Chapter 3

5.1K 151 43
                                    

A/N: Unedited. Good morning, binago ko yung title ng book na ito from Passionate Embrace to Unspoken Beauty. Initially passionate embrace talaga sana kung yung girl na vlogger ang partner ni Yain. But dahil request ng readers na iship si Kalea kay Yain. Need ko baguhin yung title kasi hindi ako maka-connect sa 'passionate Embrace' haha!




Arcane Kalea Lee

"Ate kalie,gumising ka na daw! Tanghali na!"

"Ano ba! Aga-aga pa.." saad ko habang nakataklob ng unan ang muka ko.

"Tanghali na nga. 9:00 na oh! hindi ka ba sasama saamin para mag-shopping?"

Pinilit kong umupo at saka tinignan si Sharpay. Napaatras sya at nabitawan nya yung hawak nyang Bluetooth case.

"Holy crap! Ano yang itsura mo!" Gulat na asik nya. Napahawak ako sa muka ko at nagtaka.

"Huh? Bakit anong meron sa muka ko?"

"Tignan mo sarili mo sa salamin." Naiiling na anas nya.

Mabilis akong tumayo at patakbong nagtungo sa salamin. Napabagsak ang balikat ko nang makita ko ang mga pimples sa face ko. Nagtutubuan nanaman sila at mas lumala pa ngayon. Ang itim din ng mata ko dahil waterproof yung mascara at eyeliner na nabili ko kaya hindi ko matanggal kahit maghilamos ako.

"Hindi ako naniniwala sa love at first sight, pero kung ganyang muka sayo ang makikita ko baka sa Blind at first sight, maniniwala na ako." Natatawang pang-aasar nya.

Mabilis kong kinuha yung hair brush sa table at saka ko yun binato kay Sharpay. Natamaan sya sa noo kaya galit na galit syang lumabas ng kwarto ko at nagsumbong kay Mommy.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag message ako kay Violet kung paano ko matatanggal yung waterproof eyeliner and mascara ang sabi nya may nabibiling make up remover. Pero kung hindi pa ako nakakabili pwedeng alternative yung baby oil basta hilamusan ko lang maigi para hindi mag-clog sa pores ko yung oil.

After ko maligo, nagbihis ako ng fit na lavander skirt at black na t-shirt. Tinuck-in ko yun saka ko pinartneran ng punk leather combat boots. Para akong rakista pero cute. Nagmake up din ako at nag-iba nanaman ang itsura ko. Ang ganda pagmasdan ng muka ko pag nakamake-up ako. Ibang-iba kasi. Kinuha ko ang pang curl ko ng hair saka ko kinulot ang buhok. Define lang ang ginawa ko na medyo soft look para natural ang dating. And viola! Pwede na rumampa.

Bumaba na ako papunta ng lounge area. Everyone is waiting there. Si Dada nagbabasa ng libro, si Mommy nilalagyan ng coldpack yung noo ni Sharpay. Mukang nabukulan kasi.

Nang makita nila ako ay nahintuan sila. Si Sharpay nakasimangot parin.

"Nandito na pala ang scammer." Naiinis na saad nya habang nag iismid.

"Anong scammer ang pinagsasabi mo dyan Sharpay?!" Masungit na asik ko.

"Scammer ka naman talaga, diba ikaw yung trending na girl na kamuka ni Jenna Kin ng Blacklick. Kung malalaman lang nila na iba pala itsura mo pag walang make-up siguradong pagtatawanan ka nila."

Sumimangot ako at umupo sa couch. Naisip ko lang din. Tama naman si Sharpay. Sikat na kasi yung pictures ko sa Stargram. At trending din ngayon, kung malalaman ng mga tao na ako lang pala yung nerd na babae sa Albany, siguradong ibabash ako ng mga tao.

"Tama na yan... Ikaw Sharpay imbis na matuwa ka dahil natututo nang mag-ayos ang Ate Kalie mo, ganyan ka pa magsalita. Dapat nga ikaw ang unang magiging proud para sa kanya." Sermon ni Dada. I just make my face fun while rolling my eyes at her. Halata tuloy sa face nya ang annoyance.

Di nakasagot si Sharpay. Muling nag'ismid lang ito saka kinuha ang cellphone nya at nag games.

Pagdating namin sa mall, nag lunch muna kami with my family. Mabilis ko lang inubos ang food ko at ganon din si Sharpay.

Unspoken Beauty (Intersex)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz