CHAPTER 1.2

183 15 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Parang time laps lang ang lahat. Noong nakaraang buwan lang bakasyon namin tapos ngayon, heto, nakasakay na naman ako sa kotse para pumasok sa unang araw ng class ko as a fourth year student. This is very challenging for me dahil wala na si Halleina. She's not here to guide me, wala na rin akong ka-kuwentuhan sa gate habang naghihintay na bumukas.

After the party, hindi na kami nagkausap ni Bekay. Inisip ko na lang na baka nasabi niya lang 'yon dahil sa sobrang kalasingan. Makulit na siya that time. Kinalimutan ko na rin para sa ikatatahimik na buhay ko. Magugulo lang lalo ang lahat kung iintindihin ko at baka mas lalong mawala sa akin ang mga kaibigan ko kapag ako ang unang umiwas. Hahayaan ko muna silang magpakita ng mga epekto sa kanila pagkatapos ay saka ako kikilos kung ano ang makakaya kong gawin.

Napatingin ako sa labas ng kotse. Si mommy ang driver ko ngayon. Siya ang naghatid sa akin ngayong first day. Kung nandito pa sana si Halleina hindi na niya ako ihahatid. Magkasama na kaming dalawa sa kotse niya tapos nagku-kuwentuhan. Na-miss ko na agad siya. No'ng bakasyon pumunta ako ng Singapore kasama si tita para puntahan siya. Pinakain niya kami ng pagkain na naging dahilan kung bakit ilang araw akong pabalik-balik sa cr. Ang sinisi niya pa 'yong book of recipes na binigay ni kuya Thaddeus. Hindi na lang tanggapin na hindi talaga para sa kaniya ang pagluluto.

“Mukhang masaya ang first day mo, you're smiling.” Nawala ang ngiti sa labi ko. Napatingin ako sa rear view mirror kung saan nakatingin pala sa akin si mommy roon.

“Hindi naman po. Naalala ko lang si Halleina. Kumusta na kaya siya? Mas na-una kasing mag-start ang class sa Singapore tapos may mga summer classes pa siya. Feeling ko maganda roon. Bakit kaya hindi na lang ako doon mag-aral, mommy?”

“Dito ka lang sa Pilipinas, Shairylle. Aalis ka lang kapag umalis kami ng daddy mo. Hindi ka pa puwedeng tumira sa isang bahay ng ikaw lang.”

“Wala po ba kayong tiwala sa akin ni daddy? Malaki naman na ako! Fourth college na ako at hindi na baby!” Protesta ko. Gusto ko rin naman magkaroon ng laya hindi 'yong halos gusto na nila akong lagyan ng yaya sa tabi ko.

“Shairylle, makinig ka sa amin ng daddy mo! College ka pa lang! Alam namin ang dapat na para sa'yo kaya hangga't na sa tabi ka namin, kami ang masusunod sa kung ano ang gusto namin para sa'yo!” Bahagyang tumaas ang boses ni mommy sa akin na ikinatahimik ko.

Syempre, mananahimik na lang ako. Wala namang mangyayari kung ipaglalaban ko pa ang gusto ko. Sa mundo naming mga under ng magulang, kahit labag sa loob namin sinusunod namin. Bakit? Kasi kapag hindi namin sinunod magiging masamang anak kami. Magiging rebelde kami at sa kuwento nila, black ship kami. Nakakapanghina lang na maraming mga strict ang parents ang nahihirapang maging confident sa sarili. Nasanay silang naka-depende sila sa magulang nila kaya ang ending, hindi na nila alam paano mag-desisyon ng tama at maayos. Isa na ako roon.

Hanggang makarating ng school hindi na ako nagsalita. Bumaba ako sa kotse ng hindi man lang nagpapaalam kay mommy. Wala naman siyang pake. Basta umalis na agad siya nang makababa ako.

Marami ng taong naghihintay na bumukas ang gate. Dahil first day ngayon papasukan namin lahat ng subject. Ginala ko ang mata ko. Naghahanap ako kung sinong kakilala ko ang puwede kong makausap ngayong araw. Hindi talaga ako sanay ng wala si Halleina parang gusto ko na agad umiyak!

“Shai!” Rinig kong tawag sa akin. Nagpalingalinga ako upang mahanap ang tumawag sa akin.

May kumalabit sa likod ko. Agad ko itong hinarap.

“Jacob?!” Sa wakas may nahanap na rin ako na kakilala ko!

“Kanina pa kita hinihintay dito! Ang tagal mo!”

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now