Chapter 1.13

182 21 0
                                    


Isang malakas na sipa ang pinakawalan ni Wong Ming nang marating nito ang likuran ng kalaban niya at napatalsik ito ng marahas sa malayo.

TAH! TAH! TAH!

Kitang-kita kung paano nangabali ang mga puno ng kahoy na nahagip ng katawan ng halimaw.

RRRR! WOOO!

Kitang-kita kung paanong binalanse ng halimaw ang katawan nito at pumatong ang katawan nito ng maayos sa isang malaking sanga ng puno.

Namumula ang mga mata nito na matalim na nakatingin sa direksyon ni Wong Ming.

"Isa kang golden vein realm expert, grrr!" Galit na galit na wika ng halimaw na leaf vine plat beast.

Ramdam niya na halos kapantay niya ng lakas ang pesteng lalaking binata na mula sa lahi ng mahihinang nilalang na tinatawag na tao.

"Mabuti at alam mo halimaw. Wag kang pangahas, hindi porket mahina ang lahing pinagmulan ko ay hindi kita mapapaslang!" Seryosong sambit ni Wong Ming habang pinasadahan ng nakakalokong tingin ang pesteng halimaw na ito.

"Magkakasubukan tayo ng lakas ngayon. Hinding-hindi mo ko mapapaslang hahaha!" Saad ng halimaw sa nakakatakot nitong boses.

Nanlaki ang mata ni Wong Ming nang mapansin ang tila paghilom ng biglaan ang mga pasa nito sa katawan.

Hindi naman nagulat si Wong Ming sa pangyayaring ito. Natural na abilidad ito ng Leaf Vine race o kung ano pa magical plant beasts.

GWARRRRR!

Naramdaman na lamang ni Wong Ming na bigla na lamang siyang umangat pataas habang mayroong pumulupot sa mga paa at kamay nito na malalaking mga uri ng baging.

Sinubukan ni Wong Ming na pumalag at kalagan ang sarili niya mula sa mahigpit na pagkakapulupot sa kaniya ngunit tila humihigpit pa ito.

ARRRGHHHH!

Malakas na hiyaw ni Wong Ming nang mapansin niyang tila marahas na ibabagsak siya ng halimaw.

TAH! TAH! TAH!

Mabilis na lumitaw at pinagpipigtas ng mga sword needles ang mga pumulupot na baging na siya namang nagpakawala kay Wong Ming.

Ngunit hindi inaasahan ni Wong Ming na may pumulupot na malaking baging sa tiyan nito.

Unti-unting binalutan ng napakaraming mga baging si Wong Ming at tila naging hugis bilog na malaking kulungan ang mga baging.

"Hahahaha... Katapusan mo na binata. Hindi ka na makakalabas ng buhay sa mismong kulungang ginawa ko sa'yo!" Masayang sambit ng nakakatakot na boses kay Wong Ming.

Walang emosyong tiningnan ni Wong Ming ang kalaban nito at mabilis na ginamit ang Sword Needles niya upang hatiin ang mga baging na tila kumukulong sa kaniya.

Parang normal na baging lamang ito kung titingnan ngunit nang subukan ni Wong Ming na pinsalain ito gamit ng kaniyang sariling sword needles ay bigla na lamang...

TING! TING! TING!

Nagmistulang hindi tinatablan ng sword needles niya ang nasabing pabilog na kulungang ito.

"Paanong nangyari ito? Hindi ito maaari!" Seryosong wika ni Wong Ming habang nagtataka. 

Mataman nitong tiningnan ang kalaban niya. Buti na lamang at malaya siyang nakakagalaw sa pabilog na kulungang ito at talagang pinaghandaan siya ng pesteng halimaw na ito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Mayroong tatlong nilalang ang bigla na lamang lumitaw sa hindi kalayuan mula sa kulungang kinalalagyan ni Wong Ming.

Hindi pamilyar kay Wong Ming ang mukha ng mga ito lalo pa't hindi naman talaga niya kilala ang mga ito.

Maya-maya pa ay tila nalusaw ang mga mukha nito habang nakatingin sa direksyon niya.

Nanlaki ang mga mata ni Wong Ming. Ang nasa gitnang nilalang ay alam na alam niya kung sino ito.

