CHAPTER 33

139 13 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang malalang breakdown ko. Palaging napunta si Colleen sa bahay nila tita. Malapit na nga siyang tumira rito kung hindi lang siya nahiya. Ano kayang magiging reaction ni Halleina kapag nalaman niyang ang number one kaaway niya naging kaibigan ko na plus nakasundo pa ng mommy niya? Malamang magpupuyos sa galit ang babaeng 'yon.

“Ano na naman bang ginagawa mo rito, Colleen? Kahapon lang nandito ka, ah!”

“Ang pangit naman ng bungad mo sa akin, ante! Alam mo bang ayaw ko talagang pumunta rito pero naisip kita! Hindi mo man lang ba na-appreciate ang effort ko?” Humawak siya sa kaniyang dibdib at umarteng tila nasasaktan.

Inirapan ko siya sabay ngiti. “Ang dami mong alam, tse! Lagi naman tayong nagkikita! Kulang na nga lang gawin mong bahay 'tong bahay nila Halleina,” pabirong sabi ko.

“No way! Eh, 'di nagsabunutan kami kapag ginawa ko 'tong bahay ko. Alam mo namang galit ako sa babaeng 'yon!” Pataray na sabi niya. Malakas naman ang feelings ko na magiging magkaibigan sila after ten years.

“Sir Alvin!” Napatayo ako bigla. Lumingon lang si Colleen at sinalubong ng masamang tingin si Sir Alvin.

“Putangina anong ginagawa mo rito, ha?!”

Nangiwi ko ang aking bibig sa pambungad na sigaw ni Colleen kay Sir Alvin. Kung ako 'yan mababato ko ng sapatos 'yan murahin ba naman kadarating pa lang. Si Sir Alvin naman parang sanay na. Naka-poker face lang siya na tumingin kay Colleen tapos nagde-deretsong umupo sa single na sofa.

“Gagong 'to hindi ako pinansin!” Sinapak niya ang balikat ni Sir Alvin. Masama itong tumitig sa kaniya. “Huwag mo akong titigan ng ganiyan, bato! Hoy! Anong ginagawa mo rito?! Sinong nagpapunta sa'yo dito sa pamamahay ko?”

Ay, wow!

Kinalabit ko siya. “Hindi ba bahay nila Halleina 'to?” Bulong ko sa kaniya. Nakatikim naman ako ng mahinang sampal sa pisngi.

“Alam mo panira ka, eh!” Pati ako nadamay na.

“How about you? What are you doing in my cousin's house?” Balik tanong sa kaniya ni Sir Alvin. Prente itong naka-upo sa single na sofa habang naka-de kwatro.

He look so attractive. Kung hindi lang teacher 'to baka matagal ko na siyang naging crush. Base on Halleina si Sir Alvin daw is license nurse pero biglang pumasok sa school na pinapasukan namin as nurse tapos pinatulan ang pagiging substitute teacher. Siguro bored lang daw si Sir kasi wala naman daw babaeng na-involve diyan. Ewan ko lang kung totoo. Magaling magtago si Sir ng emotion niya. Palaging blangko ang tingin niya sa isang tao maliban kay Halleina. He really love Halleina as his cousin.

“Nandito lang ako para may ka-chismisan ako. Alam mo namang boring ang buhay ko kapag walang kausap!”

“Well, I am here to witness something.”

“We ba?! Uy! Ako rin!”

“You know that?”

“Bago mo pa malaman, nalaman ko na! Ako palagi ang first 'no!”

“I didn't ask about that all I ask is kung alam mo rin ba.”

“Tangina mo ang pangit mo kausap!”

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nilang dalawa kaya hindi ko na lang pinansin. Tinulungan ko ang maid na naghatid ng juice na ilagay ito ng maayos sa table kasama ang snacks. Hindi naman ito pinapansin ng dalawa dahil may tila mahalagang pinag-uusapan sila. Habang na sa kalagitnaan sila ng pag-iingay, nakarinig kami ng tunog ng gitara. Nagkatinginan kaming dalawa. Nagulat ako habang ang dalawa naman nakangisi.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now