Chapter 26

3.9K 128 73
                                    

A/N:Unedited

Arcane Kalea Lee

Nakauwi na kami sa mansion. Busy ako sa pag-aayos ng sarili ko dahil magkikita kami ngayong gabi ni Maximo.

"Kelangan ba talaga magpaganda ka ng sobra pag makikipag-kita ka kay Maximo? Diba makikipag-hiwalay ka lang naman sa kanya?"

Napa'ismid ako dahil kanina pa talaga si Yain nagkakaganyan. Ano bang gusto nya naka-pajama ako na haharap kay Maximo? Selos ng selos nakakainis. Hihiwalayan na nga yung tao hindi pa magtigil.

"Si Shannon ang maghahatid saakin. Saglit lang naman ako dun. Kakausapin ko lang sya tapos uuwi na ako."

"Ako ang maghahatid sayo doon. Mamaya kung ano pang gawin sayo ng tao na yun."

Sasagot pa sana ako kay Yain pero pinigilan ko na yung sarili ko dahil siguradong away lang ang kakahinatnan kung hindi pa ako mag-ceasefire. Kinuha ko ang dress ko saka ako nagbihis. Napansin nya pati ang suot ko na dress at gusto nyang papalitan yun saakin, nakikita daw kasi yung cleavage ko.

"Punyeta naman Yain! Ano bang gusto mo? Pwede ba isantabi mo muna yang selos mo? Ito na ang last na pagkikita namin ni Maximo dahil nga hihiwalayan ko na sya. Tapos hindi ka tumitigil dyan?!" Naiinis kong asik nang hindi ko na mapigilan ang inis ko.

"Anong gusto mo? Matuwa ako na magkikita kayo? Kung hindi mo kasi sinagot yung tao at naghantay ka nalang na bumalik ako edi sana wala kang pinoproblema ngayon."

"Sige isa pa! Sasampalin na talaga kita!" Bulyaw ko dahil sa inis sa kanya. Hindi pa talaga tumahimik, talagang sasagot pa.

"Hindi naman pala mahal, eh bakit sinagot mo?" Pabulong na saad nya, pero narinig ko naman.

Padabog kong kinuha ang bag ko saka ako lumabas ng room at iniwan sya. Sinundan nya ako hanggang makarating kami ng living room. Naiirita talaga ako.

"Shannon, Tara na nga.. umalis na tayo para makauwi din ng maaga." Pag-yaya ko kay Shannon.

"Yes Ms. Lee.."

Lalabas na sana kami ni Shannon para pumunta sa sasakyan nang pinigilan kami ni Yain. Kinuha nya yung susi ng car kay Shannon saka nya ako hinila papuntang parking lot. Nakasimangot akong napatinaod saka nya ako pinapasok sa loob ng kotse. Habang nasa biyahe kami nakasimangot ako at pagnapapatingin ako sa kanya tinatarayan ko sya.

"Dalian mo doon, wag ka na magtagal. Sabihin mo na agad yung pakay mo sa kanya." Seryosong utos nya. Napa'ismid talaga ako. Akala ba nya military ako na inuutusan nya ng ganyan? Baka sipain ko pa yang tuhod nya dyan.

"Oo na.. naiinis na ako sayo Yain, kanina ka pa."

Hindi sya umiimik pa. Nagfocus nalang sya sa pagmamaneho. Paglipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa restaurant kung saan kami magkikita ni Maximo. Sinabihan ko si Yain na maghantay nalang sa car. And thank goodness dahil pumayag sya.

Pagpasok ko sa loob ng restaurant walang ibang tao except sa mga bodyguards ni Maximo. Nakita ko agad sya na nakaupo sa pinaka-center ng lugar na ito habang may malaking round table sa harap nya. Gosh!  The restaurant's atmosphere was tranquil, quaint, peaceful, and beautiful at the same time. There are also pink and white petals in the aisle that I am walking by. The area is adorned with flowers and candle lights. Once I got to our table, the violinist began playing the violin. The presence of the sound of romantic violin enhances the romantic vibe of this place.

"Mi Alma Kalea, Eres tan hermosa."

"Gracias Marquess Maximo. you're handsome too. You look great in your suit."

Unspoken Beauty (Intersex)Where stories live. Discover now