Chapter 2

5.4K 174 40
                                    

A/N: Unedited


Gianna Kayien Lèandre

"Sino yung babae kanina? Kilala mo ba Yain?" Nagtatakang tanong ni Patrice.

"Do you really think I know her?" Masungit na asik ko.

"...mind blowing bl*wjob?" Willow uttered with a grin. Then, moments later, she burst out laughing.

"Alam yata nya na may jumbo hakdog ka!" Natatawang saad naman ni Sue.

"Bakit hindi mo tanungin? Baka nga alam nya na may hakdog ka Yain." Nakangising saad ni Kyleen.

Hindi ako umimik. I just grabbed the bottled water and opened it to drink. Naalala ko yung muka ng babaeng yun at kung anong mga pinag-sasabi nya.

"Sandali.. may pupuntahan lang ako."

"Huh? Saan.?"

Di ako kumibo basta naglakad lang ako palabas ng locker room ng bar. Tinignan ko ang paligid. There she is! Agad akong naglakad palapit sa kinaroroonan nya. Nang makalapit ako ay agad kong hinampas ang table nila kaya napapitlag sya.

"Pusa ka!" Sigaw ng babae dahil sa gulat.

Nahintuan sya nang makita ako. Halata ang takot at pagkabigla sa mata nya. Pero imbis na matuwa ako dahil natatakot sya mas lalo lang akong naiinis sa pagmumuka nya. Pinahiya nya ako. Kaya kanina narinig ko yung mga tao na pinagtatawanan ako dahil akala nila bakla ako gaya nitong kasama nya ngayon.

"Bakit mo sinabi yun?"

"H-huh? Ang ano?.. ahh! Yung kanina.. j-joke time lang yun, hindi totoo yun." Nauutal na saad nya habang pilit itong ngumiti.

"Alam mo bang hindi ako marunong magbiro? Lalo na sa mga birong below the belt."

"Hindi ko sinasad―.... Teka! Umalis ka.. nahihilo ako." Pangtataboy nya saakin. Napa'burp pa sya kaya napailing ako. Mukang lasing na tong babae na ito.

"Wala akong pakialam kahit mahimatay ka pa dyan. Magpublic apology ka."

"Umalis ka na nga sa dadaanan ko... bakit ba ang kulit mo!" Bulyaw nya. Talagang nakuha pa nya akong sigawan ah.

Tumayo ako para harangan ang dadaanan nya. Naramdaman ko din na nasa likod ko ang mga kaibigan ko na ngayon ay nagtatawanan.

"Sabi nang alis! H-hindi ko nー."

Hindi na naituloy ang sinasabi nya. Yumakap sya saakin at kumapit sa damit ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mainit at mabahong vomit nya all over my clothes. I felt disgusted! I pushed her away, but she just grabbed my clothes and threw up again. Talagang pinupuno ng babaeng ito ang pasensya ko.

"Hala! sinukahan ka nya Brad." Natatawang anas ni Willow.

"Shut up..." naiinis na sambit ko. Kaya napahinto sa pagtawa si Willow at Patrice.

Napatingin ako sa sarili ko. Fvck! Kadiri! Lumuwag ang pagkakapit nya sa damit ko at saka bumalik sa chair nya at natulog. Lahat nang tao dito sa bar ay nakatingin saamin.

"Y-Yain, Pasensya kana kay bebe gurl. Lasing lang kasi sya. Hindi sya sanay na uminom." Paliwanag ng bakla na kasama nya.

"Iuwi mo na yan... sa susunod na makita ko pa yan dito sa bar, hindi ko na yan papalampasin." Asik ko.

Nagtungo ako sa banyo para linisin ang sarili ko. Tinapon ko na din yung damit na nasukahan dahil sobrang disgusting talaga. Sobrang nabadtrip ako dahil sa mga pangyayari. Pero sa ngayon papalampasin ko ito. Pero pag naulit ito sa susunod ay mananagot na saakin ang babaeng yan.



Unspoken Beauty (Intersex)Where stories live. Discover now