Chapter 12

5.3K 169 37
                                    

A/N:Unedited


Arcane Kalea Lee

The next day, habang naglalakad kami ni Yain papunta ng University Cafe para magbreakfast. Napansin ko na nakatingin nanaman saakin ang mga tao. Though this is not my first time na pagtinginan, but I just felt something odd today.

"Are you okay?" Tanong ni Yain. Napansin yata nya ang uneasiness ko.

"Nakatingin nanaman sila saakin Yain, tapos nagbubulungan pa." Sagot ko nang may pag-aalala.

"Hindi ka parin sanay? Diba palagi naman ganyan mga yan?"

Di ako sumagot, ngumiti si Yain saka nya hinawakan ang kamay ko. Gumaan tuloy ang pakiramdam ko. Nag order sya ng coffee and sandwich saka kami umupo sa pinaka dulong table para hindi kami masyadong mapansin ng mga tao. Habang hinahantay ang order namin. May tatlong lalake ang lumapit table namin. Napatingin ako sa kanila, mukang mga taga Tourism sila, base narin sa lapel nila.

"Ikaw si Kalea Lee diba?" Tanong ng isang lalake.

"Ako nga, bakit?" Tanong ko din, pero nagtawanan sila kaya napa-ismid ako.

"How much one hour mo?" Nakatawang tanong nito.

Nahintuan ako, at kahit si Yain napatingin sa kanila. Anong pinagsasabi ng mga lalakeng ito? Hindi ko ma-gets.

"What do you mean?" Muling tanong ko.

"Call girl ka diba? Bibilhin ko one hour mo."

Napatayo si Yain at saka nya hinawakan ang kwelyo ng lalake.

"Anong sinabi mo na call girl sya? Bawiin mo yang sinabi mo kundi babasagin ko yang bungo mo." Galit na sabi ni Yain.

Agad kong nilapitan si Yain para pakalmahin sya. Hindi sya pwede ma-involve sa trouble dahil graduating na sya at criminology pa baka masuspend sya nang dahil lang saakin.

"Talaga naman, di mo ba alam? Diba lagi kayong magkasama?."

Napakuyom ang kamay ni Yain at gigil sya na napakagat sa labi nya.

"Yain, hayaan mo na sila please. Sanay na akong mabully. Wag mo na sila patulan baka magka-problema ka pa dito sa school nang dahil lang saakin."

"Lumayas kayo dito! Wag na wag kayong tatlo magpapakita pa saakin baka hindi ako makapagpigil!" Asik ni Yain saka nya tinulak yung lalake kaya napaupo ito sa sahig. Umalis yung mga lalake. Ang daming nag vivideo sa paligid. Sigurado na trending nanaman ako nito.

"Yain..."

"Dalian mo kumain, pupunta pa ako sa department ni Sue." Utos ni Yain saka nya kinuha ang cellphone nya na tila may tinitignan sya doon.

"Ano bang meron? Bakit nila ako tinatawag na call girl?" Tanong ko. kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang Stargram ko. Baka kasi may kung ano nanaman na post doon pero pinigilan ako ni Yain.

"Akin na yang cellphone mo."

Napakunot noo ako dahil sa pagtataka. Pero pinilit nya ako na ibigay ko sa kanya yung cellphone ko kaya sa huli binigay ko nalang.

"Wag ka muna magbukas ng social media ngayong araw na to, pag tumawag sayo yung parents mo, pupuntahan nalang kita sa block mo."

Tumango nalang ako kahit na curious ako kung ano bang meron sa social media ngayon. Feeling ko tuloy mas malala ngayon. Tapos sinabihan pa ako ng mga lalakeng taga Tourism na call girl. Hindi ko gets kung paano nila nasabi yun. naka-stress tuloy.

Hindi na namin naubos ang breakfast namin. Hinatid nalang ako ni Yain sa department ko. Nakita ko si Cheeky. Lalapitan ko na sana sya pero umiwas sya saakin. Si Kitty naman lalapitan sana ako para kausapin pero agad syang nilapitan ni Yain at nag-usap silang dalawa.

Unspoken Beauty (Intersex)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora