Chapter 13 (R18❗)

7.8K 170 59
                                    

A/N:Unedited. R18❗ mga susunod na chapter dito seryoso na talaga haha! 🤣


Arcane Kalea Lee

Nagtataka ako dahil papunta ang mga students sa Albany Academia Hall. At dahil tsismosa ako nakitsismis din ako. Nakita ko si Kitty na nakatayo sa pinakalikod at nanonood kaya nilapitan ko sya. Samot-sari ang bulungan na naririnig ko mula sa mga students. Narinig ko din na binanggit nila ang name ni Cheeky.

"Kitty, anong meron?" Tanong ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya.

"Panoorin mo nalang Kalie." Sagot ni Kitty. Kaya tumutok ako sa projector. Namukaan ko agad kung sino ang nagsasalita. Isa sya sa mga blockmates ko. Sya si Janine ang bagong leader ng grupo ni Chiara.

Sabi ni Janine, I checked daw namin ang Stargram account namin o kung wala ay ang Albany Bulletin nalang. At dahil hindi ko nakuha kahapon kay Yain yung cellphone ko ay nakitingin nalang ako kay Kitty. It came as a surprise to me that the issue are all about Cheeky.

"What? Si Cheeky yan diba?"

"Yes, that traitor.." anas ni Kitty. Humarap saakin si Kitty saka nya hinawakan ang kamay ko.

"Kalea, hindi sya totoong kaibigan, sya ang naglabas ng mga video mo noong binubully kapa. Tapos sya din ang nagpakalat ng mga memes about sayo para maging katatawanan ka ng mga tao. At ang masakalap nag edit sya ng picture na muka mo ang nakalagay tapos may kasama kang ibat-ibang matatandang lalake. Parang pinalabas nya na hooker ka...Kalie hindi ko na sya kaibigan pa. Masama syang tao."

Hindi ako nakapagsalita. Nakaramdam ako ng labis na kalungkutan. Nasasaktan ako. I couldn't believe Cheeky could do such a thing to me.

"Kaya nga ayaw ni Yain na magbukas ka ng Stargram, dahil masasaktan ka. Ayaw nya na madagdagan pa yung pain mo pag malaman mo yung about sa issue na yan." Kitty explained.

Napahawak nalang ako sa sintido ko. Speechless talaga ako. Parang walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko kahit gustuhin ko man na mag-salita. Malungkot kaming bumalik sa department namin. Nakita ko si Cheeky na nakaupo sa gilid habang nagsusulat. May airpods yung tenga nya. Lalapitan ko sana sya pero pinigilan ako ni Kitty.

Nang dumating ang mga blockmates namin galing Academia hall. Agad nilang pinagkaisahan si Cheeky. Tinawag nilang Prostitute. Call girl, hooker at kung ano-ano pang salita na hindi maganda.

"Give me that!" Sigaw ni Cheeky nang biglang kinuha ng grupo ni Norton yung airpods nya.

"What is your current value now Cheeky? Do those old mens feel good in bed? O ikaw ang kumikilos. Ugod na kasi sila?." Saad ni Norton kasunod ang malakas na tawanan ng mga kasamahan nya. Hindi din nakaligtas si Cheeky sa dating grupo ni Chiara. Pinagtutulungan sya ng mga ito.

"Hey bitch!. Nang-gagamit ka pa ng picture ng iba huh!" Saad ni Janine. Habang ang grupo nito ay nakapalibot kay Cheeky.

"Hooker ng mga oldies." Natatawang saad pa ng iba.

Napabuntong hininga ako, gustuhin ko man syang ipagtanggol pero masama pa ang loob ko sa kanya. Umiiyak si Cheeky at patakbo itong lalabas. Sakto na tumayo din ako para pumunta ng toilet kaya nagkasalubungan tuloy kami. Napahinto sya at tinignan nya ako ng masama pero agad din syang umalis.

Pagdating nang breaktime, sabay kami ni Kitty na pumunta ng Cafeteria. Hinahanap ko si Yain dahil yung cellphone ko nasa kanya pa. Baka tignan pa nya mga pictures ko doon. Wala pa naman passcode yung phone ko. Nakita ko sya kasama ang Eros members habang naglulunch kaya nilapitan ko sya.

"Yain, nasaan na yung cellphone ko?" Tanong ko, she looked up me saka ngumiti.

"Nasa car."

Napa'ismid ako. Kaya tumayo sya at hinila nya ako palabas ng Cafeteria.

Unspoken Beauty (Intersex)Where stories live. Discover now