Chapter 1.11

157 20 1
                                    

Papalubog na muli ang haring araw at masasabi ni Wong Ming na tila masyadong tahimik ang buong araw niyang paglalakbay sa loob ng Old Amity Farm.

Napakalawak pala ng nasabing gubat at masasabi niyang hindi nasayang ang pagsali niya rito at may nakita siyang ilang mga rare herbs. Hindi man iyon makakatulong ng malaki sa pag-unlad niya sa kaniyang sariling lebel ng cultivation ngunit magagamit niya naman ito sa oras ng pangangailangan.

Masuwerte siya kung tutuusin ngunit ang ibang mga kapwa niya disipulo ay marami ang hindi pinalad.

Wala siyang alam kung sino ang mismong may pakana nito o namumuno sa malakihang pagsakalakay at pagpatay ng maraming mga disipulo ngunit mayroon na siyang malaking clue kung sino-sino ang mga ito. Walang iba kundi ang East Courtyard Outer Disciples.

Halos wala siyang makitang grupo o disipulo man lang ng ganitong courtyard. Talagang naplanuhan na talaga.

Tu-tulong! T-tungan n-niyo ko!

Rinig ni Wong Ming sa hindi kalayuan ang impit na sigaw ng isang boses babae na animo'y kinakailangan nito ng nasabing atensyon.

Napukaw naman ang atensyon ni Wong Ming sa tila humihingi ng tulong kung kaya't dali-dali siyang tumakbo patungo sa pinanggalingang direksyon ng nagpapasaklolong kung sinuman.

Malapit ito sa medyo may kalakihang ilog bgunit napakayabong ng mga puno.

Nakita ni Wong Ming ang nasabing babaeng nakita niyang nakahandusay at tila may mga pasa-pasa sa katawan. Sa tingin nga niya ay ilang araw na itong walang ligo. May mga butas na rin sa damit nito ngunit di naman ganoon kalala ngunit may hawak itong balabal na medyo may kahabaan sa parteng leeg.

Mabilis na tinulungan ni Wong Ming na tumayo ang nasabing babaeng ilang taon lamang ang tanda sa kaniya.

"Maraming salamat ginoo. Kung hi-hindi da-dahil s-sayo ay baka napano na ko." Malumanay na boses ng nasabing babae. Base sa kaanyuan nito ay masasabi niyang bata pa ito ngunit matanda lang sa kaniya ng ilang taon.

"Walang anuman binibini, bakit ka napadpad rito sa masukal na parte ng lugar na ito?!" Seryosong tanong ni Wong Ming.

Nagulat na lamang siya nang yumuko ang nasabing gusgusing babae at pagkaharap nito sa kanyang gawi ay kitang-kita niya ang isang maliit ngunit mahabang patalim na pabulusok sa kaniya.

TAH!

Nanlalaki ang mga mata ni Wong Ming na nakatingin sa dalaga na animo'y hindi na nito maisip na ilagan ito.

"Isa na namang lampang disipulo ang napaslang ko--- huh paano ito nangyari?!" Pang-iinsulto ng gusgusing dalaga ngunit nagulat ito sa biglang nangyari nang mapansin niya ito. Hindi nito aakalaing siya pa ang nauto sa sarili nitong kagagawan.

Paano ba naman ay tumagos lamang sa noo ni Wong Ming ang nasabing patalim na pampaslang sa kaniya.

"Paanong------!" Ulit pa ng dalaga na Hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin sa nangyari.

Inilibot ng gusgusing dalaga ang tingin nito buong kapaligiran hanggang sa dumako ng tingin nito sa hindi kalayuan.

Kitang-kita niya ang binatang dapat sana ay nasaksak niya na ngunit hindi niya aakalaing may tinatagong galing ang binatang ito upang mailagan ang sneak attack niya.

"Magaling binibini. Hindi mo siguro aakalaing hindi mo man lang ako nagalusan. Nagulat ka ba?!" Nakangising wika ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi ito papatalo.

Ngunit biglang tumalim at nagbago ang kaanyuan ng dalaga.

