Chapter 1.14

160 25 3
                                    

"Grrr, paano ka nakawala sa ginawa kong matibay na kulungan?!" Tanong ng halimaw na baging sa nanggagalaiti nitong boses. Kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang paslangin ang binatang nilalang na ito.

"Ewan ko. Mukha atang hindi matibay yang mga baging mo." Mapanghamak na saad ni Wong Ming na kitang-kita na natutuwa siya sa reaksyon ng nasabing halimaw.

Magsasalita na sana ang nasabing halimaw nang biglang nagsalita ang bagong dating na nilalang.

"Tsk! Kahit kailan talaga ay puro ka pa rin kapalpakan. Napakahina mo pa rin!" May diing sambit ng Crowned Prince.

Mabilis na tiningnan nito ang nasabing kasamahan nito at napadako ang tingin niya sa nasabing halimaw.

Tila nataranta naman ang nasabing halimaw at kitang-kita ang panlalaki ng mga mata nito.

"Ano'ng gagawin niyo sa akin? Hindi ito maaari!" Nanginginig na saad ng halimaw habang kitang-kita na natakot ito sa hindi mawaring dahilan.

"Wala ka ng silbi para sa Red Skull Alliance, mahinang halimaw. Iligpit niyo na yan!" Malakas na sambit ng Crowned Prince sa paraang pautos sa mga kasamahan nito.

Napatango ang mga ito sabay yuko at matalim na tiningnan ang kinaroroonan ng nasabing halimaw.

"Hindi pa tayo tapos Crowned Prince. Humanda ka sa akin sa  susunod. Mali ka ng kinalabang hayop ka!" Sambit ng nasabing halimaw kasabay nito ay mabilis itong nagpalit ng anyo bilang isang mahabang baging at tila dumadaan ito sa ibabaw ng lupa.

Sinundan naman ito ng dalawang kasamahan ng dating Crowned Prince at natira na lamang ay siya dito ay siya at si Wong Ming.

"Hanggang ngayon ay matapang ka pa rin munting bubwit. Lumaki ka man ngayon ay mananatili ka pa ring alipin ng dating kaharian namin!" Sambit ng Crowned Prince na may pangmamaliit sa tono ng pananalita nito.

"Wala na ang kahariang tinutukoy mo dating Crowned Prince. Bumagsak na nga ang kaharian niyo maging ang ama mo ay namayapa na ngunit di pa rin nagbabago ang kagaspangan ng ugali mo!" Seryosong saad naman ni Wong Ming habang kakikitaan ng panghahamak sa tono ng pananalita nito.

Nanlaki naman ang mga mata ng Crowned Prince at kitang-kita kung paanong nagbago ang emosyon nito.

Ngunit nagulat si Wong Ming nang bigla na lamang tumawa ng napakalakas ang dating Crowned Prince ng Sky Flame Kingdom.

"GWAHAHAHAHA Hindi pa dito natatapos Little Devil ang mga plano namin na pabagsakin at angkinin ang buong lupain ng Dou City! Maghintay ka lang sa muling pagbabalik ng karangalan ng kaharian namin BWAHAHAHA!!!" Parang nababaliw na turan naman ng dating Crowned Prince sa sinabi ni Wong Ming.

Nakaramdam naman ng pangamba si Wong Ming. Hindi malayong hindi pa rito natatapos ang delubyo na sasapitin ng Dou City.

Alam niya ang kakayahan ng Red Skull Alliance at hindi niya pa nasaksihan kung ano ang naging kalagayan ng mga mamamayang naninirahan sa loob ng Dou City ngunit kung ano ang kalagayan sa kasalukuyan ng nasabing siyudad ay bunga ito ng panghihimasok ng mula sa labas lalong-lalo na ng mga miyembro ng Red Skull Alliance.

Napatahimik na lamang si Wong Ming lalo pa't walang dudang alam ng dating Crowned Prince ang pinaplano ng Red Skull Alliance sa Dou City. Ngunit naniniwala siyang may kakayahan ang mga itong gumawa ng matinding karahasan at mga kasamaan sa gusto nilang puntiryahing lugar.

"Ngunit mukhang di na ko makapaghintay na paslangin ka lalo pa't alam mo na ang sikretong ito. Sa oras na ito ay pangunahing target ka na ng Red Skull Alliance. Hindi ka makakatakas sa kamatayang naghihintay sa'yo bubwit nyehehehe!" Natutuwang wika ng dating Crowned Prince na tila may gustong ipahiwatig na babala.

