CHAPTER 26.1

104 12 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Kanina pa ang buntong-hininga ko. Hindi ako mapakali sa kina-uupuan ko. Nakasuot ako ngayon ng crop top na white at blue jeans. Ito ang una naming isusuot kapag nagpakilala kami after ng intermission number. Kinakabahan ako na baka makalimutan ko ang step lalo na't maraming taong manonood ngayon. Ang iba ay bisita, mga magulang, at mga taga-ibang school. Until now I don't know the purpose of joining this pageant. Ngayon pa lang gusto ko ng umatras.

“Huwag kang kabahan. Kapag tumingin ka sa mga tao isipin mo mga fake screen lang sila. Huwag mong isipin na tao sila.”

“Dapat ko bang isipin na hayop sila?” Pabirong sabi ko matakpan lang ang kabang nararamdaman ko.

Poker face lang ang binato sa akin ni Colleen. Sabi ko nga ang corny ng joke ko. Ayaw ko na nga hindi na ulit!

“Oo nga pala.” Nilapag niya ang napakalaking bouquet sa table ko. “Kanina ko pa sana gustong ibigay 'yan sa'yo kaso ayaw matapos sa kapupunta ng mga bisita mo. Galing kay Khyzio 'yan. Sinabi niya sa akin na ibigay ko sa'yo and congratulations daw.”

“G-Galing sa kaniya?” Nagkakamali ba ako ng dinig?

Isang beses siyang tumango. “Masasabi ko na kahit hindi siya showy sa nararamdaman niya halatang gusto ka pa niya. Hindi naman magpapadala 'yan ng ganiyan kung hindi ka niya gusto.” Tinapik niya ako sa balikat. “Be ready, tatawagin na kayo mamaya lang,” sabi niya bago lumabas.

Napatitig ako sa bulaklak na nasa harapan. Puro ito red roses at ang nag-iisang puti ay na sa gitna. Kinuha ko ito pagkatapos inamoy. Ang bango niya. Sayang lang hindi siya mismo ang nagbigay sa akin nito. Magiging masaya sana ang araw ko kung siya ang nagbigay sa akin. Habang masinsin kong tinitignan ang roses napansin kong may naka-ipit na letter sa gitna nito. Nagda-dalawang isip pa akong buksan ito pero sa bandang huli nanaig pa rin ang curiosity ko. No one can beat someone's curiosity talaga.

“Ano naman 'to?” Nagtatakang tanong ko habang binabali-baliktad ang envelope na hindi kalakihan sa kamay ko.

Nilapag ko sandali ang bouquet at binuksan iyon. Pati amoy ng papel ang bago, ah. Nilagyan ba nila ng pabango ang papel na 'to?

Shai,

Reading this letter means I am already far from you. Sorry for not telling you I really need to do this for your safety. Your parents resent me for having a ex-convict father. They hate me and always told me that I am not good enough for you. I am just a trash, a son of a trash. Wala akong balak saktan ka dahil mahalaga ka sa akin pero ginawa ko pa rin dahil inutos ng magulang mo. Maybe we are not meant to be. But don't worry, my dear Shai, you will always remain in my heart.

Nanginig ako nang mabasa ko ang nakasulat sa letter. Hindi ko alam ang magiging reaction ko after ko iyong mabasa. Knowing na parents ko mismo... sila mismo ang dahilan kung bakit ako nilayaun ni Khyzio. Sila ang naging reason kung bakit nagka-ganon siya. Nang tutulo na ang luha ko hindi ito natuloy dahil sa narinig kong pagtawag sa candidates. Mabilis kong binalik sa envelope ang papel tapos siniksik muli sa flower bago tumayo at tumakbo palabas. Mamaya ko na intindihin ang bagay na 'yon. Sa ngayon, kailangan ko munang tapusin itong sinimulan ko. Magtatanong ako mamaya kayla mommy.

Nang ma-ipon na kami sa gitna ng stage at na sa tamang position na, nagsimula nang tumugtog ang music. Sinabayan ko lang ang galaw ng mga na sa unahan ko. Sabi nga nila walang masama kung kokopya ka basta sa tama. Hindi naman ako pinanganak para maging dancer 'no. Kung hindi rin ako tinuruan ni Colleen ng step na 'to hindi ako matututo.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now