Kitang-kita ni Wong Ming ang buong pangyayari. Isang pagbabalat-kayo ang ginawa ng dalagang ito.

Kung ibang lalaki siguro ang makakakita sa kagandahan ng dalagang ito ay siguradong mabibighani sa taglay na karikitan ng nasabing babae.

Mayroong kung anong klaseng enerhiya ang bumabalot sa katauhan ng misteryosong dalagang ito.

Kung hindi dahil sa talas at lakas ng isipan niya ay siguradong mahahalina siya rito at magiging puppet ng dalagang ito ngunit hindi siya matatalo ng ganitong klaseng pamamaraan.

"Kung iniisip mo magandang binibini na magagamit mo sakin ang ganitong pamamaraan mo ay nagkakamali ka. Mas nababagay kang gawing sahog ng mga katulad mo." Direktang saad ni Wong Ming. Alam niya ang katauhan ng misteryosong dalagang nasa harapan niya.

"Ano'ng pibagsasabi mo binata. Isa lamang akong simpleng babae at wala akong gustong saktan." Pilit na saad ng dalaga na animo'y ginagamit muli ang abilidad nitong manghalina.

Tiningnan ni Wong Ming sa mata ang nasabing babaeng nasa harapan niya.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong inatake niya ang babaeng nilalang na ito gamit ang isipan niya lamang.

Napatalsik sa hindi kalayuan ang nasabing dalaga. Kitang-kita kung paanong nagbagong muli ang balat nito na animo'y katulad ng tekstura ng kahoy.

"Ginagalit mo talaga ako binata. Ito'ng sa'yo!" Mabilis na nagbago ang anyo ng nasabing babae at sa isang iglap ay naging isang malaking baging.

Hindi aakalain ni Wong Ming na ang makakasagupa niya ngayon ay isang Level 6 Plant Type Beast.

Hindi lang basta ito malakas kundi mayroon na rin itong consequences. Ito ang sa palagay niya ang hinahanap niya.

Gusto ng nasabing halimaw na ito na biktimahin siya. His mind prowess are being exposed. Sigurado siyang hindi basta-basta ang makakalaban niya sa mga oras na ito.

Everchanging Golden Leaf Vine!

Iyon lamang ang nasa isip ni Wong Ming na may ganitong klaseng abilidad. Mabuti na lamang at alerto siya dahil kapag nahawakan siya nito ng tuluyan o nasugatan nito sa noo kanina ay siguradong malaki ang posibilidad na hindi na siya makalaban rito. Tuso at walang awa ang nasabing halimaw na ito, masyadong mapusok sa kapangyarihan.

"Bakit hindi mo ipakita ang mga ginintuang dahon mo nang maganahan naman akong labanan ka hahaha!" Seryosong wika ni Wong Ming habang napatawa pa ito sa huli.

"Asa ka binata. Iyang utak mong yan ang magiging susi upang tuluyan na akong makapag-breakthrough kaya kung ako sa'yo ay sumuko ka na!" Pang-uuyam na sambit naman ng dalaga sa panghahamak sa kaniya ng binatang kalaban niya.

"Mas lalong hindi ako magpapatalo sa isang katulad mo. Everchanging Plant Race are known for not being greedy ngunit sa tingin ko ay marami kang pinaslang na mga kauri mo para makamit ang human form mo kahit na isa ka lamang hamak na Level 6 Plant Type Beast!" Mapangmaliit na turan ni Wong Ming upang diinan ang huling bahagi ng sinasabi nito.

"Alam mo pala ang sikreto ko. Mukhang hindi ka lamang mula sa mababang lupain na ito. Sigurado akong taga-labas ka, kailangan mo ng manahimik ng tuluyan!" Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nagbago ang anyo ng nasabing halimaw na halaman.

Naging malaking nilalang ito na may apat na kamay kahit na ang kaanyuan nito ay gawa pa rin sa mga matibay na uri ng baging.

Tanging pagngisi na lamang ang ginanti ni Wong Ming at naglabas ang katawan nito ng pambihirang enerhiya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon