CHAPTER 18

113 9 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Matapos ang ilang araw na pagkakakulong, ngayon lang ulit ako pinalaya ni mommy. Para akong preso sa loob ng kuwarto ko. Hahatiran lang ng pagkain tapos ikukulong na naman. Kung walang pumuntang teacher hindi nila ako hahayaan. Ang dahilan pa nila nagkasakit ako. Sa ilang araw na pagkakakulong ko umasa akong pupuntahan ako ni Bekay ngunit wala akong narinig na bumisita siya. Gaano ba kalaki ang halaga ko para sa kaniya? Natiis niya ako nang limang araw. Sa limang araw na 'yon bakit kahit isang beses hindi man lang siya nagtangkang puntahan ako? Nakahanap ba agad siya o sadyang ayaw niya lang guluhin ako?

Bahala na, itatanong ko na lang mamaya. Tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha ko ngayon habang nakatingin sa nagda-drive ng kotse. Isa sa mga tauhan ni daddy na pinaka-ayaw ko dahil puppet din nila.

“Maghihintay po ako sa inyo dito, ma'am,” sabi nito nang makababa ako sa kotse.

“Tss, malamang sipsip ka kay daddy, eh.” Mahinang bulong ko sabay irap.

“Ano po?” Bingi rin pala ang driver na 'to.

“Wala! Ang sabi ko sige lang po!” Peke ko siyang nginitian.

“Ah... akala ko po may sinasabi kayo na hindi maganda.” Magsasabi pa ba ako no'n mukha mo nga hindi na magandang tignan.

Inirapan ko na lang siya sabay talikod. Alam kong pinababantayan din ako ni mommy kaya hindi na ako puwedeng sumuot kung saan-saan. Mamaya hahanap ako ng chance para makapunta sa treehouse ni Bekay.

Dumeretso ako sa locker ko upang kumuha ng mga libro. Nang buksan ko ito, maraming envelope na red ang nalaglag mula rito. Iisa lang ang pangalan ng pinagmulan ng envelope lahat galing kay Bem. Buti pa ang lalaking 'to hindi ako nakalimutan. Dinampot ko lahat nang envelope at binasa ang mga nakasulat dito.

Hindi kita nakikita ilang araw na. May nangyari ba sa'yong masama, Boink?

Hey, what happened to you? I heard you're sick?

I want to visit you but I can't. Ang dami ring pinagagawa sa school.

I miss your presence, Boink!

I ask Colleen to visit you pero no'ng pumunta raw siya sa inyo hindi siya pinayagang pumasok. I told her to check you for me but she said hindi niya nagawa dahil binabantayan ka ng husto. What exactly happened to you?

Magkakilala na sila ni Colleen. Hindi kaya siya ang lalaking kausap ni Colleen sa party? Kung gayon nga siya rin ang may kasalanan at nagtulak kay Karen? Pinilig ko ang akong ulo sabay tinago ang mga letter. Kinuha ko ang kuwintas kong may baboy na palawit sabay sinuot iyon. Tinago ko lang sa ilalim ng damit ko. Ayaw ni mommy na nakikita sa akin ang kuwintas na ito dahil mukha raw akong tanga. Bago ako umalis, siniguro ko munang naka-lock ang locker ko. Mahirap na baka manakawan ako o kaya naman may sumira ng mga gamit ko.

Habang naglalakad ako papuntang building kung saan ang room ko ngayon, bigla akong naramdaman ng kakaibang kaba. Parang may kung anong hindi magandang mangyayari ngayon. I suddenly feel unwell. Napahawak ako sa dibdib ko sabay pilig ng ulo ko. Not today. Kailangan ko pang maka-usap si Bekay at mag-sorry sa kaniya sa nangyari.

Nang makapasok ako sa room, katahimikan ang bumungad sa akin. Lahat sila busy sa pagre-review. Nawala lang ako sumipag na lahat ng kaklase ko. Akala ko ba tamad ang pamilya namin? Scammer pala 'tong mga 'to.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now