Chapter 2.15

210 18 2
                                    


Isang linggo ang nakalilipas at ito siya ngayon, tuluyan na niyang lilisanin ang Flaming Sun Faction.

Hindi sukat akalain ni Wong Ming na sa pagtatapos ng Trial Rankings para sa mga bagong tanghal na mga Inner Disciples ay makakapasok siya bilang Top 9 ng nasabing paligsahan.

Sino ba naman siya hindi ba? Ang nasabing kompetisyon ay gusto niyang makapasok sa Top 20.

Mabuti na rin iyon dahil nagbunga lahat ng pagsisikap niya. Ngayon ang alis ng halos lahat ng mga Inner Disciples at obligadong umalis ang nakapasok sa Top 100 na mga bagong hirang na mga Inner Disciples.

Kahit na sa labas sila ng nasabing faction ay hindi magdadalawang-isip na maraming benepisyo ang makukuha niya habang nabubuahy siya.

It will always be his second home. Iyon ang tumatak sa isipan niya noong panahon ng selebrasyon noong nakaraang linggo.

Sa lahat ng mga bagay na pinagdaanan niya maging ang pagpasok niya sa loob ng faction na ito ay hindi niya pinagsisisihan bagkus ay mas pinahalagahan niya pa ang mga bagay na meron siya ngayon.

Naniniwala siyang hindi siya pinabayaan ng Flaming Sun Faction at ito pa ang naging sandigan niya mnoong panahong bumalik siya sa kalapit na siyudad ng Dou City.

Masasabi niyang mami-miss niya ang lugar na ito. Halos lahat ng dapat niyang matutunan ay natutunan niya na.

Dito na rin magsisimula ang bagong yugto ng buhay niya na kasama ang misyon niyang alamin at puksain ang ugat ng kaguluhan sa loob ng Dou City.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng kaniyang tinutuluyang manor ay natanaw niya sa hindi kalayuan ang pigura ng limang nilalang.

Parang tumambol naman ang dibdib ni Wong Ming lalo pa't hindi ordinaryong nilalang ang patungo sa kinaroroonan niya.

...

"Hindi ko aakalaing nagmula ka sa loob ng Dou City." Ito ang paunang bungad ni Faction Master Zhiqiang habang matiim na nakatingin sa kaharap nitong si Wong Ming.

Nasa loob sila ng manor ni Wong Ming at ng Faction Master.

Nasa labas lamang ang tatlong Faction Vice Masters at si Punong Maestro Duyi.

Ewan ba ni Wong Ming ngunit mukhang may alam na ang Faction Master patungkol sa katauhan niya.

"Ano po ang ibig niyong sabihin Faction Master??" Ang tanging naisambit na lamang ni Wong Ming lalo pa't hindi niya gustong itanggi o kumpirmahin ang sinabing ito ng Faction Master.

Alam niyang hindi niya kayang magsinungaling sa harap ng isang magiting na nilalang kagaya ng Faction Master Zhiqiang nila.

Ramdam niyang may kung ano'ng klaseng layunin ang nasabing Faction Master nila kung bakit ito pumunta rito.

"Ikaw ang Little Devil na tinutukoy na binalita noon hindi ba? Kung tama ako ay ikaw ang nangungunang estudyante ng Cosmic Dragon Institute hindi ba?! Hindi lamang iyon, alam ko rin na may kaugnayan ka sa Feathers Guild." Seryosong turan ni Faction Master Zhiqiang na animo'y siguradong-sigurado.

Tila nanuyo naman ang lalamunan ni Wong Ming sa sinabing ito ng kanilang Faction Master. Hindi niya aakalaing bibigyan siya nito ng atensyon.

Nag-iisip si Wong Ming. Hindi niya kailangan na magsinungaling sa sinabing ito ng Faction Master Zhiqiang. Naniniwala siyang wala itong kaugnayan sa nasabing Red Skull Alliance.

"Hindi ko kailangang itanggi pa ang sinabi mo Faction Master Zhiqiang. Ngunit hindi naman siguro iyan ang ipinunta mo rito hindi ba?!" Seryosong saad ni Wong Ming upang kumpirmahin ang lahat ng sinabing ito ng faction master nila at ipahayag ang katanungan patungkol sa gustong ipunto ng nasabing may mataas na katungkulan na ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Where stories live. Discover now