Chapter 5

4.2K 142 31
                                    

A/N:Unedited


Arcane Kalea Lee

After the incident happened. Chiara dropped out of university and we haven't heard about her since then. Even her social media accounts are de-activated. Madami rin ang natuwa sa pag-alis ni Chiara at ng kapatid nya dito Albany University. At aaminin ko na isa din ako sa natuwa. Wala na kasing gulo sa school at yung mga alagad nya noon naging mabait na din. To put it succinctly, Chiara is a source of trouble.

Naging closed din kami ng new student na si Chelsea Sandria Austen. Kitty and I used to call her Cheeky. May lahi sya kaya pala kakaiba ang ganda nya at mukang foreigner. Pinag-aaral sya ng Tita nya na nasa ibang bansa kapalit ng pagiging caretaker nya sa bahay nito. Cheeky was nice person though, mahiyain lang sya.

Mas lalong tumaas ang mga points ko sa School, mas nakakapag-aral na kasi ako ng walang stress and worries. Kaya kahit ang mga pimples ko unti-unti na rin nawawala. May mga nakakapansin na nga na kamuka ko daw si Vodka. Pero todo deny lang ako.

Napagtanto ko na pimples at skin texture lang pala ang problema sa face ko. Tinuruan din ako ni Violet ng mga techniques para maging healthy ang skin ko. Pinadalhan nya ako ng one year supply na collagen supplement para mas lalo daw na mag-glow ang skin ko at effective talaga. Tumaas na din ang self confidence ko at sa Saturday magpapagawa ako ng contact lenses sa ophthalmologist para hindi na ako magsalamin. Gusto ko ng changes sa life ko at makita ako ng mga tao na hindi lang Kalea na Nerdy kundi bagong bersyon na Kalea. I want people to see me as someone who is full of confidence and Glamorous.

Hindi na rin ako nakakapunta ng bar dahil naging busy na ako sa bago kong mga friends. Si Yain, madalas ko parin sya makita sa Albany at nakakausap sa rooftop. Mas naging close kami at mas nakilala ko pa sya. Ayaw nga nya sa mga papansin na babae. Kaya pala ayaw nya kay Vodka. Naalala ko kasi ang papansin ko noong una kaming nakita sa bar. Nakakahiya talaga yung ginawa ko noon kung ano-anong vulgar words ang sinigaw ko, kung bakit ba kasi kumasa ako sa challenge ni Bakla. Hanggang ngayon tuloy pag naiisip ko yun nagpapalpitate ako dahil sa kahihiyan.

"Oh shit! Umuulan, bakit ngayon pa?" I mumble habang nakatingin sa langit.

Sumilong muna ako habang naghahantay ng taxi dito sa labas ng University. Nakalimutan ko kasi mag-check ng weather today ayan tuloy hindi ako nakapagdala ng umbrella.

Habang naghahantay ako dito, kinuha ko ang cellphone ko to call Dada and Mommy to pick me up kaso nang ididial ko na ay bigla itong nawalan ng battery. I sighed and my shoulder fell down, ngayon kelangan ko maghantay.

Naghantay ako ng taxi at inabot na ako ng almost 30 minutes. Ngunit wala paring taxi na dumating. If that is the case, I'll go back to the University and put my bag and books in the locker. Then maglalakad nalang ako hanggang bus station. Kung bakit ba kasi ang layo ng bus station at sakayan ng jeep sa school na ito.

"Hey, Miss.."

I looked up para tignan kung sino ang tumawag saakin. I realized na may nakahinto pala na car sa harapan ko. It's a McLaren sport car that's extremely cool, just like my dream car. Mommy refused to buy the same one because she stated that I was a student yet. Pero grabe lang ang ganda talaga. Pag may manligaw saakin na ganyan ang sasakyan kami na agad. Wala ng paligoy-ligoy. Dozo agad!

"Hey, sumakay kana!" She shouted again. I couldn't hear her voice clearly because of the heavy rain. Hindi ko tuloy sya ma-bosesan.

Napahinto ako sa pag-iisip at muling tinignan ang muka nya, shook! I barely see her face dahil sa ulan tapos natatalsikan pa yung tubig ulan sa salamin ko.

Hindi ko nalang sya pinansin, hindi ko naman sya kilala. Mamaya nirent lang nya yang car nya para magpa-impress. Baka props lang pala yan tapos balak pala akong kidnapin at gawan ng masama like, hello! I'm not dumb.

Unspoken Beauty (Intersex)Where stories live. Discover now