Chapter 1.8

129 18 1
                                    


Pira-piraso na lamang na bumagsak ang nasabing bangkay ng isang Earth Demon Deity kung saan ay kitang-kita kung paanong napuno ng galit ang puso ni Herano, ang Ice Demon Deity.

Mabilis nitong tinanggal ang nakabaong napakatalim na punyal mula sa likod patungo sa kanang dibdib niya.

Masakit, iyon ang nararamdaman ni Herano, He was being betrayed, tinraydor siya ng lahat ng mga Elemental Demon Deity na tinuring niyang mga kaibigan.

Ipinangako niyang hindi na magkakaroon pa ng Elemental Demon Deity sa Elemental Region.

Gamit ang kapangyarihan niya ay gumawa siya ng pambihirang demon mark upang walang maisilang na sanggol na maaaring maging napakalakas.

Hanggang Demi-god level lamang ang maaaring maisilang. Isang Sealing type ang demon mark na ito at tanging ang isang Deity Level Ice Demon lamang ang maaaring makapagpawala nito.

Inilagay niya ang isang umiiyak na sanggol sa isang ginintuang lalagyan na parang capsule shape. Pambihirang bagay ito na galing pa sa demon world.

Kasabay nito ang pagtahan ng bata at unti-unting pagtulog nito ng mahimbing.

Herano sealed the capsule. He make sure that no one could ever opened it.

Dinala ni Herano ang isang sanggol sa isang tagong kweba.

Napakalakas ni Herano, ginamit nito ang kapangyarihan nito upang buksan ang isang space loop.

Kitang-kita ni Wong Ming ang lahat ng kaganapang ito. Kung saan pumupunta si Herano ay tila nandoon din siya.

After that scene, nakita niya lamang ang sarili niyang bumabagsak kasama ang tila nanghihinang katawan ni Herano.

Kitang-kita niya kung paanong may itim na tila ugat ang tila buhay at lumalaki pa sa kanang dibdib ni Herano.

Malala ang pagkakabagsak nito. Hinang-hina at tila naghihingalo na.

Nagulat si Wong Ming nang biglang nagbago ang anyo nito.

Isang tao?! Nakita ni Wong Ming kung gaano siya nagulat. Himala, di siya bumagsak dahil tila napansin niya lamang ang sariling nakatayo sa isang parte ng madamong lupa, nakatanaw sa hindi kalayuan mula kay Herano.

Kakaiba talaga ang katawagan ng mga nilalang na nasa Demon World. Kakaibang pangalan at tila nagkaroon siya ng interes.

Sigurado siyang tao ang kaharap niya.

Mula sa dulo ng daliri ni Herano ay lumabas ang kakaibang enerhiya. Ice element iyon. Pumorma ng isang kakaibang uri ng bulaklak, pamilyar na pamilyar si Wong Ming.

Isang Ice Lotus ito. Ito yung natagpuan niya noong naghihingalo siya.

"Tanging ang karapat-dapat na mula sa lahi ng tao lamang ang maaaring makakuha nito ng sa gayon ay maisakatuparan nito ang aking plano. Inihahabilin ko na sayo ang aking titulo bilang isang Ice Demon Deity." Nanghihinang saad ni Herano habang ipinapalabas ang lahat ng kapangyarihan niya bilang isang Deity Level Ice Demon.

Tila nagkaroon ng pagbutas ng spaces sa lugar na ito dahilan upang doon pumasok ang nasabing Ice lotus o mas mabuting sabihing isang Godly inheritance.

Pagkatapos nun ay tila nawala na lamang bigla ang nasabing senaryong iyon at napaatras si Wong Ming nang mapansin ang isang pamilyar na pigura sa loob ng malawak na lugar na ito.

Parehong-pareho pa rin ito, parang di bumabata at di rin tumatanda. Alam niyang isa na lamang itong espiritung nakatira sa lugar na ito at naghihintay sa kaniya palagi.