Ngunit kakaiba na ang kaanyuan nito at tila naagnas ang kalahating katawan nito dahil tila nasunog ito at namumula. Ang kaliwang mata nito ay kapansin-pansin ang pamumula at tila hindi ito mata ng isang tao kundi isang halimaw.

"Crowned Prince?!" Tanging naiusal ni Wong Ming.

Paano niya makakalimutan ang mukha ng sumira sa kahariang payapa nilang tinitirhan noon.

Hindi niya aakalaing hindi pa rin ito sumusuko at tila naging bangungot na ito na sunod ng sunod sa kaniya dahil hanggang dito ba naman sa Old Amity Farm ay nasundan pa rin siya.

Ang dalawang kasamahan nito ay tila kakaiba din ang presensya at nagbago din ang mukha ng mga ito.

"Buti naman Little Devil ay hindi mo pa rin ako nakakalimutan. Akala mo ba ay mapapaslang mo ang isang katulad ko na mabuting damo?!" Sarkastikong turan ng nasa gitnang nilalang na walang iba kundi ang dating Crowned Prince ng nawasak na lungsod.

"Mabuting damo? Kailan ka ba gumawa ng mabuti Crowned Prince?! Yan ba ang kaanyuan mo na pilit nagpapalakas kahit hindi naman talaga hahaha!" Panghahamak ni Wong Ming upang asarin ang pesteng dating prinsipe ng Sky Flame Kingdom.

"Wag mo kong asarin Little Devil. Alam kong tuso ka kung kaya't iba na mismo ang pinalaban ko sa'yo. Hindi ako papayag na ako na lamang ang palaging talunan sa ating dalawa hahaha!" Nakangising demonyong tugon ng Crowned Prince habang napahalakhak pa ito ng malakas sa huli.

"Buti alam mo na mahina ka pa rin hahaha... Ganon ba ako kahirap talunin mahal na prinsipe? Hehe..." Sarkastikong turan ni Wong Ming habang napangisi pa ito sa huling sinabi nito.

"Hindi na ako ang dating Crowned Prince na mahina Little Devil. Ikaw ang dahilan ng pagbagsak ko. Kulang pa ang buhay mo para pambayad sa kasalanan mo sakin!" Nanggagalaiting ani ng dating Crowned Prince ng nawasak na Sky Flame Kingdom.

"Dahil din yun sa kagagawan mo pesteng prinsipe. Sinayang mo lamang ang lahat ng pinagpaguran ng angkan mo lalong-lalo na ng mga magulang mo hahaha!" Malademonyong sambit rin ni Wong Ming habang nakatingin sa direksyon ng dating Crowned Prince. Hindi siya nako-konsensya sa ginawa niya noon, nararapat lamang na isuplong ang masamang pag-uugali at gawain ng prinsipeng ito na makasarili.

Hindi nito pinahalagahan ang mga bagay na tinatamasa nito noon at tila hanggang ngayon ay sa kaniya pa rin talaga isinisisi ang masamang sinapit ng nawasak na kaharian ng Sky Flame Kingdom.

"Mag-uusap nalang ba kayo ng pesteng binatang iyan, ginoo?! Hindi ko hinuli ang pesteng lalaking iyan ng libre. Ibigay mo na sa akin ang hinihingi kong kapalit!" Sambit ng evil cultivator na halimaw na baging. Kitang-kita kasi na hindi na ito natutuwa dahil parang naisantabi ang papel niya rito.

Tiningnan naman ng masama ng Crowned Prince ang pesteng nilalang at nagwika.

"Kahit kailan talaga ay panira ka talaga. Kung hindi ka lang miyembro ng Red Skull Alliance ay pinulbos na kita kanina pa!" Inis na wika ng Crowned Prince habang matalim itong tumingin sa gawi ng ka-miyembro nito.

Napangisi na lamang si Wong Ming ng malawak lalo pa't hindi niya aakalaing magkasabwat ang dalawang nilalang na ito.

SHA! SHA! SHA!

Rinig na rinig ng mga nilalang na naririto na siyang mga kalaban ni Wong Ming ang pagkapira-piraso ng mga naglalakihang mga baging na nagsisilbing kulungan ni Wong Ming.

Napatingin ang mga ito sa gawi ni Wong Ming habang nanlalaki ang mga mata nito sa kanilang nakikita.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Where stories live. Discover now