CHAPTER 4.2

178 14 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

“Nagtataka talaga ako bakit ikaw ang pinili ni Jacob. Mukha ka namang tae!” Umiiling-iling na sabi ni Bekay habang nakatingin sa kalangitan.

“Maka-mukhang tae ka naman ikaw nga mukhang ipot!”

Humingi ako sa kaniya ng tulong sa pagde-desisyon pero heto siya ngayon, nilalait ako ng wagas. Ang sabi ko tulungan ako pero panglalait natanggap ko. Ang galing naman talaga ng kaibigan ko, oo!

“Joke lang naman! Pero, ang dami kasing babae na maganda paligid niya bakit ikaw?” Hinarap ako ni Bekay ng may pagtataka. “Hindi kaya, gusto ka niya talaga?” Salubong ang kilay na tanong niya sa akin.

Umirap ako. “Imposible! Nakita mo kung gaano kaganda ang ex niya 'di ba? Bakit naman siya magkakagusto sa akin? Hmp!” Oo nga pala, nilanghap niya 'yong perfume.

Kung tutuosin hindi ko naman nakikitang seryoso ang perfume na 'yon. Silang dalawa ang victim pero ang tahimik ni Bekay. Si Jacob lang talaga ang nagpapakita sa akin ng mga sign kaya sa kaniya ako nangangamba. Lalo pa ngayon na nandirito na ang ex niya na obsessed sa kaniya.

“Kung sabagay may punto ka. Maybe nagtitiwala lang siya sa'yo kasi kaibigan ka niya. I can't help you with that, Shai. Kung ano ang tatanungin ayaw kong pumayag,” ani nito. “Kapag nagkataon mapapahamak ka lang sa kagagawan ni Jacob. Concern ako sa'yo...”

Hindi ko maintindihan ngunit nakaramdam ako ng kakaibang saya nang marinig kong concern siya sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin. “Bahala na siguro. Kawawa rin naman kasi si Jacob sa part na niloko na siya tapos ngayon babalik na parang walang nangyari.” Akala ko noon lalaki lang ang gumagawa ng gano'ng style. Ngayon ko lang nalaman na pati babae rin pala.

Ang cheating at kapal ng mukha wala talagang pinipili. Kung sino ang may kasalanan, siya ang feeling victim. Buong akala ko kapag lalaki ang nag-cheat likas na sa kanila 'yon at kapag babae may ginawang masama ang lalaki sa kanila. All this time mali pala ako. It's their choice kung magche-cheat sila sa partner nila. There's no point kung pinangangalagaan sila ng maayos ng partner nila. If they want, they will. This is so embarrassing kapag nalalaman kong may mga babaeng nagloloko.

Natigil ang malalim na iniisip ko nang may humaplos sa ulo.

“Don't think too much, okay? After all, nandito lang naman ako to support you. Kung ano sa tingin mo ang makabubuti para sa inyo, go lang.”

Ano nga bang makabubuti sa amin?

“Tingin mo, ano bang makabubuti sa akin? Kasi naguguluhan na talaga ako.” Ngumuso ako. Talagang naguguluhan na ako sa lahat.

“Mas makabubuti kung sumama ka na lang sa akin.” Tumayo siya sabay nilahad ang kamay niya. “Let:'s go. Mahaba pa ang break time natin. I will take you somewhere to clear your mind.” Nakangiting aya niya.

Imbis na sa kamay niya ako tumingin, sa nakangiting labi niya ako nakatingin. Ang guwapo kasi ng ngiti niya at hindi ako natutuwa. Tuwing ngumingiti siya bumibilis naman ang tibok ng puso ko.

“Ayaw mo ba? Sayang naman marami pa namang pagkain doon.”

Napatayo agad ako. “Tara na! Ito naman nagpapakipot lang kunwari, eh!”

Pinitik niya ako ng mahina sa noo. “Mukhang pagkain.” Kainis ang guwapo talaga ng ngiti ng lalaking 'to!

Lumabas kaming dalawa ng school. Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin. Safe naman ang pakiramdam ko kapag siya ang kasama ko. Talagang hindi na maganda ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ako na ang unti-unting nahuhulog kahit siya naman ang lumanghap ng perfume ko. Kalmado siya kapag kaharap ako hindi gaya ni Jacob na palagi akong pinupuri at nakangiti sa harap ko. Si Bekay, hindi ko nakikitang may gusto siya sa akin o ano. Kaibigan pa rin ang tingin niya sa akin hanggang ngayon. Posible kayang hindi naman siya na-apektuhan ng potion? Baka nakalanghap siya pero hindi naman marami. Maari ngang gano'n. Kaya siguro hindi ko nakikitaan ng pagbabago si Bekay. Sa halip ako pa nga ang nagbago. Nakakaramdam na ako ng ilang sa tuwing lumilingkis siya sa akin. Hindi gaya dati na normal lang para sa akin ang ginagawa niya. Ngayon nahihirapan na akong huminga. Para akong susumpungin ng asthma ko.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now