Chapter 16

4.1K 152 38
                                    

A/N:Unedited





Arcane Kalea Lee


El Prat Llobregat, Aeropuerto. Barcelona, España. 🇪🇸

As we arrived at Barcelona Llobregat, Spain. I felt so sad talaga dahil ang layo ko na sa family ko. Tapos yung plan ko to study in Paris with Violet and Hunter did not come to fruition. Kahit malapit lang ang Spain sa Paris, I can't able to visit them or talk with them through phone dahil hindi talaga pwede. Tanging sina Mommy, Sharpay at Dada nga lang ang pwedeng dumalaw saakin dito. Hindi ko alam kung ano pa bang pinag-usapan ng parents ko at ng Daddy ni Yain. But, one thing is for sure. Itatago nila ako dito para hindi pwede malaman ni Yain ang tungkol sa pagbubuntis ko hanggang nasa Camp Delta sya.

"Ms. Lee, aalis na po tayo  connecting flight ulit papunta ng Alhambra, Granada."

Napaangat ang tingin ko sa babaeng bodyguard na ang pangalan ay Shannon. Tumayo ako at inayos ang shades na suot ko. Bahagya ko pa itong ibinaba para tignan sya.

"Alhambra, Granada?! What the heck!? Akala ko ba sa mismong City ng Barcelona ako titira?" Reklamo ko.

"Sinusunod lang po namin ang utos ni Chief General, Lèandre."

"Whatever..." Sagot ko, sabay ismid. Napakuyom ang knuckles ko. Bwisit talaga. Pwede naman bumaba sa mismong Alhambra, Granada Airport, talagang pinalayo pa? Nakasunod saakin ang dalawang bodyguard ni Chief General Lèandre habang ang isa naman ay nauuna para alalayan ako. Bizjet na kasi ang sasakyan namin from Barcelona to Alhambra, Granada.

Habang nasa flight kami, umiral yung pagiging annoying ko, actually sinasadya ko talaga minsan ang magpasaway sa kanila dahil naiinis parin ako. Gusto ko na mag quit sa trabaho itong mga bodyguards ni Lèandre kaso mukang mga sanay talaga kaya mas lalo lang akong naiinis sa kanila.

"Hey, gwapito.." Tawag ko sa isang bodyguard na lalake. Mukang kasing edad lang sya ni Yain.

"Ilan taon ka na pogi?" Tanong ko in flirty way.

Hindi sya sumagot kaya nilapitan ko sya at tinaasan ng kilay. Pinasadahan ko din sya ng tingin from head to toe. Maganda ang tindig at ang face hnmm... panalo. Kahit naka suits sya halatang may magandang biceps itong si boy.

"Alam mo boy, dapat sayo inaayos mo ang buhay mo? Sayang naman yang face mo. Pwede ka kayang maging model sa Italy o Paris kaysa maging isang bodyguard lang ni Chief General Lèandre."

"Ms. Lee, hindi po sya basta bodyguard lang. Sya po si Second Class Sergeant Levi ng Charlie Division of Intelligence Team at 26 years old na po sya." Sagot ni Shannon.

"Whatever, pinaganda mo pa girl." Naiismid na sagot ko kay Shannon.

Kinuha ko yung pinatimpla ko na pomegranate juice saka ako bumalik sa seat ko. Nakakaloka tong mga kasama ko. Nalulula ako sa mga damit nilang itim. Pakiramdam ko nasa ceremony hall ako at aattend sa lamay. Jusko sumasakit ang head ko. Kung alam ko lang na mabubuntis ako ng big doodle-doo ng Hunnie ko edi sana sinabi ko agad na buntis ako kahit hindi pa naman. Edi sana hindi ako nahihirapan ng ganito.

"Ms. Lee, kung may kelangan pa po kayo, tawagin nyo lang po ako."

"Wala na akong kelangan, kung ano man ang Kelangan ko si Yain yun at alam kong hindi nyo kayang ibigay saakin ang Big doodle-doo ko na yun."

Natahimik si Shannon, pero ilang saglit lang napalingon ako sa dalawang flight attendant nang marinig ko ang mahihinang paghagikgik nila. What did I say? Jeez! Napabuga nalang ako ng hangin nang mapagtanto ko kung ano ang mga lumabas sa bibig ko.

Pagkalipas ng dalawa at kalahating oras na biyahe. Finally! dumating na din kami sa mansion ng Lèandre. Sa entrance gate palang may nakalagay na 'Lèandre and the golden mile'. Kaya alam ko na nandito na kami. Literally, mile talaga! papasok palang kasi papunta sa mansion eh feeling ko milya ang layo from the gate bago ka makarating sa mismong mansion. Infairness ang ganda dito.

Unspoken Beauty (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon