Chapter 1

8.9K 200 86
                                    

A/N: Unedited



Arcane Kalea Lee

Bagong araw, bagong stress. Ito nanaman ako sa buhay kong puno nang pighati. Papa God, have mercy on me.

Napatingin ako sa harapan ng salamin. Napaatras ako bigla dahil sa gulat. "Akala ko kung ano na, ako lang pala."

Napabuntong hininga ako habang nakatitig mula sa repleksyon ng muka ko. Nag tutubuan nanaman yung pimples ko. Nagpapa'derma naman ako pero ayaw parin matanggal.

"Kalie! Late kana! Ano ba? hindi ka ba papasok?!" Sigaw ni Mommy, mula sa labas ng kwarto ko.

"Ito na po mommy.. wait lang po!"

Tumayo ako at kinuha ko ang bag ko. Paalis na sana ako nang bumalik ulit ako para tignan ang sarili ko sa salamin. "Itsura ko, sakit sa mata."

Kinuha ko yung hair clip na regalo saakin ni Violet at inipit ko yun sa gilid ng hair ko.

"Ang cute.." kinikilig na sambit ko.

Habang nasa biyahe kami papunta nang Albany Medical University. Nagtatanong si Dada about study namin.

"Okay naman po Dada, actually yakang-yaka ko lang ang Med. Mana ako sa inyo na matalino." Nakangiting saad ko. Gumanti naman nang ngiti si Dada.

"Talino lang, pero yung muka malayo." Natatawang saad ng kapatid ko. Kaya tinanggal ko yung isang sapatos at binato ko sa muka nya. Pero mabilis syang nakailag kaya napahagalpak ito ng tawa.

"Tama na yan Sharpay. Wag kang ganyan sa Ate mo. Kamuka ko ang Ate Kalie mo noong ganyang edad ko."

"Sinasabi ko lang naman yung totoo Dada... pero Dada marami ka din bang pimples noong ganyang edad mo? Nerd ka din ba noon?" Nang-aasar na tanong ni Sharpay kay Dada, habang nakatingin saakin.

"Isa pa! Papaduguin ko yang bibig mo!" Bulyaw ko. Nagmake-face lang ito kaya mas lalo akong nainis.

Pagdating sa harapan ng University. Humugot ako ng malamim na paghinga. Chin-up. Raise Eyebrow at straight body akong naglakad papasok. Full of confidence.

"Look girls, tignan mo nga naman. Hoy Kalea! Akala mo may nagbago sayo pag mag-suot ka nyan?"

Nahintuan ako at payuko. Habang si Chiara palapit na saakin. Nang makalapit sya ay hinalbot nya mula sa buhok ko yung hair clip na gift ni Violet. Nilalag nya yun sa lupa at tinapakan kaya nasira yun.

Napaluhod ako at pilit na kinukuha yun mula sa pagkakatapak nya. Naginit ang gilid ng mga mata ko at tuluyan nalang akong naiyak.

"Mabuti pa bilihan mo kami ng strawberry yogurt sa cafeteria nang matuwa naman ako sayo. Dali!.. hindi yung nagmamaganda ka dyan. Panget naman." Utos nya. Nagtawanan ang mga kasama nyang babae.

Dinuro pa nya ang noo ko, gamit ang daliri nya. Napakuyom ako ng kamay dahil sa galit pero nang makita yun ni Chiara agad nya akong tinakot na ipapabugbog sa mga alagad nya.

"Dalian mo! Strawberry yogurt ah! Ikaw na bahala magbayad tutal mayaman naman kayo!" Nakangising anas nito habang naka crossed arm.

Tumayo nalang ako at nagtungo sa cafeteria para bumili ng strawberry yogurt.

"Kalea, kamusta na? Ang dami mo naman binibiling yogurt? Para sayo lahat ng yan?"

"Hindi po Manang Mercy. Para po sa mga classmates ko. Gusto nyo po ba? Bibilihan ko din kayo." Nakangiting saad ko.

"Wag na iha, hindi ako mahilig sa ganyan.. ay oo nga pala. Ito para sayo. Pag magutom ka kainin mo. Bigay saakin ng Criminology student. Kaso hindi saakin pwede ang matatamis dahil alam mo naman diabetic ako."

Unspoken Beauty (Intersex)Where stories live. Discover now