CHAPTER 24

105 11 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Habang papalapit ang pageant lalo lang tumataas ang kaba ko. May dalawang araw na lang ako para maghanda. Nakaayos na ang mga gagamitin ko at nakita ko na rin ang dress na pina-reserve sa akin ni Bem. Wala talaga akong duda sa mga design ni tita—mommy ni Halleina. Lahat magaganda at sobrang unique. Kaya naging famous fashion designer siya. Ano kayang feeling ng may mama na magaling sa fashion?

“Ready ka na ba?” Tanong sa akin ni Colleen. Wala naman akong ibang kasama kung 'di siya lang. Katatapos lang ng training ko. Mas nag-double time pa kami ngayon.

Umiling ako. “Feeling ko hindi pa. Ang daming nangyayari habang papalapit ang pageant, nahihirapan akong mag-focus.” Ngayon pa na nalaman ko ang tungkol sa kasal na sinasabi ni mommy. Nagkaroon ng alangan ang puso ko.

“Gaya ng?” Ulirat niya.

Dapat ko bang sabihin sa kaniya?

P'wede naman siguro para mabawasan itong bigat na nararamdaman ko. Nagtitiwala naman ako kay Colleen sa dami ng tinulong niya sa akin. Hindi niya ako pinabayaan.

“Huwag kang mabibigla sa sasabihin mo, ha?” Panimula ko.

Umirap siya. “May mas nakakabigla pa ba diyan sa after pageant exam niyo na?”

“Ano?!” Nanlaki ang mata ko at napasigaw sa gulat. Ako yata ang nagulat niya hindi siya ang nagulat ko.

“Oh! Sabi ko na nga ba kahit ikaw mabibigla, eh!” Tumawa siya ng nang-aasar.

Binatukan ko siya. “Seryoso ba?! No joke?!”

“Aray naman! Kailangan mong manakit, ha?!” Reklamo niya. “Hindi ko ugaling magbiro 'no kaya sabi ko nga sa'yo wala ng mas nakakagulat pa roon!” Confident na aniya.

“Mayroon pa!” Sigurado akong magugulat siya rito dahil ang alam niya lang naman magkababata kaming dalawa ni Jacob pero wala siyang alam sa bagay na 'to.

“Sige nga! Ano 'yon, aber?! Kapag ako hindi nagulat sa sasabihin mo tignan mo la—”

“Magpapakasal daw kami ni Jacob after the pageant,” mabilis na dugtong ko matapos ko siyang hindi patapusin sa sasabihin niya.

Napanganga siya at lumaki na parang owl ang mata niya. Umangat ang kamay niya habang nakaduro sa akin. Daig pa niya ang ginulat ng multo sa hitsura niya ngayon. Kahit ako ganiyan ang hitsura ko no'ng sinabi ni mommy na may kasalang magaganap after pageant.

Nag-snap ako sa tapat ng mukha niya. “Huy! Ano na?! Ayos ka lang?!” Winasiwas ko ang palad ko upang magising siya ngunit hindi effective kaya, mahina ko na lang na sinampal ang pisngi niya. This time effective na.

“PUTANGINA, ANO?!” Biglang sigaw niya sabay tayo. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

“Huwag ka ngang sumigaw! Ginugulat mo naman ako!” Reklamo ko habang hinahagod ang dibdib ko.

“TANGINA! SINONG HINDI MAGUGULAT SA BALITA MO, HA?! KASAL?! IKAKASAL NA KAYONG DALAWA?! PAANONG NANGYARI?N BAKIT?! SAAN NAGSIMULA?! PUMAYAG KA?! PUMAYAG MAGULANG NIYO?!” Sunod-sunod na tanong niya na pasigaw.

Hinila ko siya muli pa-upo. “Hinaan mo nga ang boses mo baka may makarinig sa atin!” Saway ko sa kaniya.

Hinilot niya ang ulo niya. “Sandali lang, ha? Sandali lang! P-Parang ayaw kasing mag-process sa utak ko no'ng... sinabi mo. Parang ang hirap paniwalaan!” Nakapikit na aniya habang umiiling-iling pa.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now