CHAPTER 5

252 17 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Nakatingin ako sa malaking salamin na nasa harapan ko. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Jacob. Umepekto na sa kaniya ang perfume. Ibig sabihin may epekto na rin kay Bekay. Buhay nga naman. May magkakagusto na lang dahil pa sa pagkakamali. Ayaw ko naman sa kanila! Ayaw ko kay Jacob! Ayaw ko kay Bekay! Si Adren ang gusto ko! Kung hindi man papalarin kahit kay Bem na lang huwag lang sa mga kaibigan ko. They are my friends at hindi ako naniniwala na nasa kaibigan ang true love. Gusto ko lang sila pareho bilang kaibigan pero higit pa roon, hindi na.

Dinukdok ko ang ulo ko sa desk. Lagayan ng mga makeup at iba pang gamit pampaganda ko. Kahit naman gaano karami ang gamitin ko na product pampaganda hindi naman ako gumaganda. Lalo lang yata akong nagiging pangit!

“Shairylle, nandito ang kaibigan mo na si Bekay! Patuluyin ko ba siya?” Tawag ni mommy mula sa labas ng pinto.

Mabigat ang katawan kong tumayo at pinagbuksan sila. Bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni mommy. Sa likod naman niya si Bekay na nakangiti—ngiting aso. Siguro may baon na namang chismis ang baklang 'to.

“Aayusan ako ni Bekay para sa party mamaya ni Halleina, mommy,” panimulang paliwanag ko nang mapansing iba ang titig niya sa akin. “Siya lang naman ang nakakaalam kung ano ang bagay sa akin at hindi. Don't worry hindi naman naka-lock ang pinto kaya p'wede mo kaming i-check anytime you want.” Bigay assurance ko sa kaniya.

Tumingin ito kay Bekay na parang sinusuri siya bago muling ibalik ang tingin sa akin.

“Sige. Make sure to not lock the door. I will check you every 15 minutes.” Akala mo naman talaga may gagawin kami na masama.

Tumango na lamang ako bilang sagot. Binuksan ko nang malaki ang pinto at pinatuloy si Bekay. Hinarangan ko ng bangko ang pinto para hindi ito kusang magsara. Malakas akong napabuntong-hininga nang makaalis na si mommy. Masyado silang walang tiwala sa akin. Akala mo naman lahat ng gagawin ko kasalanan. Palagi na lang required na maging perfect ang mga kilos ko sa kanila. Ayaw nilang napapadalas akong may kasamang lalaki o ihahatid ako ng ibang tao dahil magpi-feedback daw iyon sa image nila sa simbahan. Sa sobrang strict nawalan na ako ng kalayaan para sa sarili ko.

Kaya nga naiinggit pa ako kay Halleina. Buti pa siya may mommy na marunong umintindi. Nakakainggit 'yong bonding nila na parang best friend lang. Andiyan pa lagi kapag kailangan niya ng shoulder na iiyakan. Samantalang ako umaasa lang sa balikat ng mga kaibigan ko. Kung hindi kay Bekay, kay Halleina. Kapag wala talaga sa sarili ko na lang. Ang lungkot ng buhay ko. Sabi nila ang suwerte ko raw pero hindi nila alam nahihirapan ako sa ganito.

“Ang lungkot naman ng girl na 'yan! Party ang pupuntahan natin, ante hindi lamay!” Puna niya sa akin.

Kanina pa kasi ako nakatulis ang nguso. Talagang malungkot ako. Naguguluhan pa.

“May iniisip lang ako,” malamyang sagot ko sa kaniya.

“Bakit malungkot ang beshy na 'yan?”

Napakunot ang noo ko sa kaniya. “Saan mo narinig 'yan?!” Trending kaya 'yon ngayon.

Napatawa siya. “Sa tiktok kanina. Napanood ko lang. Gusto mo tumbling pa ako?”

Umiling ako ng nakangiwi. “Huwag na, bakla mukha kang tanga!”

Sinampal niya ng mahina ang balikat ko. “Tse! Halika na nga aayusan na kita para naman marami kang bebe boy na masungkit mamaya sa party!” Panunukso niya.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now