"Hindi ako natatakot sa'yo dating Crowned Prince. Naririto tayo sa Old Amity Farm at sisiguraduhin kong mapapaslang na kita ngayon din!"  Sambit ni Wong Ming sa nanggagalaiting boses.

Lumitaw muli sa kinaroroonan ni Wong Ming ang sampong Sword Needles. Bigla itong pumulupot sa kanang kamay nito at pinabulusok patungo sa kinaroroonan ng dating Crowned Prince.

Kitang-kita ni Wong Ming na nakatayo lamang ang nasabing dating Crowned Prince.

Ilang pulgada na lamang ang layo ng mga Sword Needles patungo sa kinaroroonan ng dating Crowned Prince ngunit bigla na lamang napasuka ng masaganang dugo si Wong Ming.

BANG! BANG! BANG!

Pumutok at nangabasag ang mga sword needles sa lupa. Hindi alam ni Wong Ming ang nangyayari sa kaniya. Pakiramdam niya ay nanghihina siya.

"Hahahaha... Yan ang napapala ng isang katulad mong mahina bubwit. Tama lang na ginamit ko ang mahinang halimaw na iyon para sa plano kong ito ngayon. Sisiguraduhin kong mapapaslang na kita ngayon!" Sambit ng dating Crowned Prince.

Isang mahabang espadang kulay pula ang bigla na lamang lumitaw sa kamay mismo ng dating Crowned Prince.

Nanlalabo man ang paningin ni Wong Ming ay alam niyang hindi ordinaryong espada ang hawak ng nasabing kalaban niya.

Malamang sa malamang ay galing ito sa mismong Red Skull Alliance. Isang forbidden sword ito at ramdam niya kung gaano kauhaw sa enerhiya ang nasabing sandata kung kaya't nakaramdam ng matinding panganib si Wong Ming.

ERRRKKKKKK! ERRRKKKKKK! ERRRKKKKKK!

Napakasakit sa tenga ng tunog ng mismong talim ng espadang sumasayad sa lupa.

"Katapusan mo na bubwit, paalam!!!! nyahahaha!"

Mula sa malabong paningin ni Wong Ming ay Kitang-kita niya ang pagtalon ng mataas sa ere ng dating Crowned Prince.

TAH!

ISang malakas na tunog ang umalingawngaw sa paligid kasabay nito ay ang panlalaki ng mga mata ng dating Crowned Prince.

Kitang-kita niya kung paanong nagbago ng tuluyan ang mismong braso ng binatang si Little Devil. Parang hindi ito sa tao kundi ay parang braso ito ng isang halimaw.

BANG! BANG! BANG!

Mukhang hindi nito inaasahan ang panlalabang ginagawa ni Little Devil dahilan upang mapatalsik ito sa malayo.

Bumangon ang dating Crowned Prince habang si Wong Ming ay nakatukod ang mga kamay nito sa lupa na tila hingal na hingal.

"Saan mo nakuha ang abilidad mong iyan Little Devil. Hindi ko aakalaing hindi lamang ako ang may madilim na sikreto dahil maging ikaw rin ay ganon din pala hahahah!" Natutuwang saad ng dating Crowned Prince habang nakatingin ito sa kinaroroonan ni Little Devil.

Nanatiling nakayuko si Wong Ming at kitang-kita ang hirap sa mukha nito. Ang katawan nito ay unti-unting makikita ang tila tumutubong mga mumunting halaman.

"Kaya pala ang tahimik mo. Mukhang hindi ka na makakagalaw pa binata at unti-unti ng pinapatay ng mga buhay na halaman ang katawan mo. Masyado ka kasing nagmamagaling, buti nga sa'yo hahahaha!!!" Nasisiyahang turan ng dating Crowned Prince. Natutuwa itong makitang nagdurusa ang dating bubwit na sumira ng mga plano niya noon.

Alam kasi nito na kukunin ng mga buhay na halamang tumutubo ang lahat ng enerhiya sa katawan ng binatang ito hanggang sa mawalan na ito ng lakas at buhay. Sa gayon, siya mismo ang papaslang at pupugot ng ulo ng Little Devil na ito. Hindi niya aakalaing sa wakas ay mapapaslang niya na rin ng tuluyan ang batang nangialam sa mga plano niya.


IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon