CHAPTER 11.1

171 18 4
                                    

Continuation...

SHAIRYLLE'S POV

Naghahanap ako ng cart na nagtitinda ng corndog. Ang alam ko meron no'n dito kasi bumibili ako ng gano'n no'ng bata pa ako. Wala akong makita. Puro kahoy lang ang nakikita ko. Wala rin masyadong tao ngayon sa park, malamang mainit. Si Jacob lang naman may kasalanan kung bakit nandito kami katirikan ng panahon. Napailing na lang ako habang sinisipa-sipa ang maliit na batong nakita ko lang. Wala naman akong makitang paninda kaya maglilibot na lang ako. Hindi ako comfortable na makitang magkasama si Pixel at Bekay. Hindi rin ako comfortable na kasama silang dalawa.

Tahimik akong naglalakas habang nakayuko nang may biglang humila sa akin. Sinandal ako nito sa puno nang kahoy na malaki. Lumaki ang mata ko sa sobrang gulat ngunit mabilis ding nakabawi nang makilala ko kung sino ang humablot sa akin kanina lang. I gave him a serious death glare.

"Anong kailangan mo sa akin?" Masungit na tanong ko sa kaniya. Matapos niya akong inisin kanina lang ang lakas ng loob niyang hilain ako.

"Saan mo balak pumunta?" Taas-kilay na tanong niya.

"Wala ka ng pake roon!" Aalis na sana ako pero hinarangan ng dalawang kamay niya ang magkabilang gilid ko.

He's smirking in front of me like he think of something naughty. I ignored his smile. Sinubukan kong bahagyang yumuko upang lumusot pero sinusundan niya ako.

"Ano ba, Bekay?!" Asik ko sa kaniya.

"Finally!" He stood up straight in front of me. He put his hand on his pocket. "You called me Khyzio. I am not used to it. Next time don't call me by that name."

Inirapan ko siya. "Hinayaang mo ngang tawagin ka ni Pixel ng Bekay, tss!" Mahinang sabi ko-halos ibulong ko na.

Nabigla ako nang itukod na naman niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin hanggang sa halos magdikit na ang bibig niya at tainga ko. His breath tickling me. My heart pound faster.

"Are you jealous, Shairylle, hm?" He used his flirtatious husky voice.

Lalong naghurumintado ang dibdib ko sa kaba. Nagtatakbuhan na naman ang mga bulati sa tiyan ko. I gulped continuously. Parang pinatungan ng mabigat ang paa ko, hindi ako makagalaw. Maging ang katawan ko parang biglang na-glue sa puno.

"Tell me if you're jealous huwag ka ng mahiya sa akin." Ngumisi ito na tila nang-aasar.

Tumitig ako sa mga mata niya. Hindi, bawal marupok! Walang marupok sa lahi namin! Malakas kong tinapakan ang isang paa niya na naging dahilan ng malakas na pagsigaw niya. I smiled at him sarcastically as I flipped my hair.

"Jealous your ass! Bagay naman kayong dalawa, parehong malandi!"

Iniwan ko siyang dumadaing. Nako-konsensya naman ako pero hindi na muna ngayon. Saka na ako mako-konsensya kapag namaga na ng husto ang paa kiya. I decided to go back. Baka maabutan pa niya ako, yari na.

Naabutan ko ang dalawa na hindi man lang nag-uusap. Tahimik lang na naka-upo si Jacob habang nagsi-cellphone. Gano'n din naman si Pixel. Ngayon ko lang napansin na masyado pa lang revealing ang suot niya. No wonder nag-i-enjoy si Bekay na kasama siya. She's not like me. I am more conservative when it comes to my body. Like today, sinong tanga ang magsusuot ng turtle next fitted t-shirt at highest na pants sa katirikan ng araw? Wala akong choice sinanay ako ng parents ko sa ganito. Natatakot silang madungisan ang pangalan nila dahil good leader sila sa church. Even the elders praising them dahil masyado raw akong mabait.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora