Chapter 1.17

138 18 1
                                    

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa loob ng kaniyang consciousness. Nakalutang sa ere ang kaniyang pangunahing sandata, ang Sword Needle. Habang nakatapat ito sa pira-pirasong mga sword fragments.

Ito ang pulang espadang hawak-hawak ng dating Crowned Prince na napaslang niya. Hindi siya makapaniwala na nakapadpad ito sa loob ng consciousness niya.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong biglang nag-vibrate ang mga Sword fragments at tila naglabas ito ng kulay pulang usok.

Dito ay biglang nagkaroon ng hugis tao ang nasabing pulang usok.

Nanlaki naman ang mga mata ni Wong Ming dahil hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita.

Hindi niya malilimutan ang kaanyuan ng nilalang na ito na kahit na napaslang na niya ng tuluyan ang mortal na katawan nito ay tila patuloy pa rin ito sa paghahatid ng ibayong kilabot sa kasalukuyan nitong estado.

"Hahahaha!!! Nagulat ka ba sa nakita mo ngayon Little Devil? Mukha atang hindi ka masaya sa muli nating pagkikita?!" Tila nagtatampong tonong sambit ng dating Crowned Prince.

"Kahit kailan ay hindi kita ninais makita pang muli dating Crowned Prince. Kahit napaslang na kita ay hambog ka pa rin!" Pambabarang saad naman ni Wong Ming na kakikitaan ng inis sa tono ng boses nito.

"Hindi na nga tayo magkikitang muli Little Devil dahil aangkinin ko na ang katawang lupa mong ito. Ano ka siniswerte?! Dahil sa sikreto mong tinatago ay mas nagustuhan ko na paslangin ka sa mismong consciousness mo!" Sambit ng dating Crowned Prince sa seryosong boses nito.

"Iyon ang hindi ko papayagang makapamuhay ka pa pesteng prinsipe. Dapat nga ay pagbayaran mo lahat ng ginawa mong kasalanan. Ikaw ang puno't-dulo ng lahat ng nangyari noon sa Sky Flame Kingdom!" Seryosong tugon ni Wong Ming na kakikitaan ng pait sa bawat salitang sinasabi nito. Nagtitimpi lamang siyang magalit dahil kulang pa ang buhay ng masama at ganid na prinsipeng ilang metro lamang ang layo sa kaniya.

"Kasalanan? Hangad ko lamang ay kasaganaan at kapangyarihan. Ano'ng masama sa aking nais? Pare-pareho kayong mga walang kwenta! Hindi nag-iisip ng ikauunlad ng mismong kaharian, mga traydor!" Puno ng poot na wika ng dating Crowned Prince. Tila nagiging apoy ang usok dahil sa emosyong ito ng nasabing prinsipe.

"Mukha atang kahit sa kabilang buhay ay hindi mo pa rin maamin ang matinding kasalanang ginawa mo. Talagang bagay lamang sa iyo na mapaslang ng tuluyan!" Seryosong sambit ni Wong Ming na animo'y nayayamot na. Hindi niya mapigilang kumulo ang sariling dugo niya sa katawan dahil sa pibagsasabi ng dating Crowned Prince.

"Pwes, sisiguraduhin kong una kang mawawala sa mundong ito binata. Akin na ang katawang-lupa mong ito ahhhhhh!!!!!" Tila nababaliw na saad ng dating Crowned Prince at sa isang iglap ay naging isang malaking nilalang ito na gawa sa usok hanggang sa napansin ni Wong Ming na tila tuloy-tuloy na naglalabas ng kakaibang pulang likido ang mga Sword fragments.

Hindi makapaniwala si Wong Ming sa nasaksihan niya. Paanong nagkaroon ito ng napakaraming mga blood essences? Isa lamnag ang dahilan ni Wong Ming kung bakit ito nangyayari.

"Kahit kailan talaga ay napakasama mo! Ilang daang mga martial art experts ang pinaslang mo bago ka magkaroon ng ganito karami at ka-purong mga blood essences?! Sabihin mo?!" May galit na turan ni Wong Ming. Hindi siya makapagpigil sa kaniyang sariling emosyon.

