang binata. Matagal na kitang dapat pinaslang!" Seryosong sambit ng dating Crowned Prince. Isang malakas na paghampas ang ginawa nito kay Little Devil.

BAHHHHH!

Umalingawngaw ang tunog ng pagwasiwas ng espada ng kalaban ni Wong Ming.

TICK!

Ngunit kasabay nito ay ang tuluyang pagbago ng dalawang kamay maging ng mga braso ni Wong Ming.

Napaatras ang dating Crowned Prince habang nanlalaki ang mga mata nito.

"Ano'ng kademonyohan ang meron ka Little Devil. Hindi maaari ito, kamay at ng isang elemental demon yan!" Tila hindi makapaniwalang sambit ng dating Crowned Prince.

CLANG! CLANG! CLANG!

Patuloy sa pag-atake ang dating Crowned Prince ngunit mukhang hindi ito nagtatagumpay na pinsalain ng tuluyan si Wong Ming.

RAHHHHH!

Gamit ang kakaiba ngunit nakakatakot na kaliwang kamay ni Wong Ming, hinablot nito ng walang pag-aalinlangan mula sa talim ang pulang espada ng kalaban.

BANG!

Sa isang iglap ay biglang nabali ang pulang espadang hawak-hawak ng kalaban nang mahawakan ito ng mahigpit ni Wong Ming.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon