CHAPTER 12

133 12 2
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Latang-lata ang pakiramdam ko habang nakatayo sa gilid ng bus station. Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw nandito na kami para maghintay sa bus. Ala-una pa lang ng gabi gising na ako dahil halos hindi ako makatulog sa pangungulit ni Jacob na tabi raw kami sa bus. Wala naman akong choice 'no. My mom trusted me to him. Kapag nagkahiwalay kami baka magalit ang mommy ko. It's really fishy na bigla na lang silang naging mabait sa lalaki. I know my parents. I've been living with them for almost 22 years. Kabisado ko na ang takbo ng utak nila. Kaya nga laking pagtataka ko nang makitang ang ganda ng tawanan nila.

“Matagal pa ba?” Inaantok na tanong ko. Nakasandal na ako sa poste ng waiting shed.

“Hinihintay na lang 'yong mga wala pa.”

“Ang tagal naman!” Kamot-ulong reklamo.

Ni hindi ko madilat ng maayos ang mata ko. Gusto ko pang matulog. Isang oras lang ang tulog ko dahil sa damuhong na 'to. Na sa kaniya nga ang dala kong malaking pack bag, bigat na bigat naman ang katawan ko da puyat. Masyadong excited wala namang maganda sa camping. Sila lang ang mag-i-enjoy, matutulog lang ako sa tent or sa cottage kung meron man.

“Bakit ngayon lang kayo?!”

“Sinundo ko pa 'to.”

“Naks! Iba ka na talaga ngayon! You're a grown man na!”

“Tss! What happened to her?”

“Inaantok lang 'yan. Ang tagal kasi umalis hinihintay pa kayo.”

“Kami na lang ba ang late?”

“Tatlo pa kayo I don't know who's the other one but good to see na nandito na kayo ni Pixel.”

Mabilis pa kay flash na namulat ang mata ko nang marinig ang pangalan ni Pixel. Magkasama nga silang dalawa ni Bekay at si Bekay pa ang may dala ng lahat ng gamit niya. Sa narinig ko sinundo pa siya ni Bekay. Ang galing talaga! Madaling araw pa lang sira na agad ang simula ng araw ko!

Kinawit ko ang kamay ko sa braso ni Jacob. Hinilig ko ang ulo ko rito sabay pumikit.

“Inaantok ako,” parang batang sumbong ko sa kaniya.

“Hey, hang on, okay? Makakatulog ka rin sa bus mamaya.” He caress my cheeks. Pinagdukdukan ko pa lalo ang pisngi ko sa kaniyang biceps.

“I am here na!”

“Sa wakas! Dumating na rin!”

“Kanina ka pa hinihintay! Filipino time ka talaga!”

“Karen?” Nandito rin pala ang babaeng 'yan. Ano namang pake ko?

“Hi Jacob! Nalaman kong sasama ka kaya sumama ako. Magaling na ako, eh!” Wala namang nagtanong, amp!

“Attention, everyone!” Napaayos ang tayo ko nang may kumuha nang atensyon namin. Feeling ko isa sa mga teacher.

“Since complete na ang lahat ng sasama, we are now going to announce kung saan bus kayo naka-assign. May kukunin kayong number sa amin. Kung anong number niyo, doon kayo uupo. At kung saan bus kayo nilagay, doon lang kayo sasakay. Simpleng rules lang 'yan. Kung baga sa relasyon, huwag mong sasakyan ang jowa ng iba. Humanap ka ng available at puwedeng mong sakyan.”

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now