CHAPTER 12.1

115 14 0
                                    

Continuation....

SHAIRYLLE'S POV

Lakad. Puro na lang lakad. Wala yatang katapusan ang lakad na 'to. Sabi ko na nga ba dapat hindi na lang ako sumama. Laking pagsisisi ko na pumayag ang mga magulang ko na sumama ako. Sino ba kasing may sabi na gusto ko ang mga ganitong bagay? Ang gusto ko lang manahimik sa bahay namin. Hingal na hingal na ako habang binabaybay namin ang matarik na daan. Pataas ito at halos puro batuhan. Na-una ng ilang minuto sa amin si Jacob.

“Mamatay yata ako rito!”

“Huwag muna! Mamatay ka na sa susunod huwag ka lang mamatay na single!”

“Inamo! Hanggang dito ba naman jowa pa rin ang iniisip mo?! Wala kang masusungkit na lalaki rito, gaga! Engkanto lang kung desperada ka na talaga!”

“Akala ko simpleng camping at hiking lang 'to hindi naman sinabing ganito pala ang daan.”

“Huwag na kayo mag-reklamo! Malapit na tayo!”

“Kanina pa 'yang malapit mo, Sir, eh!”

“Oo nga! Malapit na nga tayo mga 1 hour na lang!”

Lalong lumakas ang angal ng mga kasama namin. Bigla ring nanghina ang tuhod ko sa sinabing iyon. Huminto ako sandali sa paglalakad. Nakahawak ako sa dalawang tuhod ko. Kulang na lang lumawit na ang dila ko sa sobrang hingal.

“Kaya mo pa?” Tanong ng kasabay ko. Walang iba kung 'di si Bekay.

Inilingan ko siya. “Kaya pa 'to. Hindi naman nakamamatay 'tong hiking na 'to!” Naalala ko wala pala akong dalang nebulizer.

Hinawakan ko ang dibdib kong nagpa-palpitate sa sobrang hingal. Kailangan ko ng magdahan-dahan dahil baka atakihin ako rito. Hindi man lang nila tinanong ang medical condition ng mga student. Kung sabagay, hindi rin alam ng magulang ko na may asthma ako. Pati mga kaibigan ko hindi alam na may asthma ako. Nililihim ko 'yon sa kanila gawa ng ayaw ko silang mag-alala sa akin. Magiging pabigat lang din ako kapag nalaman nilang may sakit ako. Baka isipin nila ginagawa ko ng rason ang sakit ko.

Napatuwid ako ng tayo nang may yumuko sa harapan ko. Nagulat pa ako dahil nakatulis ang puwit niya sa may mukha ko. Sasampalin ko ba 'yon o susundutin?

“A-Anong ginagawa mo?” Naiilang na tanong ko. Hindi ako sanay na may tumutuwad sa harapan ko.

“Let me carry you. Ibababa na lang kita sa patag.”

“H-Huh?”

Nilingon niya ako. “Bingi ka ba o bingi ka lang? Ang sabi ko bubuhatin kita hanggang sa patag na ang daan. Kapag maayos na ang daan ibababa na kita. May hindi ka pa ba gets sa sinabi ko?” May halong iritang ulit niya sa sinabi niya.

“H-Hindi na!” Tanggi ko. “M-Mabigat ako at saka k-kaya ko naman 'no! Malakas pa ako!” Magpapagulong na lang ako mamaya pababa kapag hindi ko na kaya.

“Ang dami mong satsat nakakainis!”

Malakas akong napatili nang hawakan ng dalawang kamay niya ang magkabilang hita ko at kusa akong ihilig sa likuran niya. Napakapit ako sa balikat niya sa takot na baka mahulog ako.

“I-Ibaba mo nga ako!” Mariing utos ko sa kaniya.

“Manahimik. This is not big deal.” Nagsimula na siyang maglakad.

Kita namang nahihirapan na siya. Mabigat ako tapos mabigat pa ang dalawang bag na dala niya. Naaawa ako sa kaniya.

“Ibaba mo na ako ayaw kong maging pabigat sa'yo,” umiwas ako ng tingin.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now