It was a separate space at alam niyang hindi ito ang lugar na siyang consciousness niya.

"Kunin mo na ang alok kong kapangyarihan Wong Ming, wait--- Li Xiaolong nga ba o ang kasalukuyang ginagamit mo bilang Little Devil?!" Tila nagamamaang-maangang saad ng pamilyar na lalaki. Siya ito, si Herano.

"Wag na tayong magkunwari dito Herano, hindi ko aakalaing hinalukay mo naman ang memorya ng nakaraan ko. Wala ka talagang pinagbago!"

"Ito ang kabayaran sa paggamit mo ng kapangyarihan ko Little Devil. Bakit di mo na lamang kunin at tanggapin ang pagiging Ice Demon Deity title na matagal ko ng ibinigay sa'yo?!" Seryosong wika ni Herano habang makikitang tila nagtatampo pa ito.

Matamang tiningnan naman ni Wong Ming ang nilalang na ilang metro lamang ang layo sa kaniya. Kahit kailan talaga ay hindi ito nagbabago, mahilig pa rin itong makisawsaw sa buhay niya.

"Wag kang magdrama diyan Herano at hinding-hindi ako magpapabitag sa mapangahas mong taktika. Muntik na kong mamatay noon at hindi ko makakalimutan iyon!" Mapang-uyam na wika ni Wong Ming habang kakikitaan ng galit ang mga mata nito.

"Wong Ming, kahit kailan talaga ay di ka pa rin nagbabago. Kailangan mo ako, hindi mo kaya ang mga nakakaharap mong kalaban. You are just suppressing my power dahil ayaw mong makasakit." Panggagatong na sambit ni Herano upang kumbinsihim pa lalo si Wong Ming.

Napangisi na lamang ng malademonyo si Wong Ming at muling nagsalita.

"Ayaw kong makasakit? Mukhang salungat ata iyon sa ginawa mo. Ikaw ang may gawa sa akin noong nakaraang mga linggo, you possessed my body at ginamit mo ito upang makapunta ako sa malaking kwebang iyon para mapalaya ang sarili mong anak mula sa mahimbing nitong pagkakatulog! Ngayon ay alam ko na!" May galit na turan ni Wong Ming. Hindi niya aakalaing naloko siya ng sariling paningin niya. Sarili niya ang may gawa niyon, those memory fragments ba nag-flashback sa kaniya, it was all happened, it was Herano's past memories na ngayon ay nailantad na sa pamamagitan niya.

"Hindi ka rin pala gaanong ka-tanga Wong Ming pero sapat lang iyon dahil ginamit mo ang kapangyarihang taglay ko. Kung ano ang kinuha mo, ay siya ring babalik sa'yo. It was all a rule, tama lang iyon para may silbi ka rin kahit papaano sa akin!" May inis na saad ni Herano habang makikitang natutuwa rin ito.

"Isa kang baliw! Nahihibang ka na talaga. Isa ka na lamang Remnant Soul ngunit andun pa rin ang tapang mong guluhin ako at kontrolin ako!"

Napangiti na lamang si Herano dahil sa tinuran ng binata at nagsalita na rin. Hindi siya magpapatalo rito lalo na sa isang hamak na mababang nilalang na may mababang lebel ng cultivation.

"Tama ka Little Devil, isa nga akong Remnant Soul, bakit ka pa matatakot sa isang katulad ko?!"  Mahinahong wika naman ni Herano na tila may lungkot sa mga mata nito.

"Kilala na kita Herano kaya wag ka ng magpanggap pa. Baka gusto mong paslangin ko ang nag-iisa mong anak?! Gusto mo ba yun?!" Tila painosenteng sambit ni Wong Ming na tila pinantayan ang bangis ng isang Deity Level Ice Demon na kaharap niya.

Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Herano at kitang-kita na may kung ano'ng klaseng galit ang nakakubli sa mga mata nito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3 Where stories live. Discover now