CHAPTER 27

100 14 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Every end there's a new beginning. Parang kahapon lang lahat para sa akin. Everything is too fast that I couldn't remember why and how. Lahat nagtapos sa hindi ko gustong paraan. It's giving me the vibes of heaven's punishment. Am I not good enough to be happy? Do I have to suffer in this kind of pain?

Watching myself in front of the mirror is like watching unknown person. I can't recognize myself. Ako pa ba 'to? Bakit punong-puno ng lungkot ng mata ng babaeng 'to? First, my parents doesn't love me. Second, all the students in school looking at me like a dirty trash. Halos ayaw ko na ngang pumasok sa school dahil sa kanila. They are too harsh whenever they saw me. Third, the person I thought will appreciate me is now avoiding me—Jacob. Sa tuwing magtatagpo ang landas namin mabilis siyang lumilihis. Para bang may iniiwasan siyang nakakadiring nilalang. And lastly, Khyzio left me. He really left me. He even blocked me on all his social media account.

Para akong sinumpa!

Ay, mali! Sinumpa na talaga ako dahil sa sumpa ng halimuyak na binigay sa akin no'ng mangkukulam na 'yon. Ramdam ko 'yong sakit ng mga nangyayari sa buhay ko.

“Hindi ka ba papasok ngayon, Shairylle?” Tanong sa akin ni yaya—siya ang palaging nag-aasikaso sa akin simula pagkabata ko.

Umiling ako habang nakatingin sa salamin. “Hindi po muna, yaya.” Hinaplos ko ang mukha ko habang pinagmamasdan ang mukha ko. Ano bang silbi ng gandang 'to peke naman?

“Binu-bully ka ba ng mga kaklase mo? Gusto mo ba puntahan ko sila? Pagagalitan ko sila.”

Nilingon ko si yaya nang nakanguso. “Huwag na po. Ayos lang po ako.” Buti pa ang yaya ko nakaisip na magtanong sa nangyayari sa akin. Sila mommy dinadaan-daanan lang ako palagi na parang invisible.

“Ano na namang arte 'yan, Shairylle?” Singit ni mommy na kadarating lang mula sa labas. Sinenyasan niya si yaya na lumabas muna.

“Ayaw ko lang pong pumasok, mommy.” Tumalikod ako sa kaniya at muling hinarap ang sarili ko sa salamin.

“Wala naman akong pake kung ayaw mo ng pumasok o gusto mo pa. Ang gusto ko lang klaruhin ang nalaman ko.” Pataray na sabi niya sa akin, nakahalukipkip ang kaniyang kamay.

Napakunot ang noo ko. Tumayo ako upang harapin si mommy. Ano na naman kayang nalaman niya?

“A-Ano pong n-nalaman?” Kinakabahang tanong ko. I almost lost my voice in nervous.

Mom's smirked giving me a goosebumps. She took a step closer to me. “Akala mo ba hindi ko malalaman kahit apat na araw na ang nakalipas, ha? Masyado kang kampanti kasi na sa labas ka ng bahay.”

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. “A-Ano po ba 'yon? Paki linaw naman para alam ko!” At sino na naman ba ang mabuting loob na nagsabi sa kaniya nang gano'n?

Tumabingi ang ulo ko nang malakas akong sampalin ni mommy. Halos mabingi ako sa tunog ng pagsampal niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng mga sandaling iyon.

“Ang kapal ng mukha mong makipagyakap sa ibang lalaki may boyfriend ka na!” Bulyaw sa akin ni mommy.

Namuo ang luha sa mata ko habang nakatingin sa kaniya. Ang isang kamay ko ay nakahawak pa rin sa pisngi kong sinampal niya.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now