CHAPTER 29

100 12 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko, naghahanda na rin ako para sa panibagong buhay na haharapin ko. Mamaya lang ikakasal na ako. Bukas iba na ang buhay ko. Masaya ako dahil sa pamamagitan nito mababayaran ko na ang ginawa sa akin ng mga nagpalaki sa akin. May ilang oras pa ako para maghanda kaya naman nagdesisyon akong maglibot-libot muna sa hotel na ni-reserve ng pamilya ni Jacob. Sila ang gumastos sa lahat.

Tinitignan ko ang mga taong busy sa pag-aayos ng reception venue. Halos lahat abala sa pagse-set up ng mga dekorasyon. Mukhang masaya ang kasal pero pakiramdam ko na sa lamay ako. Gusto kong tumakas habang papalapit nang papalapit ang oras. Hindi naman bukal sa loob ko na pakasalan siya. Magulang ko lang ang may gusto.

“Bakit nandito ka sa labas? Hindi ba dapat na sa kuwarto ka?” Bati sa akin ni yaya nang makita akong naglilibot.

Umiling ako sabay ngumiti. “Napadaan lang po ako, yaya. Gusto ko lang maglibot dahil nabuburyong ako sa kuwarto ko.” Wala man lang akong kausap kahit isa.

“Bumalik ka na baka magkita pa kayo ng mapapangasawa mo rito! Alam mo namang na sa pamahiin na bawal magkita ang mag-asawa bago ikasal dahil baka hindi matuloy ang kasal!” Magiging masaya pa ako kung matutupad nga 'yon.

Wala na akong nagawa kung 'di sundin na lang ang utos ni yaya. Baka isumbong pa niya ako kay mommy tapos isipin naman ni mommy na tatakas ako kaya lumalabas ako. Umakyat na lang ako pabalik sa floor kung saan ang room ko. Na sa VIP kami ni Jacob. Bahagyang magkalayo ang room namin pero walking in distance lang. Nagpapalinga-linga ako dahil baka mag mapansin akong kakilala ko. Yayayain ko lang para may kausap naman ako sa loob ng kuwarto. Sa lahat ng ayaw ko mag-isa ako. Mas lalo kong nararamdaman ang lungkot kapag ako lang ang na sa isang kuwarto.

“Anong balak mo?” Dinig kong tinig nang mapadaan ako sa kuwarto ni Jacob. Bahagyang nakabukas ang pinto.

Walang ingay akong lumapit ang sinilip ang narinig kong tinig sa maliit na bukas. Although hindi ko makita ng maayos pero base sa kamay na hawak niya, babae ito. Sino naman ang babaeng kausap niya? Pamilyar din ang sa akin ang boses nito. Dinikit ko ang tainga ko sa pinto upang marinig ang pinag-uusapan nila. Hindi ako chismosa sila ang nagbigay ng motibo para makinig ako.

“Anong balak ang sinasabi mo?”

“Jacob naman, ih! Syempre sa atin! Pakakasalan mo talaga ng bruha na 'yon! Nakita mo naman na ang hitsura niya hindi ba?!”

Ako ba ang tinutukoy at pinag-uusapan nila?

Mas idinikit ko pa ang tainga ko. Hindi p'wedeng hindi ko marinig ang mga sasabihin nila.

“Kahit naman ayaw ko, Karen wala akong choice.”

Tama pala ako na si Karen ang kausap niya pero, ano raw? Ayaw niya raw talaga akong pakasalan? Pinagloloko ba ako ng lalaking 'to?

“Huwag mo na lang siyang pakasalan, please! Hayaan mo na siya! Tumakas na lang tayong dalawa!”

“Hindi nga p'wede! Hindi p'wede dahil kapag hindi ko pinakasalan si Shairylle hindi ko makukuha ang manang binigay sa akin ni daddy! Maghihiwalay na sila ni mommy, kailangan ko ng makuha ang mana ko!”

“Pero... paano 'yong baby natin? Paano 'tong dinadala ko sa tiyan ko? Jacob, natatakot ako! Baka saktan na naman ako no'ng lalaking 'yon!”

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now