Chapter 28 (R18❗)

6.2K 140 34
                                    

A/N: Unedited. R18❗




Arcane Kalea Lee

"Omg! My pwet is so sakit."

Halos masuntok ko ang pwet at balakang ko dahil sa pangangalay at sakit. Ilang oras ba naman ang biyahe namin from Spain to Philippines.

"Hunnie, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Yain habang hinahaplos ang balakang ko.

"Okay lang Hunnie." Sagot ko nalang para hindi na sya mag-alala. Struggle is real talaga pag buntis tapos matagal pa na biyahe. Imagine, umalis ako noon ng Philippines na buntis at babalik ako ng Philippines na buntis ulit. Baka sa ikatlong pagbubuntis ko papunta na ako ng moon. Ewan ko nalang talaga.

"Sergeant Kayein!"

Sabay kaming napalingon ni Yain sa taong tumawag sa pangalan nya. Malawak ang ngiti nito na lumapit kay Yain saka yumakap. I was so startled by what this woman did.  Who the heck is this woman? Napataas ang kilay ko at tinignan ko si Yain. Aba naman, ang ganda din nang ngiti ng isang ito.

"Eherm.." my fake coughs.

Napatingin sila saakin kaya sumeryoso na ako. Tinignan ko si Yain, nakangiti parin sya.

"Hunnie, fellas ko si Sergeant Candy. Sergeant, si Kalie Girlfriend ko. Mommy ng anak ko." Pag-iintroduce ni Yain sa babaeng fellas daw nya.

"Wait may anak ka na Sergeant Kayein? Paano? IVF ba?"

Napaismid ako. Ang Gaga na to, inuna pa ang tsismis kaysa mag-greet. Kung sabunutan ko kaya to. Patuloy silang nagkwentuhan ni Yain. Medyo naiinis na ako kaya iniwan ko sila at sumakay na ako sa car ni Shannon.

"Ms.Lee, sa kabila po ang sasakyan nyo ni Sergeant Kayein. Hindi po dito."

"Shannon, can just shut up please? Kelangan kong magpalamig. Mainit ang ulo ko."

Shannon chuckled and shrugged her shoulder. Sumakay sya sa passenger seat habang sa driver seat ay yung driver ni Chief General Lèandre. Kinuha ko ang phone ko at nagmessage ako kay TJ na sya muna bahala kay Jullianna dahil sa ibang car ako sasakay nagreply naman sya kaya nakampante ako.

"Manong, umalis na tayo." Utos ko sa driver. Ayaw pa sana ako sundin dahil hindi nag bigay ng signal itong si Shannon pero sinungitan ko si Shannon kaya inutusan na nya si Kuya driver na umalis.

"Ano ba kasi nangyari? Magkaaway ba kayo ni Sergeant Kayein?" Tanong ni Shannon.

"No, masaya sya na kausap yung fellas nya." Naiismid na sagot ko, kaya natawa si Shannon.

"Nagseselos ka dun Ms. Lee? Mas maganda ka dun tapos mas bata ka pa. Hindi ka ipagpapalit ni Sergeant Kayein sa kahit na sino."

"Oh really? Kaya pala ang saya-saya ni Yain na nagkita sila ng fellas nya na yun."

"Ang alam ko sya si Sergeant Candy ng Delta Intelligence team. Nakasama sya ni Sergeant Kayein sa loob ng Camp Delta." Kwento ni Shannon.

Hindi ako nakapagsalita. Shet, parang piniga ang heart ko. Gusto ko tuloy umiyak dahil sa bwisit na selos na to. Apat na taon si Yain sa Camp Delta, so apat na taon nyang kasama yung babae na yun.

Nagseselos ako sa babae na yun. Kahit na mas bata at mas maganda ako sa kanya hindi ko maiwasan ang magselos lalo na nasaksihan ko kung gaano kasaya yung muka ni Yain ng makita at kausap sya. Si Yain hindi sya yung tipo ng tao na basta mo mapapatawa o mapapangiti pero nang makita nya yung babae na yun talagang nagbago sya on the spot. Hayop na Yain na yan! Nangigigil talaga ako. Parang gusto ko magwala.

Napatingin si Shannon sa cellphone nya. Tumunog kasi yun. Nang sinagot ni Shannon ang call, nanahimik ako at nagfocus para pakinggan yung boses na lumalabas sa cellphone nya. Naririnig ko kasi unti yung boses mula sa kabilang linya.

Unspoken Beauty (Intersex)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora