Chapter 18

3.6K 132 66
                                    

A/N: Unedited



Gianna Kayein Lèandre

Present..


"Congratulations Sergeant Kayein."

"Sayo din Jade."

After a long year of studying and trainings, I have finally completed it. I am now a fully-fledged Intelligence Team under the Delta Division. Makakalabas na din kami bukas sa Camp Delta at uuwi sa mga kanya-kanya naming bahay.

"Excited na ako umuwi, makakapag walwal din sa wakas!" Masayang saad ni Amber.

"Guys nagpadala ng beer and foods si Chief General Lèandre at pinapasabi nya na congratulations daw." Masayang saad ni Command Major Greg habang bitbit nito ang isang case ng beer.

"Gosh! Latag na yan. Nauuhaw na ako. Ang tagal kong tiniis yan." Excited na saad naman ni Sergeant Candy.

Nang mailapag na yung beer and foods agad na kumuha sina Katelyn at Hanna ng alak saka kami binigyan nang tig-iisang bottled beer. Binuksan ko yung beer at aakmang iinumin ko na sana nang lumapit saakin si Lieutenant Blaire.

"Cheers?"

Matipid akong ngumiti saka ako nakipag-toast sa kanya. Umupo si Lieutenant Blaire sa tabi ko saka nakipag-kwentuhan.

"Anong plan mo paglabas dito?" Tanong nya.

"Hmmn.. Kakausapin ko yung girlfriend ko st makikipag kita sa kanya kung nakabalik na sya sa Philippines, pero kung hindi pa, tatawagan ko sya."

"May Girlfriend ka pala Sergeant Kayein? Sa apat na taon na magkakasama tayo dito sa Camp Delta ni isang beses hindi mo nabanggit yan."

Napangiti ako saka tinapik ang balikat ni Lieutenant Blaire.

"Meron akong girlfriend Lieutenant, hindi ko lang nakukwento sa inyo, hindi kasi ako mahilig magkwento.."

"Ow! I see. Goodluck  Sergeant Kayein, sana makausap mo sya."

"Salamat Lieutenant Blaire, enjoy din kayo ni Katelyn sa vacation nyo sa Palawan."

"Yeah, Excited na nga si Katelyn."

Nakisali kami ni Blaire sa Delta team. Nagpatugtog si Jade ng disco song at nauna ng sumayaw si Command Major Greg, sumayaw din si Master Sergeant Marco, Doc. Yunjin at Kyrie. Yung mga girls hindi rin nagpatalo. Niyaya nila kami ni Lieutenant Blaire na sumayaw pero tumanggi kami hindi kasi ako mahilig sumayaw at ganon din si Lieutenant Blaire kaya nanood nalang kami.

Lumipas ang oras, tulog na yung mga kasama ko dahil sa kalasingan. Ako naman inayos ko na yung mga gamit ko para bukas nakaready na. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil  makakausap ko na si Kalie bukas. Kung mahaba nga lang ang vacation baka pinuntahan ko pa sya sa Paris kung hindi pa sya nakakabalik sa Philippines. Sobrang miss ko na sya. Ang tagal namin na hindi nagkita at nagka-usap. Ano na kayang hitsura nya? Siguro mas lalo syang gumanda at sumexy. Hiniga ko ang katawan ko sa bed ko saka ko pinikit ang mata ko. Hindi ko namalayan at nakatulog na ako.

The following day. We woke up early because the Intelligence Unit would be taking us to our respective houses. Parang mga lantang gulay ang mga kasama ko dahil sa hang-over at antok. Hindi tuloy namin mapigil ni Lieutenant Blaire ang matawa. Kami lang kasi ang hindi nalasing kagabi.

Unspoken Beauty (Intersex)Where stories live. Discover now