Sa ayaw man niya o sa hindi, mayroon pa ring parte ng isipan niya na may pag-aalinlangan. Hangga't nag-eexist pa ang dating Crowned Prince ay hindi siya patatahimikin ng nakaraan niya.

Akala niya ay tuluyan na siyang nanalo ngunit mukhang mali siya. Ito ang totoong plano ng dating Crowned Prince, ang angkinin ang mortal niyang katawan.

"Ilang libong mga eksperto ang pinaslang ko para lamang paghandaan muli ang araw na ito Little Devil. Simula ng magkita tayong muli sa Red City ay alam ko pa rin na ikaw yan. Hindi ko aakalaing kakagat ka sa plano ko. Walang sinuman ang makakapagligtas sa'yo dito sa loob ng consciousness mo!' mapanghamak na salaysay ng nasabing dating Crowned Prince.

Biglang umatras si Wong Ming ng ilang metro kasabay nito ay ang pagpunta ng nakalutang niyang Sword Needles sa kinaroroonan niya.

Agad na hinablot ni Wong Ming ang sword needle niya at nag-fighting stance.

"Tama nga ako ng hinala, kakaiba nga ang sandatang hawak-hawak mo. Nakaya nitong tapatan ang Red Blood Sword ko hahahaha!"  Seryosong sambit ng dating Crowned Prince at kasabay nito ang pagpapakawala ng malademonyo nitong tawa na umalingawngaw sa lugar na ito.

"Alam mo ang patungkol sa espadang hawak-hawak ko?!" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Wong Ming. Maging siya ay hindi alam kung bakit niya na-acquire ang Sword Needle na ito.

"Kahit kailan ay napakaignorante mo bubwit. Kagaya ko rin ay isa ka ding talentadong martial arts genius. Ipinanganak tayong may spiritual seed na kalauna'y lalaki ito at uunlad hanggang sa maging ganap itong spiritual weapon. Ang paraan upang lumakas ang nasabing spiritual weapon natin ay sa pamamagitan ng pagpaslang ng mga talentadong eksperto. Kumakain ito ng blood essences. Kumpara sa spiritual weapon ko ay walang-wala ang pipitsugi mong sandata hahahahaha!" Pangmamaliit na sambit ng dating Crowned Prince sa kakaibang kaanyuan nito.

"Kung gayon ay masama ang magkaroon ng Spiritual Seed dahil isang mapaminsalang sandata ito hindi ba? Kapalaran na ba natin ang pumaslang huh?! Ganon ba yun?!" Seryosong mga tanong ni Wong Ming habang naguguluhan ito sa kaniyang naiisip.

"Ganon nga Little Devil. Nasa kapalaran na nating mga may spiritual weapon ang maging masama. Kasabay ng pag-unlad natin ang pag-unlad ng spiritual seed na siyang pangunahing sandata natin. Akala mo ba ay makakaligtas ka sa kapalarang mismong ikaw ang pinili?! Walang mabuting maidudulot ang pagiging mabuti mo Little Devil nyahahaha!!!" Malademonyong sambit ng dating Crowned Prince habang pinagpipilitan ang ideyolohiyang alam niya.

Base sa sinabi ng Crowned Prince ay alam ni Wong Ming na may katotohanan ito. Napapansin niya ang paglakas ng sandata niya pagkatapos niyang pinsalain o paslangin ang mga kalaban niya. Kapag napaslang niya ito ay lumalakas din siya, ayaw niyang maniwala ngunit walang rason upang itanggi pa ang  teoryang ito na kahit siya ay saksi sa pagbabagong nagaganap sa Sword Needle niya.

Habang tumatagal ay nagagamay niya na ang paggamit nito at bawat paglipas ng araw ay ramdam niya ang pagbabago kasabay ng pag-unlad niya.

"Paano ako nakatitiyak na nagsasabi ka ng totoo?! Hindi ba't hindi mo dapat sinasabi ang mga iyan sa akin?!" Nagtatakang tanong ni Wong Ming sa kakaibang kaanyuan ng dating Crowned Prince. Hindi siya sanay sa ganitong bahagi ng mortal na kalaban niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Where stories live. Discover now