CHAPTER 13.1

116 12 0
                                    

Continuation...

SHAIRYLLE'S POV

"GAGO KA BA?!" Nag-echo ang boses ko sa buong kuweba.

"Bakit mo ako hinalikan, ha?! Ha?! Sasapakin talaga kita oras na makita kita, tignan mo!" Pagbabanta ko sa kaniya. Hindi ko siya makita gawa ng madilim nga.

Maya-maya pa, biglang lumiwanag ang paligid dahil sa apoy. Agad siyang hinanap ng mata ko ngunit malayo siya akin. Nakangisi siya na para bang nang-aasar pa talaga. Pinanlakihan ko siya ng mata sa inis.

"Lumapit ka rito!" Nakadurong utos ko sa kaniya. Inilingan lamang niya ako. "Sinasabi ko sa'yo, Bekay lumapit ka rito! Bilisan mo masasapak kita!" Gigil na utos kong muli.

"Bakit pa ako lalapit sasapakin mo lang ako?" Humalukipkip siya sabay sandal ng kaniyang likod sa bato.

Inis akong napakuyom ng palad ko. Talagang kapag gumaling ang paa ko sisipain ko ang lalaking 'to! Handa akong maging kabayo masipa ko lang ang pagmumukha niya! How dare he?! Ang lakas ng loob niyang halikan ako! Mukha ba akong si Pixel na puwede niyang halik-halikan kung kailan niya gusto?! Kikiligin na sana ako, eh! Nakakakilig na sana kung hindi ko lang naalala na ginagawa niya rin pala sa mean girl na 'yon ang gano'n!

"Bwiset!" Bulalas ko sa inis.

Tumalikod ako sa gawi niya para hindi ko siya makita. Lalo lang akong naiinis. Hindi talaga ako makapaniwalang nagpahalik ako sa playboy. Oo, gilid lang ng labi 'yon pero counted pa rin 'yon para sa akin! Isang malaking counted ang ginawa niya at hindi ko 'yon matatanggap! Makatin mo ba namang halikan ako matapos niyang makipag-halikan sa ibang babae?! Isang malaking gago! Talagang tarantado!

"Galit ka pa?" Nagtanong pa talaga.

Pinili kong manahimik kaysa magsalita. Bahala siya diyan basta mananahimik ako rito. Sana lang may sumundo sa aming dalawa. Ayaw ko na agad siyang makasama. Nasira na ang mood ko ng gano'n lang.

"Still angry?"

Galit akong napaharap sa kaniya nang marinig na malapit lang siya sa akin. Akmang hahampasin ko siya ngunit mabilis na nasalo ng kamay niya ang kamay ko.

He smirked. "Ano bang kinagagalit mo, hm? Dahil ba hinalikan kita without your permission? I told you don't blame me." Pinatulis niya ang kaniyang nguso.

Engot!

"Tss!" I hissed. Ayan lang ang naisagot ko.

Binaba ko ang kamay ko na dapat hahampas sa kaniya. Tumalikod na lang akong muli. Walang punto ang pakiki-pagtalo ko sa kaniya. After all, si bekay pa rin siya. Siya pa rin ang kaibigan ko na magaling pagdating sa mga paliwanag.

"I'm sorry. I didn't mean to do that it's just..."

"Hayaan mo na. Hindi ko naman sasabihin kay Pixel 'yong ginawa mo." Magkakaroon lang ako ng dagdag kaaway.

"How come nadamay si Pixel dito?" May bahid ng pagka-pikon sa boses niya.

Hinarap ko siyang muli. "Nililigawan mo siya hindi ba? Malamang magagalit siya kapag nalaman niya na ang manliligaw niyang si Bekay humalik ng ibang babae. He took advantage the situation. Sino ngayon ang masama? Syempre ako! Sasabihin nila pumayag naman akong magpahalik kahit may boyfriend na ako kuno!" Mahabang rason ko. Hindi ko rin alam ang pinupunto ko sa totoo lang.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now