CHAPTER 5.2

172 16 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

“Oh, the ugly duckling is here!” Ang pangit naman talaga ng umaga ko, oo! Minalas na nga ako kanina, mamalasin pa ako ngayon.

“Ano na naman ba, Karen?” Walang buhay na tanong ko sa kaniya.

“Kaaway mo siya?” Kasama na rin pala niya si Pixel ngayon. Nag-join force pa ang dalawang mean girl.

“Oo, siya lang naman ang lumalandi kay Jaced. Para sa akin pero inaagaw niya.”

“Eh, 'di kaaway ko na rin siya.” Pake ko naman sa'yo, girl.

“Sa'yo ba talaga?” Nakangiwing tanong ko sa kaniya.

“Ikaw...” Dinuro niya ako. She flipped her hair as she crossed her arms. “Masyadong mahalaga ang oras ko para sayangin sa'yo. Sinabi ko ng lumayo ka kay Jacob pero ayaw mo pa rin. Gusto mo ba talaga ng away sa pagitan natin?”

Napagulong na lamang ako ng mata ko. “Wala naman kasing gustong umaway sa'yo. Ewan ko ba sa'yo kung bakit pinalalayo mo ako sa kaibigan ko, eh kaibigan ko 'yon. Siya na ang bahala kung gusto niyang lumayo o hindi.”

“Sinungaling! You are his girlfriend tapos sasabihin mo kaibigan lang?! Stop your nonsense, bitch!”

Luh? Oo nga pala girlfriend ang pakilala sa akin Jacob. Talagang ang laking problema ng lalaki na 'yon.

“Oh, I remember that bitch!” Singit ni Pixel na hapit na naman ang suot na palda. “Ikaw 'yong kasama ni Khyzio, right? You are that ugly bitch. Kaya naman pala ang familiar mo. Medyo blooming ka lang ngayon pero hindi naitago ang pagiging pangit mo, eww!” Panglalait niya sa akin na may halong pandidiri.

“Nagsama pa talaga kayong dalawa. Maganda nga mga wala namang utak!” Pabulong na sabi ko. Umiling ako.

“Sinong walang utak?! Are you referring to us, bitch?!”

Opss, mukhang matalas ang pandinig ng ex girlfriend ni Jacob. Kailangan ko 'tong panindigan.

“Wala naman akong sinabi. Bakit? Tinamaan ka ba? Sorry, ha. Hindi ko gustong tamaan ka kaso sumapol sa'yo. Hindi ka magaling umilag.” Nginisihan ko siya upang lalo pa siyang magalit.

Susugurin niya sana ako ng sampal ngunit may sumalo na nito. Finally, nangyari na rin sa akin ang ganitong set up. Tinignan ko kung sino ang sumalo—si Jacob.

“If you hurt her, I will not hesitate to hurt you.” Marahas niyang binitawan ang kamay nito.

“Bakit siyang pinagtatanggol mo?! Ako ang sinabihan niya ng masama yet you still kampi-kampi to her! Hello, hindi ikaw 'yan, Jacob!”

Kampi-kampi amputa! Jejemon!

Kinagat ko na lang ang loob ng pisngi ko upang mapigilan ang tawa ko. Natatawa lang naman ako sa sinabi niya. Ang babaw na talaga ng kaligayahan ko ngayon.

“This is not really me. I am not the same as before. She's my girlfriend of course kakampihan ko siya. Ano bang inaasahan ng isang ex na kagaya mo?” Woah! Mabigat na salita 'yon!

Nanubig ang mata ni Karen. Hindi ko alam na best actress din pala ang babaeng 'to. Siguro kapag artista 'to tapos ako 'yong direktor pinatay ko na siya. Ang galing umarte.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now