CHAPTER 28

94 14 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Ilang araw ng naka-lock ang pinto ng kuwarto ko. Wala na akong ginawa kung 'di magmukmok sa isang tabi at umiyak sa tuwing maaalala ang mga sinabi ni mommy. My life is so miserable and I can't imagine it. I thought they just want me to be a good girl para walang masabi sa kanila ang ibang tao. Higit pa pala roon ang dahilan nila. Tanggap kong hindi nila ako tunay na anak, hindi ko tanggap na pinalaki nila ako para parusahan. Sana ako na lang ang namatay sa sunog imbis na anak nila.

Being alive is not a blessing anymore. Buhay nga ako pero patay naman ako sa paningin nila. Pinalaki nga nila ako at pinagamit ng apelyido nila pero hindi naman nila ako tinuring na anak. They just raised me for their satisfying revenge. I have nothing to do but to understand their feelings.

“Yaya!” Tawag ko kay yaya. She's outside the door, guarding me. Naka-lock na ang pinto pero bantay-sarado pa rin ako.

“May kailangan ka?” Sagot nito sa akim mula sa labas.

“Paki sabi kay mommy gusto ko siyang makausap.” Bumuga ako ng hangin. I made up my mind. I will marry that man for the sake of their kindness.

“Maghintay ka tatawagin ko.”

Tumayo ako at humarap sa salamin. Pinagmasdan ko ang hinti mapintang hitsura ko. Gulo-gulo ang buhok ko. Limang araw ba namang walang suklay. Sobrang laki na rin ng eye bags ko halatang umiyak ng husto. Maputla rin ang hitsura ko. Wala akong maayos na tulog at kain. Kinuha ko ang mga pang-paganda na nasa harapan ko at inayusan ang sarili ko. Naliligo naman ako ayaw ko lang magsuklay, wala ako sa mood. Nagda-drama lang ako pero hindi no'n ma-a-apektuhan ang pagligo ko. Baka mas ikamatay ko kapag pinagbawalan akong maligo.

Narinig ko ang pagbukas ng lock. Binaba ko ang hawak kong pulbo. Tumayo ako at bumalik sa pahkaka-upo sa kama ko.

“May sasabihin ka ba sa akin? Siguraduhin mo lang na importante 'yan dahil wala akong balak na makipag-usap sa kagaya mo,” malamig na saad ni mommy nang makapasok siya. Kung dati malamig ang pakikitungo niya sa akin, mas lalo na ngayon. Kung tignan niya ako parang isang nilalang na walang karapatang mabuhay.

Humugot ako ng hangin sabay buga. “P-Pakakasalan ko na... na po si J-Jacob.” Nakatungong sabi ko. I gulped.

“Mabuti naman at naisip mo na 'yan. Ang akala ko pahihirapan mo pa akong pilitin ka. Akala ko gusto mong ako pa ang maghubad ng damit mo at magsuot ng wedding gown mo sa'yo. Masyado ka namang sinu-suwerte kung gano'n.” She scoffed. I can't feel her eyes looking at me. “Magpapakasal na kayo in two days kaya kung may gusto kang gawin, gawin mo na. Bibigyan kita ng kalayaan.”

I bit my lips. “May gusto lang po akong puntahan ngayong araw.” Inangat ko ang ulo ko at nakitang nakasalubong ang kilay ni mommy.

“Sino?” Pamalditang tanong niya.

Pilit akong ngumiti. “Don't worry, mom hindi naman ako pupunta sa iniisip mo. Gusto ko lang lumanghap ng fresh air. Pinasusundan mo naman ako palagi kaya kahit hindi ko sabihin sa'yo alam na alam mo.” May bahid ng pagiging sarkastiko ang tinig ng pananalita ko.

Inirapan ako ni mommy. “May limang oras ka lang para gumala. Wala na akong pake kung saan ka pupunta basta limang oras lang,” nakatingin sa relong aniya. Tumingin siyang muli sa akin sabay taas ng kaniyang kilay. “Pagkakatiwalaan kita ngayon, Shairylle pero oras na tumakas ka, alam mo ang mangyayari sa Bekay na 'yon!” Ginamit na naman niya si Bekay. Tumango na lang ako.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now