CHAPTER 12.2

120 13 0
                                    

FIRST DAY....

SHAIRYLLE'S POV

Simula nang matulog ako kahapon ngayon lang ako nagising. Marahil ay sa sobrang pagod. Hindi pa nga sana ako magigising kung hindi ako ginising ng mga kasama ko sa cottage. Magkakaroon daw ng morning activity ngayon. Tinatamad ako pero kailangan kong maki-join. Hindi magiging sulit ang binayad ko kung hindi ako makikisali sa kalokohang ito. Binukod ang babae sa lalaki kaya naman walang lalaki na nasa tabi ko ngayon. Ang malas ko nga lang nakatapat ko sa pila sila Karen. Aalis pa sana ako kaso ma-pride rin ako. Ayaw kong umalis.

"For our first days, magkakaroon tayo ng hating gawain. Tandaan ninyo na hindi lang kayo nandito para magturo sa mga bata, nandito kayo to make them feel they are one of us. Hahatiin namin kayo into 2 teams. Dahil nga sinisipag kaming maghati kung sino ang kasama niyo sa bus, ayon na lang ang ka-grupo ninyo!"

Nabulungan agad ang mga katabi ko. Tanggap ko na andoon naman si Bekay at saka si Trisha. Humalukipkip na lang ako habang pinapakinggan ang mga bulungan nila. Ang iba nanghihinayang, ang iba naman tuwang-tuwa dahil makakasama nila ang gusto nilang makasama. Ako naman stuck between magiging masaya o hindi. Si Bekay ang kasama ko.

"Ang bawat team ay may kani-kaniyang task kada araw na gagawin. Since we are not guest here, kailangan nating maranasan ang ginagawa nila. Today, the team 1 from bus 1 will be in charge in cooking and teaching the kids. For team 2 bus 2, kayo naman ang in charge sa pangangahoy at games ng mga bata. Remember to accomplish your task para makapag-pahinga kayo!"

Ano namang alam ko sa pagluluto? Bahala na sa pagtuturo na lang ako ng bata. Mukha namang approachable ang mga bata.

"Sino rito ang marurunong magluto?" Tanong ng acting leader namin.

"Hindi ako!" Mabilis na tanggi ko.

"Lalo namang hindi ako baka patikimin ko ng uling ang mga 'yon!" Sabat ng katabi ko.

"Marami tayong iluluto kaya mas kailangan namin ng tao roon. Kahit taga-hiwa lang malaking ambag na 'yon kahit gawin mo ng sahog 'yong kamay mo. Limang tao lang ang maiiwan sa pagtuturo sa mga bata. Volunteer na kayo kung gusto niyo."

Mabilis kong tinaas ang kamay ko. Dito ko malalaman kung obra ba talaga ang pagiging mahilig ko sa bata. Apat na kaming nagtaas ng kamay, isa na lang ang kulang.

"Si Bekay! Isasama ko si Bekay!" Hinila ko siya sa tabi ko na kinagulat niya.

"Wala akong sinabi na gusto kong magturo ng bata!" Tanggi niya.

"Sabi ko naman gusto ko kaya huwag ka ng umangal!"

"I am not approachable in children!"

"Ako na bahala roon basta tulungan mo lang ako!" Tinapik ko siya. "Magkasama kaming lima! Amin na 'to!" Hindi na siya makaangal. Ako na nagdesisyon huwag na talaga siyang umangal.

Kinuha namin ang mga materials na gagamitin para sa pagtuturo. Ginawa kong taga-buhat si Bekay. Humanap kami ng bakanteng cottage kung saan kasya ang mga bata tapos sinet up namin. Nilagyan namin ng white board na hindi naman kalakihan, ABC sa gilid, pagkatapos nilagyan namin ng mesa sa gitna para patungan ng gamit. Nang maayos na namin ang pinakang-area, pinatawag na namin ang mga bata. Agad naman itong nagpuntahan. Ang cute nila. Ang sarap pisilin ng mga pisngi nila. Nakakatunaw din ang mga ngiti nila. Parang nakikita ko sa mata nila na rare ang ganitong chance.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now